Chapter 19

290 8 0
                                    

Heiden's POV

Kumakain naman na kami ngayon ng dinner at pareho lang kami tahimik ni Athena habang yung mama niya nagsasalita.

Sumasagot din ako minsan kapag tinatanong ako pero madalas panay ngiti at tango lang ako.

"Saan ka pala nakatira hijo?"Biglang tanong ng mama ni Athena kaya napatigil ako sa pagkain at napatingin ako sa mama niya na medyo nakangiti sakin.

Nagdalawang isip naman ako kung sasabihin ko ba na malapit lang ako dito at sa iisang subdivision lang pero baka mamaya pauwiin niya ako edi hindi ko makakasama si Athena.

"Ah eh diyan lang po sa may...kanilang subdivision lang"Pagsisinungaling ko sabay iwas ng tingin sa mama ni Athena.

Bigla naman ako siniko ni Athena."Bakit ka nagsinungaling?"Mahinang bulong niya sakin pero tumingin lang ako sa kanya.

"Ah ganun ba hijo..."Rinig naman namin sagot ng mama niya kaya napatingin ako sa mama niya sabay ngiti.

"Ahm o-opo hehe"

Hindi naman na nagsalita ang mama niya at nagpatuloy na lang kami sa pagkain at ilang saglit pa ay natapos na rin kami sa pagkain kaya tinulungan ko na lang si Athena sa pagliligpit ng mga pinagkainan namin.

"Bakit ka ba nagsinungaling kay mama? Dapat sinabi mo na lang na dito ka lang din naman nakatira sa subdivision at magkapitbahay lang tayo"Reklamong sabi ni Athena. Tinutulungan ko naman siya sa paghuhugas ng plato ngayon.

"Bakit masama bang magsinungaling?"

"Oo naman! Baka sa impyerno ka mapunta niyan"Sagot naman niya pero natawa lang ako."Anong nakakatawa?"Kunot noo tanong niya pero tumatawa lang ako.

"Wala lang...nakakatawa kasi haha"Sagot ko naman habang natatawa pa rin.

"Tsk! Ikaw lang ata masayang pupunta sa impyerno! Ang init kaya dun"

"Alam ko pero natatawa lang talaga ako"Sagot ko pa pero inirapan niya lang ako.

"Hays! Bilisan na natin dito para madaling matapos dahil inaantok na ako. Sa salas ka na matulog"Sabi naman niya. Tumango lang ako at tinulungan ko na lang ulit siya sa paghuhugas.

Nung natapos naman kami sa ginagawa namin ay nagpaalam naman siya na matutulog na siya kaya ako na lang nandito sa salas.

Nakahiga naman ako ngayon sa upuan habang tulala lang ako sa kisame.

Ayaw kong umuwi ng bahay dahil sigurado akong sesermunan na naman ako ng parents ko. At isa pa ayaw ko din isipin si Alexandra.

Tanging pagtunog lang ng wall clock ang naririnig ko at sobrang tahimik sa bahay nila kaya sobrang nakakapanibago hindi tulad sa bahay namin halos puro sigaw ni mommy at daddy naririnig ko.

d>>__<<b

Siguro sanay talaga sila na parang simple lang pero nakakalungkot naman ata kung sobrang tahimik dahil baka mamaya bahayan ng maligno yung bahay nila sa sobrang tahimik.

"Heiden?"

*Booogggsssssshhhhh*

Napabagsak naman ako sa kinahihigaan ko ng marinig ko ang malamig na boses na bumulong sa tainga ko.

My Badboy LoverWhere stories live. Discover now