Chapter 25

329 11 1
                                    

Athena's POV

Alas-sais ng magising ako dahil maaga ang alis namin at ngayong araw na mismo ang paglipat namin sa bagong bahay.

Narinig ko naman si mama na nasa baba na tinawag ako."Athena! Halika na, bumaba ka na! Nakaayos na ang mga gamit natin!"Sigaw ni mama sakin.

"Opo! Pababa na po ako!"Sigaw ko naman pabalik.

Napabuntong na lang ako at dahan-dahang humakbang bago lumabas ng kwarto.

Pinagmasdan ko naman sa huling pagkakataon ang kwarto kong ito na mula pagkabata hanggang sa magdalaga ako. At lahat ng memories ko noong bata pa ako nandito sa kwarto ko na ito na ngayon ay iiwan ko na...

Tumalikod na ako at tuluyan ng lumabas ng kwarto at bumaba ng hagdan. Nakita ko naman si mama na nasa salas.

"Tara na"Pagkasabi 'non ni mama ay tumalikod na siya saka humakbang at lumabas.

Humakbang na rin ako saka lumabas ng bahay. Sumakay na ako sa kotse at pinaandar na yon ni mama.

***
"Nagustuhan mo ba anak ang bago nating bahay?"Rinig kong tanong ni mama. Napaangat naman ako ng ulo at napatingin kay mama na nakangiti na ngayon.

Nasa kusina kasi kami para mag-tanghalian saka hindi na kami nakapag-umagahan dahil kailangan na namin makalipat agad ngayon sa bahay dahil aayusin din namin yun mga gamit namin.

"O-opo..."Sagot ko sabay yuko.

Maganda naman yung bahay kaso naninibago pa ako at yun ang ang dapat kong sanayin na kalimutan ko na simula ngayon ang dati namin bahay.

"Hindi mo pa pala nakikita yung kwarto mo pero sigurado akong matutuwa ka dahil sobrang laki at lawak ng kwarto mo"Rinig kong sabi pa ni mama at narinig ko rin na tumatawa siya.

"At bukas nga pala sasamahan kitang mag-enroll"Patuloy na sabi ni mama. Hindi naman ako nagsalita.

Nang natapos naman kaming mag-tanghalian ay umakyat na ako sa taas para makapag-pahinga dahil mamaya aayusin ko na yung mga gamit ko kung saan ko dapat ikakamada o ilalagay ng maayos.

May malaking kama naman kaya napalundag na lang ako doon saka napataklob ng unan sa mukha. Malaki nga ang kwarto ko samantalang nasa kabilang kwarto naman si mama at yung isang kwarto naman daw ay para naman daw sa taong bibisita dito sa bahay. Kumbaga parang guest room.

Gusto ko naman matulog kaso hindi ako makatulog kaya inalis ko muna ang unan na nakataklob sa mukha ko saka ako tumayo para ayusin na lang yung mga gamit ko.

Habang sinisimulan ko naman ayusin ang mga gamit ko bigla naman pumasok si mama kaya napatigil ako sa pag-aayos.

"Anak? Aalis muna ako ah may bibilhin lang ako sandali diyan sa labas"Paalam ni mama. Ngumiti at napatango lang ako hanggang sa lumabas na siya ng kwarto ko.

Pinagpatuloy ko naman na ang pag-aayos ko ngayon at mayamaya pa bigla na lang ako nakaramdam ng pagod kaya nagpahinga na lang ako at bukas ko na lang ipagpapatuloy yung iba after namin pumunta ng school para makapag-enroll.

Heiden's POV

"Hoy Heiden! Sasabay ka ba sakin mamayang umuwi?"Kalabit sakin ni Troy. Hindi ko naman siya nilingon.

My Badboy LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon