Chapter 01

1.4K 33 1
                                    

Athena's POV

Nagmamadali akong tumatakbo ngayon dahil baka ma-late na ako sa klase at tatakbo pa ako paakyat ng hagdan hanggang 4th floor dahil doon ang classroom
namin. Hindi ako tumitingin sa orasan ko dahil alam kong sobrang late na talaga ako.

Tumatakbo pa rin ako ngayon dahil talagang nagmamadali na ako at kailangan kong maabutan ang first subject ko. Hinihingal na ako at pawis na pawis na rin ako pero patuloy pa rin ako sa pagtakbo.

Malapit na ako sa may entrance ng school kaya mas binilisan ko ang pagtakbo hanggang sa marating ko na ang gate ng school atsaka ko pinakita yung school i.d ko para makapasok na ako.

Feeling ko tuloy sumali ako ng marathon dahil sa haba ng tinakbo ko.

Napahawak na lang ako sa tuhod ko at 5 seconds na nagpahinga muna at pagkatapos kong makapag-pahinga ng 5 seconds ay akmang tatakbo na ulit ako ng may marinig akong malakas na sigaw.

"ALAM MO BANG G*GO KA!?PERO MAS GAGO AKO!!!"Malakas na sigaw ng isang lalaki kaya naman sinundan ko ang malakas na sigaw na yun hanggang tumambad sakin sa di-kalayuan ang napakaraming estudyante na nagkakagulo at maiingay.

'Anong nangyayari?!'

Dahan-dahan naman akong lumapit dun sa mga estudyante na nagkakagulo at nakipagsiksikan.

"Excuse me! Excuse me!"Pakiusap kong sabi habang nakikipag-siksikan sa kanila.

Nang makarating naman ako sa unahan ay nagulat ako ng may apat na lalaki ang nasa gitna ngayon at nagkakagulo. Nanlaki naman ang mga mata ko dahil nakita ko ang isang lalaking duguan at halos bugbog na ang mukha niya habang hawak naman siya sa kwelyo nung lalaki na naka-side view ngayon at tangos lang ng ilong ang pansin sa kanya at feeling ko na galit na galit siya dahil mahigpit ang hawak niya sa kwelyo nung lalaki.

Yung dalawang lalaki naman na kasama niya ay hawak-hawak yung dalawang kamay magkabilaan nung lalaking bugbog sarado. Mga naka-ripped jeans at black leather silang tatlo habang yung lalaki naman na bugbog sarado ay naka-white T-shirt lang habang nababakas ng dugo yung damit niya.

Halos lahat kami ay pinapanood lang ang gulong nangyayari ngayon ng bigla na naman sumigaw yung lalaking nakahawak sa kwelyo nung lalaking bugbog sarado.

"Hindi mo ba ako kilala ha?! Hindi mo kilala ang binubunggo mo!"Malakas niyang sigaw dun sa lalaking bugbog sarado. "Wag na wag mo akong niyayabangan dahil una sa lahat wala akong pake sayo!"Dagdag niya pang sabi at halos magulat naman kami ng bigla niyang sinuntok yung lalaki dahilan para biglang mawalan ito agad ng malay.

Napatakip na lang ako sa labi ko dahil ngayon lang ako nakakita ng ganitong gulo. Nagbubulungan naman na parang mga bubuyog naman ang mga katabi ko at pati sila ay hindi makapaniwala.

Mayamaya pa ay biglang may pumito kaya lahat ay napatahimik at napatingin sa pumito na yon.

"What's happening?!"Taka at gulat na tanong ni Miss Manansala, school principal. "Mr Montero? Ano na naman ang ginawa mong kaguluhan?!"Kunot noo tanong ni Miss Manansala. Dahan-dahan naman ako napatingin sa tinawag ni Miss Manansala.

Halos manlaki naman yung mata ko dahil kilala ko yung lalaking tinawag niyang Mr Montero.

Siya si Heiden Montero na kilalang BADBOY slash GANGSTER slash CHICKBOY at KINATATAKUTAN sa lahat!

My Badboy LoverUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum