Chapter 06

544 16 2
                                    

Heiden's POV

"But I love if you are my first kiss"Kunwaring seryoso kong sabi pero ang totoo natatawa ako sa itsura niya haha.

Hindi siya makagalaw at parang natulala pa siya. 'Tsk! Iba talaga kapag gwapong katulad ko madaling ma-fall ang babae sakin!'

Natauhan naman ako ng bigla siyang napatayo at gulat na gulat pa rin yung mukha niya.

'Tch! Ngayon lang siguro 'to nakatitig ng gwapong katulad ko?'

Dahan-dahan naman akong napatayo at saka ko pinagpagan yung damit ko ng marinig ko siyang nagsalita.

"Ano ba kasi ang ginagawa mo dito ha!? At wala akong pake kung hindi ka makatulog dahil una sa lahat istorbo ka!"Rinig kong inis na sigaw niyang sabi kaya napatingin ako sa kanya. Bigla naman ako napangisi sa kanya.

"Ang arte mo! Kala mo naman ikinaganda mo yang galit-galitan mo eh ang pangit mo naman!"Kunwaring pang-aasar na sabi ko sa kanya. Sinabi ko lang yun para hindi siya mapikon kasi baka mamaya masira pa yung plano ko.

d>>__<<b

"Tsk! Ikaw ang maarte!"Inis na sigaw na naman niya kaya napapikit na lang ako.

"Pwede bang wag kang sumigaw dahil nakakairita!"Reklamo ko naman na sabi pero napataas lang yung kilay niya.

"Wala kang pakealam kung sumigaw ako sa sarili kong pamamahay! Dahil una sa lahat pumunta ka lang naman dito para mang-asar!"Mataray at sigaw niyang sabi. Napapikit na lang ulit ako at hindi ko na lang siya pinansin.

Iginala ko naman yung mga mata ko sa loob ng bahay nila at malawak siya at malaki. Napatingin naman ako kay Athena na nakayuko na ngayon.

"Psst pangit!? Wala ka bang kasama dito?"Takang tanong ko. Dahan-dahan naman siya napaangat ng ulo.

"Bakit may nakita ka bang may kasama ako?"Kunot noo niyang tanong kaya napapikit na lang ako.

Hmp Pilosopo!

"Wala"

"Eh yun naman pala eh tsk!"Inis na sabi na naman niya.

Sungit!

"May foods ba kayo dito? Tara snacks tayo"Aya ko na lang sa kanya pero salubong lang yung kilay niya.

"Bawal kumain dito!"

"Bakit naman bawal? Eh bisita mo ako?"Kunot noo ko naman na tanong pero inirapan niya lang ako.

d>>__<<b

"Hindi ka bisita kundi bwesita!"Inis na naman niyang sabi.

"Hays! Aalis na nga lang ako! Wala ka naman kwentang kausap!"Inis ko na lang din na sabi at saka ko na siya tinalikuran. Akmang hahakbang naman na ako ng bigla siyang nagsalita dahilan para mapatigil ako sa paghakbang.

"Mabuti naman alam mo!? Lumayas ka na nga dahil isa ka rin naman walang kwentang tao lalo na nakakabwesit ka lang!"Sigaw na naman niyang sabi. Nainis naman akong humakbang na lang kaso naalala ko na yung plano ko kaya napaharap ako sa kanya.

My Badboy LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon