Chapter 03

751 25 0
                                    


Athena's POV

Naglalakad ako ngayon at pupunta sana ako sa may locker para ilagay yung mga iba kong libro at gamit na hindi naman namin kailangan ngayon araw.

Pababa na ako ng hagdan ng bigla kong nakasalubong si Heiden na mukhang nagmamadali kaso nabunggo niya ako kaya nahulog yung mga gamit ko. Hindi niya ako napansin at ewan ko ba pero naiinis ako sa kanya lalo na kapag nakikita ko siya. Tinulungan naman niya akong pulutin yung mga gamit ko.

'Aba! May puso din pala 'tong ugok na 'to kahit papaano!'

Narinig ko naman na nagsalita siya kaya napaangat ako ng ulo.
"Tsk! Tumingin ka kasi sa dinadaanan mo!"Inis na sabi niya habang pinupulot pa rin niya yung iba kong gamit na nahulog.

Napapikit naman ako ng mata dahil nagre-reklamo pa siya eh pwede naman hindi na lang niya ako tulungan at kahit hindi na rin siya mag-sorry tutal ganun naman talaga siya! Walang modo!

Iminulat ko naman ang mata ko at napahinga na lang ako ng malalim saka inis na sinagot siya.
"Baka ikaw ang tumingin sa dinadaanan mo?! Akin na nga yan!"Inis na sabi ko at saka ko kinuha yung libro ko na hawak niya. Napaangat naman siya ng tingin at saka ako tinaasan ng kilay.

"Diba dapat ikaw ang tumingin sa dinadaanan mo? At kasalanan ko bang makabunggo ako ng isang nerd na katulad mo?"Nakataas ang kilay habang nakangisi niyang sabi sakin pero inirapan ko lang siya.

"Excuse me?! Ako nerd? Ang kapal naman ng mukha mo! Ikaw nga tignan mo itsura mo napaka-babaero mo! Pangit mo pa!"Inis na sabi ko pero nakita ko na biglang namula yung mukha niya.

'Pikon hahaha!'

"Hoy! Baka ikaw ang pangit dahil mukha kang daga!"Inis na sigaw niya sakin kaya naman nainis ako dahil sa sinabi niya.

Ano daw sabi? Ako daga?

'Gaga! Ikaw din pala yung pikon!'

d>>__<<b

"Tsk! Mas pangit ka at kampo ka ng kademonyohan!"Inis na sigaw ko sa kanya at mas lalong namula naman siya sa inis at galit. Nagulat naman ako ng bigla niyang hawakan yung balikat ko at matalim na nakatingin sakin.

"Wag na wag mo akong sinisigawan diyan! Dahil una sa lahat, hindi mo ako kaano-ano para sigawan! At pangalawa, wala kang karapatan na laitin ako dahil mas kalait-lait ka pa kesa sakin!"Inis na sigaw niya sakin pero hindi naman ako nagpatinag sa kanya. Inis ko naman inalis yung kamay niya sa pagkahawak sa balikat.

"Eh ikaw nga 'tong unang nanglalait eh! Gwapo ka nga pero masamang damo ka naman!"Inis na sigaw kong sabi sa kanya at saka ko na siya iniwan at bumaba na lang ng hagdan.

Naiinis naman akong naglalakad papuntang locker dahil sa bwesit na Heiden na yon! Wala siyang ginawa kundi mang-inis o di kaya mang-asar!

Malapit na ako sa may locker ng bigla akong natisod dahilan para sumubsob ako sa sahig at mahulog na naman yung mga dala ko. May narinig naman akong malakas na tumatawa habang pumapalakpak pa. Napalingon naman ako at si gago pala!

Paano naman agad nakarating yun dito? Ah alam ko na... nag-short cut ang gago!

d>>__<<b

Siya ang tumisod!

Hindi lang siya basta badboy slash chickboy at slash gangster dahil isa din siyang bully!

"Bwahahahahahahahahaha! Dapat lang sayo yan!"Malakas na tawa niya at mabuti na lang walang tao kundi mapapahiya na naman ako.

Inis na lang ako napatayo saka pinagpagan yung suot ko. Hindi ko na lang siya pinansin at saka ko na lang pinulot ulit yung gamit ko at saka na lang naglakad papalapit sa may locker.

My Badboy LoverWhere stories live. Discover now