Chapter 05

636 18 0
                                    

Heiden's POV

"we have to pretend"Seryoso kong sabi at agad ko naman napansin na natutulala siya saglit.

d>>__<<b

"H-Ha? P-Pretend? Anong pretend ang pinagsasabi mo diyan ha?!At paano mo nalaman yung number ko at pati na rin kung saan ako nakatira?"Kunot noo niyang tanong. Napapikit naman ako dahil naalala ko na nakuha ko nga yung number niya sa bulletin board at balak ko lang sana siyang pagtripan kaso may biglang tumawag sakin na babae kanina sa phone ko...

*Throwback*

Palabas na kami ngayong tatlo sa classroom kaso pinauna ko na si Troy at Zac dahil nagdahilan lang ako na dadaanan ko yung isa kong chicks kaso ang totoo dadaan ako sa may bulletin para kunin number ni Athena at balak ko sana siyang pagtripan haha.

Sa may bulletin kasi nilalagay yung mga bagong students or mga transfer ng school para daw madaling makita at dito lang naman yun ginagawa sa BCU.

Sa pagkakaalam ko naman ngayon ay nakauwi na siya dahil noong high school kasi kami ay nauuna na siya laging umuwi at nababalitaan ko rin na puro pag-aaral ang inaatupag niya at talagang matalino siya.

Bigla ko naman naalala nung sinabi ko sa kanya kanina pero hindi ko naman talaga siya type tsk!

d>>__<<b

Naglalakad na ako ngayon papuntang bulletin at nung nasa tapat na ako ng bulletin board ay saka ko hinanap yung number ni Athena na nakalista sa papel at nung nakita ko naman na yung number niya ay saka ko sinave sa phone ko yung number niya at akmang kokontakin ko naman siya ng bigla naman may tumawag sakin at halos manlaki naman yung mga mata ko dahil tumatawag yung isa kong chicks.

Napalunok na lang ako at nagdadalawang isip pa ako kung sasagutin ko ba o hindi. Pero sinagot ko na lang dahil baka
mamaya magalit pa sakin.

d>>__<<b

"Hello babe-------"Hindi ko naman natapos yung sasabihin ko ng bigla siyang sumigaw kaya nailayo ko yung phone ko pero agad ko rin binalik sa tenga ko pero sumisigaw pa rin siya kaya napapikit na lang ako.

"Hoy! Walang hiya ka! Manloloko ka! May iba ka palang babae tapos nilalandi mo lang ako!"Malakas na sigaw niya. Nagkunwari naman ako na hindi ko alam yung sinasabi niya.

"H-Huh? Hindi ko alam ang sinasabi mo"Pagkukunwari kong sabi pero sumigaw na naman siya.

Tsk! Bakit ba kasi ang hilig sumigaw ng mga babae eh!?

"Anong hindi mo alam ha?! Nakasalubong ko yung naging ex mo kanina! at nalaman ko na may ex ka pang isa! Then may nakasalubong din kami na isa mo pang ex at hanggang sa nalaman ko na marami ka palang naging babae! At higit sa lahat ginagawa mo lang one week na jinojowa mo then ibebreak mo rin naman! Manloloko ka! Kaya humanda ka sa gagawin namin sayo!"Malakas na sigaw niya ulit dahilan para mapalunok na lang ako.

Mukhang magpo-protesta sila ah!

"Ilang babae pa ba ang lolokohin mo ha Heiden?! Pwes! Hindi na kami papayag na pati mga iba pang mga katulad namin ay lolokohin mo pa!"Malakas na sigaw na naman niya.

d>>__<<b

"Anna? please magpapaliwanag ak--------"

"Shut up! Hinding hindi mo na kami maloloko! At lalong lalo na ako! Kaya humanap ka na lang ng kakampi mo b*tch!*Toot*"Napapikit na lang ulit ako at saka inis na napasigaw.

Arghhhh! Bakit ngayon pa?! Bakit ngayon pa ako nabuking ng marami kong mga babae?! At sino naman bwesit na g*gong nagsabi na marami akong babae?!

My Badboy LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon