CHAPTER 03: Technically Technician

Comenzar desde el principio
                                    

You can bring her sa Divisoria to Shangrila, sa tusok-tusok to a fine dining restaurant, kahit pagsuotin mo siya ng basahan o million worth of clothes, she'll slay both. Mawala man sa kanya ang pagiging mataalino niya, hindi pa rin mabibilang sa kamay ang magagandang katangian na meron siya.

Tinignan niya ko. "Ano?"

"I love you."

She blushed in an instant and rolled her eyes. "Kunwari nanonood lang tayong Netflix ha?" aniya bago sumandal at nagkunwaring nanonood.

I chuckled. "Have you seen my safety phone?"

"Why? Mas trip mong panoorin sex video natin kesa sa Netflix?"

"Luh? Hindi! Baliw ka. Nasaan nga?"

"Hmm...hindi ko sure. Baka nasa ilalim nitong sofa."

Tumayo kaming dalawa para hanapin iyong phone. Tanda ko kasi nilagay ko sa sahig katabi ng pantalon ko, pero wala naman kanina doon.

"Ito pala." Pinulot ko ang phone ko na nasa ilalim pala ng center table. "Delete ko na 'tong video natin."

"Why mo ide-delete? Ayaw mo ng souveneir?" natatawa niyang tanong.

"Loka-loka." Ni-run down ko muna nang mabilisan iyong video because I wanted to see Jayla again. I bit my lower lip while smiling dahil ang hot niya sa video kahit mukha kaming tanga pareho.

Tapos biglang tumunog iyong passcode ng pinto at sa sobrang gulat ko ay napaidtad ako at nabitawan ko ang phone at nahulog sa sahig. "Shit!"

"Chill, buy! Upo na tayo."

Kinuha ko ang phone at ibinulsa. Umupo kami at tinaas namin ang paa namin sa center table habang kumakain tumatawa kami kunwari.

"Gosh! Super funny ng bida!" natatawang saad ni Jayla at saka lumingon kay na Ate Mira. "Hala you're here na po pala. Masyado kaming focused sa pinapanood namin."

Wow. Best actress.

Tumayo kaming dalawa at sinalubong sina Kuya Waldo. "Kumusta po panonood ng sine?" tanong ko.

"Salamat, Sir Nicco. Matagal-tagal na rin akong hindi nakakapanood ng sine."

"Wala 'yon, Kuya Waldo. Small thing. Kain muna po kayong dalawa bago tayo umalis, Kuya. May mga pagkain pa dito."

Doon pa rin kasi ako nakatira sa bahay, hatid-sundo na lang ako palagi sa school. Hindi ako kasing tapang ni Jayla na kayang mag-condo at maging independent kahit kasama niya si Ate Mira.

"Nag-text sa'kin si Ma'am Kyla. Sobrang traffic daw dahil may nagbanggaang truck at bus sa highway, dito na lang daw muna tayo, Sir."

"Hala! Eh, sina Mommy po? Nakauwi naman po sila sa bahay lahat?"

"Opo, Sir. Okay naman po sila."

"Tabi na lang po kami ni Ate Mira sa room ko, kayong dalawa na lang po ni Nicco sa room ni Ate Mira," saad ni Jayla. Wow. Hiwalay boys at girls. Pa-virgin ang bebe ko. "Is that okay po, Ate Mira? Doon muna sila sa room mo?"

"Sige po, Ma'am."

Kumain na muna kaming apat at saka pumunta sa kanya-kanyang kwarto.

Habang inaayos ni Kuya Waldo ang higaan ay biniro ko siya. "Kuya, kumusta panonood ng sine kasama si Ate Mira? Sa KKK ba kayo nakapwesto?" tanong ko habang nagtatanggal ng sapatos.

"KKK?"

"Kasulok-sulukang, katas-taasang, kadilim-diliman!" natatawang saad ko. Napahawak pa ko sa tiyan ko katatawa pero hindi niya ko pinansin, pinagpatuloy niya lang ang pag-aayos ng higaan.

A Victim's Aftermath [MEDICAL SERIES #2]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora