✯Kabanata 37✯

Start from the beginning
                                    

Nagsimula nang humakbang ang dalawang lalaki sa loob ng pasilyo. Tumigil lamang sila sa paghakbang nang makarating sila sa pangalawang pintuan sa dulo.

"Ginoong Allastor, aabisuhan ko lamang ang mahal na hari na makadadalo ka. Maaari ka muna bang maghintay sa silid na ito pansamantala?" marahang ani Ayanno Nightangel. "Tatawagin na lamang kita kapag handa na ang lahat."

Bilang tugon ay tumango si Allastor.
----

Mula sa malawak at engrandeng silid, ang engrandeng bakal na pintuan ay agad na bumukas. Napangiti na lamang ang Haring si Leonardo nang iluwa noon ang pigura ng kaniyang pinakagagalang na...

"Guro, nakabalik kayo kaagad?!" agad at nanabik na napatayo si Leonardo sa kaniyang trono. Ganoon man, nang makitang wala ang inaasahan niyang tao sa likod ng heneral ay napasimangot din siya. "Hindi niyo kasama ang Shadow-terminator?"

Ngumiti lamang nang taimtim si Ayanno at marahang nagsabing. "Naroon siya sa silid ni Stallion Ibzaar ngayon. Ngunit sa ngayon," saglit siyang huminto. "Sa ngayon ay may gusto lamang akong linawin..."

Muling nanabik ang damdamin ni Leonardo sa kaniyang narinig, gayunman, itinago niya pa rin iyon sa kaniyang ekspresyon. Agad siyang tumugon ng tango at hinintay ang sunod na sasabihin ni Ayanno.

"Alam kong nagdududa ka pa rin nang kaunti sa Shadow Terminator."

Tumango si Leonardo roon. Hindi niya maipagkakaila ang bagay na iyon. "Hindi ko maiiwasang magduda, gayunman, gusto ko siyang masubukan. Kahit saang lupalop pa siya nanggaling, basta ay hindi siya lumaki sa masasamang tao at hindi kabilang sa mga bandido, bibigyan ko siya ng mataas na prebilehiyo sa kaharian."

Umiling si Ayanno sa kaniyang narinig. "Iyon ang gusto kong linawin sa mga oras na ito. Ang totoong pangalan ng Shadow Terminator ay Allastor Frauzz... Hindi siya lumaki sa masasamang mga tao at mas lalong hindi rin siya kabilang sa mga bandido. Ang isa pa, isa siya mamamayan ng iyong kaharian."

"Mamamayan ng Kreo Kingdom?!" taas-kilay na bulalas ni Leonardo. Napalakas ang sigaw niya roon, kung kaya't nahihiya siyang napa-ubo. Sa kaniyang pagpapatuloy ay gumamit siya ng mas marahan at mas mahinang tono. "Sigurado ka ba talaga rito, guro?"

"Mnn." taimtim at tumatangong tugon ni Ayanno. "Marahil ay natatandaan mo pa ang kuwento ko patungkol sa batang mayroong Fragments ng mga Natural Skills?"

Nanginig ang mga mata ni Leonardo sa kaniyang narinig at napahigpit ang pagkapit niya sa hawakan ng kaniyang trono. "Ang ibig mong sabihin---?!"

Tumango lamang si Ayanno. Ngumiti rin siya nang kumpiyansa. "Tama, siya at ang batang iyon ay iisa. Ang dahilan din sa mabilis niyang paglakas ay siguradong dahil sa pagbubukas ng isang Fragment na mayroong kinalaman sa mabilis na pagpapataas ng lebel."

Tama, noong makilala niya si Allastor at madiskubre niya sa binata ang mga nakasaradong Fragments ng Natural-Skills, agad siyang bumalik sa kaharian upang sabihin ang balitang iyon kay Leonardo Dracus. Ganoon man, hindi naman nila inaasahan na mabilis lamang din na magbubukas ang kaniyang Fragment, kung kaya't hindi nakagawa si Leonardo ng mas maagang pagkilala sa binata.

Umilaw ang Space-Ring ni Ayanno at iniluwa ng liwanag nito ang malilinis na mga papeles. Lumapit siya kay Leonardo at iniabot ang mga ito. "Ito ang patunay na isa siyang lehitimong mamamayan ng Kreo Kingdom... Allastor Frauzz, hindi legal na anak ni Allan Frauzz, ganoon man, sa taong iyon nakarehistro ang kaniyang apelyido. Sinubukan kong tuntunin ang pinanggagalingan ng taong iyon, sa kasamaang palad, napagtanto kong matagal na rin pala siyang namayapa... Lumaki rin si Allastor Frauzz sa maliit na bayan ng Irongrass, sa bahay ampunan. Kasalukuyan din siyang nagtatrabaho bilang isang Adventurer ng Adventurer's Guild." muling namuo ang isang kumpiyansang pagngiti sa labi ni Ayanno. "Mabuting tao si Allastor Frauzz, ang Shadow-Terminator. Hindi mo na kailangan pang maging mahigpit sa pakikipag-usap sa kaniya. Hindi rin malabong mahigitan niya si Kethra Beck kung sasanayin siya nang husto."

Allastor Frauzz [Volume 1]Where stories live. Discover now