✯Kabanata 38✯

1.3K 207 24
                                    

†Kabanata--38†
『Kumalma ka, halimaw』

Mula sa may kadiliman na pasilyo, ang dalawa nina Stallion at Ballion Ibzaar ay makikitang nakasandal lamang sa pader ng espesyal na Selda. Nakagapos ang kanilang mga kamay sa espesyal na posas, dahilan upang hindi nila magamit ang kanilang mga Magicules.

Matapos ang dalawang buwan na mahigpit na pagbabantay sa galaw ng magkapatid na Ibzaar, hindi na rin nagkaroon ng lihim na pag-atake ang mga bandido. Dahil doon ay napatunayan na rin ni Leonardo Dracus na silang magkapatid ang puno't dulo ng mga planadong pag-atake ng Dark Alone Bandits. Ikinulong din sila sa Espesyal na Seldang ito isang linggo na ang nakalilipas. Ang posas ay isang [Magicule-Surpressor Shackles], simple lamang ito kung titingnan, ngunit may kakayahan itong pigilang makagamit ng Magicules ang mga Ranker na nasa Platinum Rank---pababa. Ito rin ang dahilan kung bakit wala silang kakayahang makatakas sa seldang ito.

"Nagugutom na naman ako..." mahinang usal ni Ballion sa tabi ng kaniyang nakatatandang kapatid.

Nilingon ni Stallion si Ballion at namuo ang pagkunot sa kaniyang Noo. "Tsk! Tiisin mo. Tandaan mo, sa iyo nagsimula ang lahat ng ito. Kung hindi mo lang sana ipinagmayabang 'yang kapangyarihan mo sa pagkontrol ng mga Magicule beast, sa una't sapul ay hindi nila tayo paghihinalaan!"

Kumuyom lamang ang kamao ni Ballion habang inaalala niya ang mukha ng kinaiinisan niyang lalaki. Tanda niyang binugbog siya nito dalawang buwan na ang nakalipapas. "Kasalanan iyon ng Allastor Frauzz na iyon... Kung hindi ako matagal na nawalan ng malay, edi sana nakakagawa pa tayo ng paraan upang gawing hindi maging kahina-hinala ang ating mga sarili sa palasyo."

"Sisihin mo ang pagiging mahina mo!" inis na tugon ni Stallion.

*Buuurb~*

Muling napalingon si Stallion sa ngayon ay nakahawak na sa kaniyang tiyan na si Ballion Ibzaar. Rinig niya ang pag-atungal ng tiyan nito. Dahil doon ay muling kumunot ang kaniyang Noo, bilang isang kapatid, syempre ay hindi pa rin niya maitatago ang pag-aalala niya kay Ballion. "Tiisin mo muna. Isang oras na lamang ay madadalhan na rin tayo ng pagkai---"

Sa mga sandali ring iyon, agad na napataas ang kilay ni Stallion nang makarinig siya ng papalapit na paghakbang.

Matapos ang ilang segundo, tumambad sa kanilang unahan ang pigura ni Heneral Zara.

Ngumiti lamang nang mapait si Zara Green sa dalawang magkapatid.

"Hindi pa rin ako makapaniwalang kayo nga talaga ang taksil sa ating kaharian... nakakapanghinayang lang at masasayang ang mga panahon na pinagsamahan natin, heneral Stallion." nanghihinayang na sambit ni Zara. Sinsero niyang sinalubong ang tingin ni Stallion at nagpatuloy. "Ang lahat ba ng mabubuting ala-ala natin bilang magkaibigan ay hindi totoo? Nagpapanggap ka lamang ba sa simula pa lang?"

Ngumisi lamang si Stallion nang nakaloloko. "Masasabi kong naging mabuting magkaibigan pa rin tayo, Zara Green, at tinotoo ko ang pagiging magkaibigan natin. Gayunman, wala nang mas bubuting kaibigan pa bukod sa aking Pinuno. Kung uutusan ako ng aking pinuno na ihatid sa kaniya ang iyong ulo, hindi ako magdadalawang isip na sundin iyon."

Nang marinig niya ang sinabi ni Stallion, walang emosyon na kumumpas siya ng kaniyang kamay. Lumiwanag ang kaniyang Space-Ring, dahilan upang iluwa nito ang maliit na kutsilyo at isang supot. Sa ginawang ito ni Zara ay napataas na naman ng kaniyang kilay si Stallion.

Muli, sa pagkakataong ito, marahas na ikinumpas ni Zara Green ang kaniyang kamay sa direksyon ni Stallion, dahilan upang bumulusok ang matalim na kutsilyo sa direksyon ni Stallion Ibzaar.

Nakikita ni Stallion ang pagbulusok ng kutsilyo, ganoon man, dahil sa kaniyang espesyal na posas, hindi niya magamit ang kaniyang Magicules upang mailagan o kaya ay mapigilan ang papalapit na kutsilyong ito. Pinikit na lamang ni Stallion ang kaniyang mga mata, ngunit matapos ang ilang segundo, nagulat siya nang wala siyang naramdamang sakit sa kaniyang katawan. Muli niyang iminulat ang kaniyang mga mata upang tumambad lamang ang nakatusok na kutsilyo sa sahig sa kaniyang unahan. Kasama rin sa ttinusok ng kutsilyo ang supot ng dalawang tinapay.

Allastor Frauzz [Volume 1]Where stories live. Discover now