Entry 12: THE REAL DEAL 1

2.8K 70 2
                                    

-----

AN: Meet Marcus and the gang in the media

----

-MADJ POV

*dug dug dug dug* ang lakas ng kabog ng dibdib ko, GHAD sa lupa lamunin mo na ako ng buo.

*clap clap*

Trip nila?

Pinalakpakan kami. Tapos sabay may tumatawa, may naka tingin lang. Nagbubulungan.. pero itong si Saico, nakatingin lang siya sa bintana na nasa gilid nya, nasa dulo kasi siya ng room tapos nasa malapit siya na bintana, tsss!!

"Ms. President" kumaway kaway pa sakin, natatandaan ko siya siya yung mga pagka brown yung buhok,sino nga ba siya?

Ngumiti lang ako sakanya

"Nakaka-excite naman to, at last maliban sa maliit naming adviser, may na dayo na mga chix.."

Oh shoot.. kinakabahan na naman ako..

"Hoy! Wag ka nga jan, Si Ms. President at PIO yan.. tinatakot mo eh.."

Sita naman nung isang kabarkada ni saico, yung maitim ang buhok

"Ehemm"

Nag clear ng throat si Karen, at ngumiti sakanila

"Hmm.. alam niyo naman siguro kung bakit kami andito diba? ngayon kasi ang start ng review tutorial natin paghahanda nadin to sa RE-Sectioning natin.. tutulongan namin kayo ni Madine para sa nalalapit na exam at maiingat kayo sa higher section, preparation nadin para sa college entrance exam,dibah madj?"

Siniko pa ako ni Karen, takte

Ngumiti nalang ako..kinakabahan kasi talaga, bukod sa mga basag ulo at mga mahilig sa gulo ang mga kasama namin ni Karen ngayon, medjo naiilang din ako sa presensya ni Saico, eh kasi nga diba kaka-approach nya lang sakin kahapon..tsss!!

--

Nag simula kami ni Karen sa aming first day sa pag rereview, Kahit alam ko out of 25 walang nakikinig at puro dinadala nila sa biro ang lahat, pero kami ni Karen nag papasensya lang kami, Ewan ko din kay saico, pero simula nung mag start kami sa pag rereview natulog lang siya.. Sisitahin ko sana, kaso pinigilan ako ni Karen, at sabi hayaan nalang daw muna.

Natapos nadin ang 1 hour review for this day..

So far medjo okay naman ang review, pero sana talaga meron silang natutunan.. kasi para sakin WALA. jusko ang hirap nila turuan.. Puro kalokohan, pag alis ba naman namin ni Karen sa Room eh hinarangan kami nang mga lalaki.. natakot ako super pero hindi ko lang pinahalata, pero naiiyak na talaga ako, Nilabas kasi nila mga selpon nila at nanghihingi nang number yung iba naman busy lang sa kaka-picture samin ni Karen, Si Karen naman Most FRIENDLY at panay posing, buti nalang hindi niya binigay yung number niya..

Tumigil naman sila nong palabas na ng room sila Saico at mga kaibigan niya at nabuksan na ang pinto, nag appear pa sakin yung brown ang buhok.

 tsss!!

What a day!! *stretching*

Dumeretso na kami ni Karen sa bakery, diba nga gusto niya ko tulungan sa bakery,kaya eto siya ngayon, nakakabanas lang eh kasi naman nakarating nalang kami dito sa bakery panay parin yung tanong sakin kung bakit daw close yung mga friends sakin ni Saico, ayaw niya maniwala na FEELING CLOSE lang yun sakin..

HE IS MR. SAICO (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon