Entry 9: A NIGHT WITH SAICO

3.1K 78 1
                                    

SAICO's POV

It's pretty awkward, so damn awkward! Tahimik lang kaming naglalakad dalawa, nakasunod lang ako sakanya.

Hindi ko alam kung ako lang ba to? pero siguro kaya hindi nagsasalita si Miss President sa akin kasi natatakot siya sakin dahil isa akong studyante ng section F. Reasonable enough. Ganun naman ang tingin ng halos lahat sa section F eh.

Teka, kanina pa kami naglalakad ah?! Gaano katagal pa ba kami mag lalakad? Halos 20minutes na ata kaming naglalakad e

"Ah.." Sinubukan kong magsalita pero bago paman ako mag patuloy, ay narinig ko na siyang magsalita muli.

"Andito na tayo" sabi niya 

Napatingin ako sa isang maliit na bahay, as in maliit. Ito ang bahay ni Miss President? Bakit ganito? Diba mayaman lang nakaka afford sa school namin? Hay.. andaming tanong Sai! tama na nga!

"Pasok ka" sabi niya na halatang naiilang siya sakin

"Ah..sige, salamat" iyon nalang ang nasagot ko at tuluyan na nga kaming pumasok sa loob ng gate nila.

Kumatok si Miss President sa pinto nila, at agad namang binuksan ng isang batang lalaki, kapatid niya ata

"Andiyan ka na pala ate, kanina pa nagaalala sila Mama ah! Tagal mo.." Naputol iyong sasabihin niya ng makita niya na nasa likod ako ng ate niya. Nakakakaba.

"Oh, anak! Bakit nag pagabi ka ata? alas onse na at.." Malamang mama na ni Miss President 'to

Nakanang! Kung nakakatunaw lang ang kahihiyan malamang tubig na ako ngayon, nakakahiya. ang gay, pero fuck. ang MALAS ko ngayon!

"Ma, magpapaliwanag ako, papasukin nyo muna kami.. masiyadong maginaw napo dito e" sabi ni Miss President, kaya nakapasok nadin kami sa loob.

Ngayon nga ay nakaupo na ako sa upuan sa maliit na sala nila. Sa totoo lang parang buong kwarto ko ata itong bahay nila Miss President e. Real talk lang.

"Ma,Pa, Miku, siya nga po pala si Sai.. Saico, schoolmate ko" pagpapakilala sa'kin ni Miss President

"Saico? Diba? Ah.." si Saico, iyong kilalang barumbado? Alam ko iyon ang gusto sabihin ng kapatid ni Miss President, kilala naman talaga ako sa ganoong bagay.

"Miku!" sita naman ni Miss President, at nagulat ako sa ginawa niyang iyon.

"Dito na po muna siya.." dagdag niya sana pero di ko na pinatapos si Miss President

Masiyado ng abala kung pati ba naman sa ganitong pamamaalam hindi pa ako kikibo. Alam ko naman kung ano iniisip nang mga magulang niya, Hindi naman talaga kasi maiiwasang may isipin silang hindi maganda, syempre lalaki at babae.. tapos gabi pa.

"Mam/Sir, kung pwede po sana.."

Napapikit ako sa kaba at kahihiyang natatamasa ko ngayon, sobrang nakakapanghina.

"..Makikitulog po sana ako dito ngayon sainyo, kahit dito lang po sa sala, pwede na po, may humahabol kasi sa 'kin kanina kaya tinakbuhan ko at nawala po ang wallet ko" napahinto ako para bumwelo "Bukas po ng umaga aalis po ako kaagad" iyon nalang talaga ang kaya kung ipaliwanag. Hay!

Ewan ko ba kung anong kamalasan ang meron ako ngayon, pero nasayahan ako kahit papano dahil pumayag naman ang mga magulang ni Miss President, abala man kung iisipin, kasi dalawang kwarto lang meron sa bahay nila.

Si Miss President at ang kapatid niya, ay lumipat muna sa kwarto ng mga magulang nila. Habang ako naman ay matutulog sa kwarto ni Miss President.

Pumasok na ako sa  kwarto ni Miss President at ng kapatid niya noong tinawag na ako para pumasok. Ang liit naman ng kwarto nila! Parang closet ko lang to sa bahay e! Tama na nga! Ang dami mong arte Saico! Kesa naman sa kalsada ka matulog.

HE IS MR. SAICO (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon