Entry 4: HE IS SAICO 2

2.8K 76 2
                                    

Pumunta ako kasama ang mga tropa ko sa rooftop ng school, may inabandona kasing room dun, kaya naging hide out namin minsan lalo na pag nag-cucuting class kami.

"oh pre, mukhang problema ata iyong nagawa mo ah" banggit sakin ni Lance.

Anong problema? Problema talaga! pag naka-abot to kay ate tiyak!

"Kasalanan naman ng kumag na 'yon eh, buti nga at yon lang inabot niya kay pareng Saico eh, kung ako din sa lagay na 'yon, tinupi ko na ang mukha nun" ika ni Red at halatang nakikiramay ang tropa ko sa mga sinapit ko ngayon.

"Hay wala na akong pakialam, ayoko sa lahat 'yong ina-under ako! Ate ko lang nakakagawa nun! Kulang pa nga yun eh! Tsss!" Talagang kulang pa yun! Ako nga si Saico diba? Walang nag didikta sakin kung ano dapat kong gawin! Habang higit ko ng sigarilyo sa isang kisama ng kwarto, may stocks talaga kami dito.

Habang kanya-kanya kami ng trip ay bigla nalang nag ring cellphone ko. I was expecting na si Ate ito kaya mediyo nagulat ako na si Mama ang tumatawag. Malimit kasi kung tumawag siya eh, as in very seldom dahil si Ate naman lagi ang kinakausap niya. Ano kaya tinawag ni mama, Hindi kaya?

"Ma? Tumawag ka?" Pag sagot ko. I'm trying to keep my cool habang ibinuga ko ang usok ng sigarilyo ko.

"What am I going to do with you? Ha?" rinig na rinig ko ang buntong hininga ni mama, akala ko sasabihin niyang miss niya ako pero mukhang hindi! Asa!

"what? I'm okay" bahagyang tawa ko, if only she can get it well.

"I knew what you have been up to! and I'm telling you, you are into a big trouble"  trouble? well good news Ma, may dagdag na naman.

Kapag siya na talaga ang tumatawag lagi nalang ang dahilan ay para sitahin ako sa mga kasalanan ko, kaya makagawa nga ng marami soon para dumalas ang tawag niya. Haha.

"Son, you should know your limitation if you don't want Dad to get angry, Okay? I'm ending this call, take care, bye" pinatay na nga, takte talagang pamilya meron ako!

"Oh pare san ka?" tanong ni Jed noong napatayo na ako.

"Sa kahit saan! kakabagot dito! Sarap bangasin lahat nang tao ngayon." I want to release the load. Sobrang badtrip ako.

"Chillax lang pre, gusto mo mag bar hopping later?" Pagyaya ni Red

"Sige try ko. Matutulog na muna ako, gisingin nyo nalang ako pag uwian na" bilin ko sakanila at napahiga ako sa may space ng kwarto, may mga gym mats kasing kinuha namin sa gym eh. Kinuha hindi ninakaw may pagkakaiba.

Masiyado akong stress sa pamilya ko, hindi ko maintindihan kung bakit ganito?! bakit ganyan sila, sila sila lang may alam, labas ako don.

Mahirap ba maging normal nalang kami? masiyadong pagpapayaman lang naman kasi ang inaatupag nila! Halos lahat ng birthday ko wala naman sila, kaya nga hindi ko na sinasabing may birthday pa 'ko eh, Oo! Hindi alam ng mga kabarkada ko na may birthday pa 'ko, para san pa? ni pamilya ko nga mukhang di na tanda, bumabati sila a day or two late or sooner, punyeta 'di ko tuloy alam kung anong petsa ba talaga ang birthday ko! Nakaka-stress sila. Damn!

Feeling ko ang malas malas ko sa buhay. Tapos sinisisi at nababadtrip sila kung bakit ako ganito? Aba, hindi naman kami broken family pero iyon ang pinaparamdam nila. Wala akong saysay para sakanila dahil malamang pabigat lang ang tingin nila sa akin.

Ilang beses na nilang pinaramdam sa akin 'to. Wala ako ni kailan mang ginawang tama sa pamilyang 'to. And guess what? Lumalabas lang naman ang pake nila kapag nakakagawa ako ng mali.

Tsaka malas rin talaga ako kasi kahit ayokong masangkot sa gulo talaga eh nasasangkot ako. Ang annoying ng buhay ko no? Ang saya.

"Pre, ano na? Tara na? Gutom na kami pre. Meryenda na muna tayo, tsaka maghanap tayo ng magandang gawin mamayang gabi. Ano? Game?" Pag gising ni Lance.

Anong petsa na?! Nakatulog pala talaga ako, mabuti nalang dahil kahit papano gumaan ang dibdib ko. Pero ganoon parin naman wala parin ako sa mood

"Sige, nagugutom narin ako" sabi ko, wala man lang pala akong nakain  kanina. Hindi ko mabuka ng maayos ang bibig ko dahil sa suntok ni Ate, mediyo namamaga eh. Kainis.

"Tamang tama may alam akong pwede pag meryendahan, ako bahala sainyo" sabi ni Red at sumunod nga kami sakanya.

Dahil silang tatlo ay may sasakyan ay nakisakay na lamang ako kay Jed, may sarili rin akong sasakyan ang kaso hinatid nga ako ni Ate kanina kaya hindi ko dala.

"Abah, mukhang masarap nga 'to dito pare ah" sabi sakin ni Jed.

Napatanaw ako sa sinasabi niya at isang bakery lang naman. What's so good about it? Napaismid nalang ako.

"Best bakery in town daw dito pare nakakawala ng bad vibes" sabay akbay sa akin ni Red.

"Tara na andaming satsat" at nagtawanan sila sa sinabi ko at pumasok nga kami.

HE IS MR. SAICO (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon