Entry: B

1.4K 44 7
                                    

MADJ POV

“Hi”

Anong ginagawa ng isang bastos na lalaking to sa Section A?

“Bat ka nangdito?” maldita kong sabi sakanya, aba talaga naman eh, anong ginagawa niya sa building namin! Mas lumapit pa siya sakin as in yong malapit, napapansin kong napapaligiran na kami ng mga estyudante yong ibang klase nga na galling sa ibang classroom pumasok nadin eh, sabagay maaga pa naman kasi.

“Sayo ba ang school? Syempre dito rin ako nag-aaral malamang, kaya obviously!”

Takte, pilosopong lalaking to ah, dito siya nag aaral?? Dito siya sa section namin? Weh?

“siguro nagtataka ka kung bakit ako nandito, well, gusto ko lang naman ipakita saiyo” sabay tingin niya sa paligid “at sakanila ang ginawa mo sa bibig ko kagabi?!” napansin ko nga ang band-aid sa kanang pisngi niya yong malapit sa may lips, napuruhan ko nga ata siya kagabi

“so? Ano ngayon?” maldita kong sabi sakanya, hello!!! Deserve niya naman talaga ang ginawa ko noh!!

“so ano ngayon?” tumawa siya ng malakas, ay! May saltik sa utak, malala na to. “gusto kong ipaalam sakanila, na wala kang kwentang kahalikan!! Nangangagat labi ka pa!! kung alam ko lang edi sana, dina kita hinalikan kagabi” sabay kindat niya sakin.. WHAT THE HECK DIN I JUST HEARD? Kahalikan??! Yong totoo, may sira ba sa ulo ang lalaking to?

“Kahalikan? Okay ka lang?? Hoy Mr. Manyakis kung wala ka ng matinong---“

Akma siyang tumalikod at nag lakad paalis ng room namin, Aba!!! Saan napunta ang manners ng lalaking to?

“Hoy! Bawiin mo yong sinabi mo!” naririnig ko ng napapatsitsismisan na kami ng iba, halos lahat ng tao sa school alam ang relasyon namin ni Sai

Huminto siya sa paglalakad ng malapit na siya sa pinto papalabas at tumingin ulit siya sakin

“Yaan mo Miss President, sa susunod tuturuan kita!” Kindat na naman! Bwisetttt!!!

*Ring that Bell*

Gusto ko sanang habulin siya ng itak pero sumakto naman ang pag alarm ng first bell, Kainis ah!!! Sino ba yong lalaking yon, at basta basta nalang mambwibwiset sakin! Tae!

--

Halos lahat sa klase namin tahimik lang, palaisipan kasi sakanila ang pinagsasabi ng gangster nayon! Pati si Karen tahimik lang din,, hanggang sa dumating na ang recess namin.

“Wag mong sabihin bestfriend maniniwala ka sa lalaking may kulugo sa utak na yon?” sambulat ko kay Karen

“Hay, nako bestfriend, ayoko man maniwala don, pero jusko ang gwapo naman ng nilalang na yon! Tapos---"

“wala kang kwentang kausap! Letse!” kainis tong bestfriend ko ah! Ahuhu Sai, pagtanggol mo ko dali!!!

“Oy! Joke lang bestfriend!! Ikaw talaga! Syempre hindi noh! Tsaka, yong Kris na yon?! Jusko sikat lang yon, pero dahil sa katarantaduhan niya!”

“Kilala mo si Kris?” nagulat naman ako

“Oo, yan ka kasi! Puro Sai ka lang simula dati kaya ayan, mga gwapong nilalang di mo napapansin!”

“Tingnan mo nga sarili mo! Kung makapagsalita ka ah kala mo ikaw walang boyfriend, masumbong nga kita kay Lance mamaya!” ani ko

“HAHA! Joke lang bestfriend! Pero totoo! Known yong Kris na yon! Kung si Papa Sai known for being mysterious and being lapitin sa gulo, yong Kris na yon, siya mismo gumagawa ng gulo! Ewan ko nga ba eh bakit tinanggap ng school yan, pero sabagay dumami population ng fangirls simula nong nalaman nilang lumipat at tinanggap si Papa Kris dito!”

HE IS MR. SAICO (√)Where stories live. Discover now