Entry 33: DON'T SAY ITS OVER

1.7K 53 1
                                    

He is Mr. Saico

Written by: MissBlackSkull

————-


Entry 33- Don't say it's Over


MADJ POV


Breathe.. breathe... inhale, exhale.

Wag mo kong iwan, wag mo akong iwan!!!!!!

Napatayo ako sa aking pagkakahiga, napatingin ako sa paligid ko, nasa hospital ako. I checked my self and took a big sigh.

'I'm okay'

Napasabi ko sa sarili ko, was everything only a bad dream? I am awake now, finally.

"Madj, anak, okay ka lang ba? Tatawag ako ng doctor"

Doctor? So this, this is not a bad dream, everything was true, si Sai? Nasaan si sai?Wala na akong maalala pagkatapos ng pag kalabit ng Marcus na yon ng baril niya, at si Sai, sinalo niya—-Hindi, nasaan si Sai!!! Agad kong tinangal ang mga naka-kabit sakin, si sai!!! Hindi ko maiwasang lumuha~

"Madine anak"

Pag tutol sa akin ng aking ina

"Ma, si Sai!! Nasaan si Sai???!"

"Miss President!"

Napalingon ako sa isang dulo at nakita ko si Red papunta sa akin.

"Red, nasaan si Sai?!"

Yung kaba na nararamdaman ko sa sarili ko halos hindi na mahinto, hindi mapigilan ng mga mata kong mapaluha, anong nangyayari? Bakit parang natatakot ako sa mga nangyayari. Bigla nalang akong ni-hug ni Red. Mas lalo tuloy akong kinabahan at napaiyak, seryoso ang lagay ni sai.

"Si Sai red, gusto ko siyang makita"

Daing ko, wala na akong gustong oras na sayangin pa. Sinamahan ako ni Red.

"Nandito siya, hanggang ngayon under observation parin siya Miss President, hindi pa siya nagigising"

Nasa ICU siya? Gusto ko siyang Makita.

"Miss president, hindi pa nagigising si Sai, dalawang araw na, nasa comma siya matapos na matamaan siya tagiliran"

Hindi~ hindi pwede to Sai

"Papasokin niyo ko!!!"

Nagpumilit ako pumasok, pagka pasok ko don, si sai, ang daming naka-kabit sakanya

may oxygen siya.

"sai"

Mahina kong sabi, dapat ko bang sisihin ang sarili ko dito? Nakakainis siya, tingnan mo tong buhay na pinili niya, gusto niya bang lagi siyang ganito? Nilapitan ko siya at hinawakan ko ang kamay niya, andami niyang pasa, may tahi din siya banda sa kilay niya.

Sai, mabuhay ka lang tutulungan kitang ayusin ang buhay mo.


Ang sakit ng nakikita ko, hanggang ngayon ba naman wala parin akong maitulong? Kung hindi pa ako pumasok sa buhay niya hindi siya mag-aalinlangang pataubin yong mga kalaban niya. Napahikbi ako sakanyang gilid, masiyado akong kinakain ng konsensya ko, wala akong maitulong!

"Miss President?"

Napatingin ako sa paligid

"Oh, Lance"

"Mama ni sai"

Abot abot niya ang cellphone.

"Mam?"

HE IS MR. SAICO (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon