Entry 4: HE IS SAICO

3K 79 7
                                    

Saico P.O.V

Parang nag paparty lang lahat nang nandito ah,nasan naba ung teacher na yun bat di pa dumadating?!

"hoy pare" panggugulat ni Red sa akin sabay tabi sa kinauupuan ko

"bakit ang tahimik mo diyan pre?" sabat ni Lance

"Badtrip lang" marahan kong sagot..

"ano ba naman 'yan, unang araw bad trip agad? Ano nanyare pre? Tsaka anong nangyari sa mukha mo?" sumabat nadin si Jed..

"ate ko…"

Pagka tapos kong sabihin iyon ay hindi na sila sumabat pa. Alam na alam naman kasi nila ang about sa ate ko, nakita na mismo nila kung paano ako gulpihin nang walang hiya kong ate kahit sa maraming tao sa isang bar noon. Tsaka mediyo kilaka sila ng ate ko kaya minsan hindi din sila nakakaligtas sakanya.

Noong time kasi na nag bar kaming mag tropa at siyempre tumakas lang ako nun kasi fans, para naman kasi talaga akong nakakulong, hatid sundo ng ate ko sa eskwela! pero ayon nga nahuli ako, tadyak dito suntok doon ang nakuha ko, worst talaga ang ate ko sa labas mismo ng bar! Maraming tao at wala siyang pakialam kahit parang halimaw na siya sa paningin ng iba eh paano? manang-mana kay papa, napaka bayolente!

Nagulat ako ng may bigla na lang may pumatong sa desk ko at itinambad sa akin ang kanyang mukha.

"Saico? Ikaw ang taong walang apilido?" tawa naman yung mga kampon nang satanas na to, tinitigan ko lang tong kumag nato na walang ano mang reaksyon sa mukha. Wala talaga ako sa mood.

"Ako si Marcus ang, batas sa room na 'to! Wala akong pakialam kung ano ka, o gaano ka kasikat dito sa school na 'to, basta sa room ko? ako lang ang masusunod dito!" sigaw niya sa mukha ko pa talaga at  kung maka turo siya sakin parang may ginawa akong masama sakanya, tumalsik pa talaga ang laway, nakakainit ng ulo.

Ang angas ng Marcus nato, Ano ba pinagmamalaki nito? Laki ng katawan niya? Sus! Bangasin ko mukha neto eh! Takte, mainit ang ulo ko dagdag pa 'tong isang to. Litsi

"Walang nag didikta sakin, sila man o sino man, kahit ikaw pa" yun ang sinabi ko, kaya tong mokong nato, hinila ba naman ako sa may kwelyo at nagsisimula ng uminit ang salitaan

"Hoy bubwit, baka 'di mo alam binabangga mo?! Kung ako sayo 'wag kang masiyadong maangas nang hindi mamantsahan 'yang maganda mong mukha baka kainin mo lang iyang pinagsasabi mo" takte, umiinit na mga kamao ko ha, talaga bang hindi ako tatantanan ng Marcus nato? inaalog-alog niya pa ako.

Ayokong mapa-away kasi nga paniguradong dag-dag listahan na naman to at first day pa lang, Nasa section F na nga ako tapos ganito pa? hindi magandang pangitain to dahil umiinit na talaga ang ulo ko.

"Anong kaguluhan to?!" sigaw samin ni Ms.Sanchez yung adviser namin, pero parang bingi lang si Marcus at 'di parin bumibitiw sa kwelyo ko.

Bibilang ako ng 3 pag di pa bibitaw tong kumag nato, mawawalan siya nang muka.

Isa..

"Oh ano pogi, bakit hindi ka ba umiimik diyan?" sabay alog niya ulit sakin, halos masakal na ako dahil mas hinihigpitan niya ang hawak sa kwelyo ko, nakakapunyeta.

Dalawa..

"Oh kayong mga tropa nitong kumag na 'to? ganito ba to ha? Saico? puro yabang lang naman pala 'to eh" lingon ni Marcus sa tatlo kong tropa na nanonood lang, hindi ugali nilang tumolong lalo ng pag wala namang suntukan na nangyayari..

"Ano ba?! Hindi ba kayo titigil?!" na pa sigaw na si Ms. Sanchez, at lumapit na samin..

"Mam, relax lang, pinagsasabihan ko lang 'tong Saico na 'to para di siya masiyadong magyabang! Welcome party Mam kumbaga!" Sabay tawa ni Marcus at sinasadya niya pang tumawa sa harap ko, yuck laway. Fuck

I'm really getting pissed off sa Marcus nato, kaya…

Sinuntok ko na at hindi na pinaabot ng tatlo ang bilang, sinapok ko na ang mukha ng ungas nato,napahiga siya sa sahig,napalakas ata suntok ko at na knock-out siya, kasalanan ko ba yun? Eh siya itong bobo at di pa ko tinantanan! Hindi na tumulong ang mga tropa niya kasi alam nila mga aabutin nila sakin!

At ayon..

Si Ms sanchez, muntik nang mahimatay at ako? Nag-walk out nalang ako pero sumunod naman ung tatlo kong tropa. Badtrip na araw to, Peste! Araw ng kamalasan nga itong araw na to sakin ngayon! at kung ano mang mangyayari sakin after nito? Abay hindi ko alam, ang tanging alam ko lang ay dagdag kasalanan na naman ito sa Ate ko, sa Mama ko at syempre sa Papa ko!

Gaya ng kinagisnang nagawa kong kamalasan at mga awayang hindi naman ako nagsimula ay lagi sa huli ako nagsisisi. Kahit naman kasi ano ang maging dahilan o rason ko sa mga gusot na nabilangan ko ay wala iyong say dahil ako nga si Saico.

Sa totoo lang, barumbado man akong kinikilala ng karamihan ay peksman! Ni isang history, walang may pagkakataong ako ang naunang gumawa ng gulo. Laging lumalapit sa akin ang gulo at syempre? Umaatras ba ako? Hindi. It's never my thing.

Napabuntong hininga ako. Unang araw tapos ganito? Ano na mangyayari sa akin sa susunod na mga araw, huh? Makakapatay ata ako sa section na 'to. Punyeta talaga! Sabay sipa ko sa nanahimik na basurahan sa gilid ng hallways.

HE IS MR. SAICO (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon