Chapter 22

11 2 0
                                    

Ruru's POV

"pano bakit saan kelan?" sabi ni Icarus,

"kala ko tayo lang?" tanong ko kay Kendra, "nagpabili ako ng karne e, nakalimutan ko."  sabi niya naman. bigla akong hinila ni Icarus papuntang kwarto. "alam mong may gusto si Pavel sa kanya di ba?" tanong mi Icarus, tinitigan ko siya at umiling.

"hay nako, bobo ka talaga." sabi niya, "wala ka namang balak jowain si Kendra diba?" tanong niya, "di ko gagawin yung nakita ko kanina kung wala." sabi ko naman, "nagbago kana, hahaha." sabi niya, "ngayon ko nalang makukuha yung gusto ko, Icarus. nabuhay na ata akong nagpapa-ubaya sa inyo." sabi ko, "kahit ngayon lang, hayaan niyo naman ako sumaya."

"mabuti sana kung gusto mo talaga e, tangna naman pre gagawin mo lang namang rebound si Kendra. wag nga kami." sabi ni Icarus, nakakunot noo akong naka-titig sa kanya. "mahal mo pa si Xash, diba? kaya mo lang naman ginaganyan si Kendra para ipakita kay Xash na naka move on kana, pre tangina naman walang pake si Xash, masaya na siya kay Ruel, wag ka na bumawi please lang. ilang tao nanaman ba sasaktan mo? tapos pag nasaktan mo sila pa sisisihin mo, ilang beses ka bang magiging ganyan? sa lahat na lang ba ng ex mo? kaya ayaw namin magka-girlfriend ka, e. kasi nasisira ka, at kapag nasisira ka, naninira ka ng iba." sabi niya at lumabas ng kwarto ni Kendra. napa-buntong hininga ako, ang immature nga ng inaasta ko.

pero ewan, masaya naman ako kay Kendra, e. pinipigilan ko lang sarili ko sa di malamang dahilan, siguro dahil tutol lahat.

lumabas na ako at nakita silang nagku-kwentuhan, nginitian ako ni Pavel, "uwi na kami." sabi niya kay Kendra, "maki-kain na rin kayo." sabay naming sabi ni Kendra, naka-ngiting kumunot ang noo ni Pavel, "if you insist." sabi naman ni Pavel at siya na ang nag-luto. 

"sarap a," pagpuri ko sa luto niya, "expert sa samgyup yan e." sabi naman ni Icarus, "nako ilang babae na kaya dinala neto sa samgyupsal," sabi naman ni Kendra, "nasa isang daan na ata a." gatong ko naman, "tanga, pinagtutulungan niyo ako a." nakangiwing sabi niya, nagtawanan nalang kami.

nagkwentuhan pa kami hanggang sa maubos yung kinakain namin, nagpababa pa kami bago napagpasyahang umuwi.

"sa susunod, may soju naman." sabi ni Icarus, "ay sure." sabi naman ni Kendra, kinaway ko ang kamay ko at ganon den siya, "babush," sabi niya sa akin.

"Ru," tawag sa akin ni Pavel habang naglalakad kami, "reto mo ako sa taga-FEU." sabi naman niya kaya napalingon ako sa kanya. "wala ako masyado kilalang taga-FEU..." sabi ko at napa-isip.

"ay, alam ko na!" sabi ko at napa-ngisi, "nakaka-kaba naman." sabi ni Pavel, "sige papakilala kitang ulupong ka." sabi ko pa uli, napa-facepalm siya, "siguraduhin mong matino yan a." sabi niya naman, "i gotchi." sabi ko.

KINABUKASAN

"tanginaaa pang malakasan datingan ni Pavel, a." maka-ngiting sabi ni Phobos, "alis na do'n baka naghihintay na date mo." sabi naman ni Paffie, "nawa'y lahat!" sigaw ni Icarus bago lumabas si Pavel.

"binata na si totoy." natatawang sabi ni Ryhan, "matagal na panahon na kitang balak tanungin," pagkanta ni Icarus, lumabas ako at tumabay sa may labas, napa-isip naman ako, pano kaya pag bumagsak ako? di ko talaga ma-imagine sarili ko sa doctor, gusto ko maging muscisian pero wala naman daw akong aabutin don. bale, mabagal naman talaga usad ng pera pag ganon.

tsaka isa pa, lintek lang daw ang passion, pampagulo lang daw sa buhay, y man ganon? doctor pa pinili sa akin, puta napaka-bobo ko nga sa math e, di pa ako nakinig sa science namin dati, di ko nga alam kung bakit ka iniwan e, ay haha pasensya ka na ha? Godbless.

"tulala ka?" tanong ni Phobos at tumabi sa akin, "iniiisip ko lang kung ano kailangan ng lemon pag may sakit siya," sabi ko at napa-buntong hininga. tumingin ako sa kanya at mukhang malalim iniisip a? "may problema ka?" tanong ko, ilang minuto na lumipas pero di pa rin siya nasagot.

Sound of the Broken Soul (Rhythm Series #1)Where stories live. Discover now