Chapter 21

16 3 1
                                    


Ruru's POV

"bat ang manhid mo pre?" tanong ni Phobos, "ano nanaman?" iritang tanong ko. lahat sila sinasabing manhid ako, ano ba masama maging close kami ni Kendra? 

"nakakairita na kayo, hahaha. ano bang masama maka-close si Kendra?" naka-kunot noong tanong ko. "ilang tao pa ba sasaktan mo, Ruru?" tanong niya. di ko maintindihan yung mata niya, para siyang nasasaktan din sa ginagawa ko.

"ang talino mo dati, para ka ng tanga ngayon. kakapilit mo kalimutan si Xash, nagpaka-manhid manhid kana dyan." sabi niya, tinapik niya ako sa braso bago umalis. napa-isip nalang ako kung anong sinasabi niya.

pumunta nalang ako sa may labas ng bahay nila Kael at na-upo ro'n. 

"bat ka nakatulala d'yan?" tanong ni Kendra na kakarating lang. "marami lang iniisip." sabi ko naman, "bat ka andito?" takang tanong ko. "magpapasama ako kay Pavel mamalengke, may alam daw siya bilihan ng karne na mura tapos masarap." pag-explain naman niya.

"eh? naka-alis na si Pavel, kasama si Ryhan namalengke na." sabi ko naman. "di nanaman ako hinintay, kairita." sabi naman niya. "alam mo ba kung san yung sinasabi niya?" tanong niya, nag-isip muna ako kung naaalala ko paba papunta ron.

"oo, tara." sabi ko at tumayo, ngumiti naman siya at sumunod sa akin.

nag-motor kami papunta ro'n, at pagka-baba namin ay nakita namin si Pavel na kaka-labas lang,

"ba't 'di mo ako hinintay?" tanong ni Kendra, nag-text ako sa'yo sabi ko ida-daan ko nalang sa condo mo." sabi naman ni Pavel, napa-check naman siya ng phone, "hala, oo nga!" sabi naman ni Kendra, "Kendra boang." sabi ko naman, "Pavel, sakto. hatid mo nalang si Kendra, ako sasabay kay Ruru." sabi ni Ryhan, "ayoko nga bakit ka sasabay saken." sabi ko naman kay Ryhan, "sige na, kay Pavel nalang ako sasabay, salamatttt Ruru! libre kita sa susunod!"sabi ni Kendra, nginitian ko naman siya at kumaway. hindi man lang ako tinapunan ng tingin ni Pavel.

"bat kaba sasabay saken depota," sabe ko kay Ryhan, sumakay na ako at sumakay na rin siya.

"oh? kala ko si Pavel kasama mo, Ryhan?" takang tanong ni Icarus, "oo nga tapos basta mahabang kwento." sabi naman ni Ryhan.

naging busy yung iba sa kusina at paglalaba at iba pa kaya kami lang ni Maui ang naiwan sa sala at nanonood ng TV.  napapa-kunot noo ko sa napapanood ko,

"ambobo naman nung lalaki bat di siya umamin doon sa babae? yan tuloy, napunta sa kaibigan niya." tanong ko, "may pinoprotektahan e." sagot ni Maui, nagtataka akong tumingin sa kanya.

"friendship," sabi niya, "halata naman na di siya gusto nung babae so bakit siya aamin? kung aamin man siya, mawawala pagkakaibigan nila." sabi niya, "edi kahit na dapat umamin pa rin siya kesa pagsisihan niyang di siya umamin, siya tuloy nasasaktan ngayon." sabi ko naman.

"kahit ano namang gawin niyang desisyon, masasaktan talaga siya. pinili niyang di umamin kasi pag nasaktan yung babae, sinong mapupuntahan niya? selfless yung lalaki e. lahat ng desisyon niya ay para sa kapakanan ng babae." sabi ni Maui, di pumapasok sa isip ko yung sinasabi niya.

biglang umiyak si Hyiea kaya tumayo si Maui, "maiwan muna kita naiyak yung anak ko." sabi niya at umalis na. naiwan akong nagiisip, iniisip ko yung sinabi ni Maui, "may mga lalaki palang sobrang selfless." sabi ko sa sarili ko, "pinaghalong selfish at selfless ka kasi." sabi ni Picollus, tumingin naman ako sa kanya. "selfless ka kasi sinira mo sarili mo para sa babae at selfish ka kasi di mo man lang inisip mga tao sa paigid mo." sabi niya.

bakit ba ganto mga tao sa paligid ko? pinapa-mukhang tanga ako, e.

tumayo ako at lalabas sana para magmuni muni pero naka-salubong ko si Pavel sa pinto, nagkatitigan kaming dalawa.

Sound of the Broken Soul (Rhythm Series #1)Where stories live. Discover now