Chapter 18

11 2 2
                                    

MAG-READY NG TISSUE, CHAROT.

Ruru's POV

"pa'no ba umigting yung panga?" tanong ni Icarus. napalingon naman kami lahat sa kanya.

"pagdikitin mo lang ngipin mo ng mariin." sabi ni Paffie at ginawa yon. ginaya naman siya ni Icarus, "ginagawa mo?" tanong ni Maui na kakarating lang.

"ganon ba umigting panga?" tanong ni Icarus kay Maui, "bakit?" takang tanong ni Maui.

"wattpad reader kasi si crush. gusto niya raw sa engineer na umiigting panga." sabi niya naman, "kahit umigting panga mo 'di ka naman engineer." sabi ni Picollus.

"atleast architect." sabi naman ni Icarus, "wag mong inaano yan si Icarus drawer yan." sabi naman ni Phobos.

"what the fuck is drawer?" nakakunot noong tanong ni Persaige. "pre eto yung joke." sabi ni Phobos sabay pinakita yung hawak niyang martys na 'di pa bukas.

binato niya 'yon at lumagpas sa ulo ni Persaige at tinamaan si Paffie na tumatawa sa joke ni Phobos.

"kita mo 'yon? nilagpasan kalang." sabi ni Phobos, natawa naman kami.

nanonood kami netflix pero 'di ako mapakali.

isang araw na kasing 'di nago-online si Xash. 'di siya na-sagot ng tawag.

napagisipan kong pumunta sa kanila kaya agad akong tumayo, "sa'n punta?" takang tanong ni Kol. "Xash." sabi ko at lumabas.

pero pagkarating ko ron ay tatlo lang silang naabutan ko. si Cardi, Luna at Xaycee.

"Xash?" tanong ko, nagkibit balikat lang sila. ngumiwi lang ako at umalis na.

pero habang naglalakad ako ay may nakita akong pamilyar na figure ng tao.

huminga ako ng malalim. ready na sana ako lumapit kasi may tumawag bigla,

"hello, Ruru Privano here." sabi ko, habang nakatitig pa rin don sa dalawang tao kong nakikita.

"hi, this is Unang Hirit we would like to invite your band to be our special guest." sabi niya, agad nanlaki ang mata ko.

"hala sureee po!" sabi ko naman, "okay i will text our gmail then paki-email nalang kami to confirm your guesting." sabi naman niya, "salamaaat!" sabi ko at pinatay na yung tawag.

agad akong tumakbo pauwi.

pagkapasok ko ay gulat silang tumingin sa'kin, huminga ako ng malalim,

"g-guesting..." sabi ko naman, "saan?" tanong ni Paffie.

"u-unang.." hinihingal ko pa ring sabi, "unang?" takang tanong naman ni Persaige.

"unang hirit?" tanong naman ni Icarus, tumango tango ako habang nakaturo sa kanya pero naka poker face pa rin sila.

3,

2,

1,

"UNANG HIRIT?!" sabay sabay nilang sabi, "WOOOOOOOOOH!!" sigaw namin at nagtata-talon.

in-email ko na yung binigay nila sa'kin at tatawagan sana si Xash pero tinatawagan na pala niya ako, "hi mylove!!" sabi ko, "ba't ka pumunta rito?" bakas sa tono niya yung pagkataka.

"wala ka kasing text manlang na humihinga kapa." sabi ko naman, "ow sorry about that." sabi naman niya.

"anyways next next week, maggu-guest kami sa Unang Hirit." sabi ko naman, "i'm inviting you." sabi ko naman.

"ofcourse i will come." sabi niya, napangiti naman ako.

"iloveyousomuch!!" sabi ko naman, "hmm, iloveyoutoo." sabi niya naman at binaba ang tawag.

Sound of the Broken Soul (Rhythm Series #1)Where stories live. Discover now