Chapter 14

16 2 0
                                    

Ruru's POV

"Ruru tara sa ulupong?" yaya ni Ryhan, nilingon ko siya at nginisian.

"sama mo si Xash!" sabi niya pa, "sigesige wait lang tawagan ko." sabi ko at agad nilabas ang phone ko.

cinontact ko agad si Xash, "hmm?" sagot niya agad.

"kakagising mo lang?" tanong ko, "what now? it's 3am in the morning, Ruru. ofc i'm sleeping." sagot niya.

"gusto sana kita yayain sumama sa'min sa ulupong." dahan-dahan kong sabi, "i'm with the boys." sabi ko pa.

"you're with the boys naman e, it's fine Ru. have fun with the boys." sabi niya, "yeah. sorry sa istorbo, sleepwell." sabi ko at binaba ang tawag.

andito kami ngayon sa tapat ng bahay ni Xash at hinihintay siya.

alam niyo bang prankster si Xash? habang nagbibihis ako, tumawag siya sabay sabing bihis na siya kasama sila Cardi.

buti nalang talaga van yung dala ni Icarus.

"kala ko ba di sasama?" pangaasar ni Phobos, "e bakit nagbago isip ko e." sabi naman ni Xash.

"dun kana sa tabi ni Phobos." sabi ni Persaige kay Cardi, "ano bayan." padabog na sabi niya at tumabi kay Phobos, "wow parang lugi ka pag katabi mo 'ko, a?" sabi ni Phobos, "bakit, hindi ba?" sabi naman ni Cardi.

"owww" mahinang sabi namin ni Xash.

"san ule tayo pupunta?" tanong ni Xash, nakapatong yung ulo niya sa balikat ko habang nakikinig kami ng music.

bale yung itsura kasi nung van mala L300 pero meron pang 3 rows sa harap.

tapos ngayon, kaharap namin si Kol na masama ang tingin,

"ew." sabi ni Kol, tinawanan lang namin siya ni Xash.

"sa may ulupong." sagot ko, "saan yon?" takang tanong ni Xash.

"ha? hina mo naman taga rito ka pero di mo alam kung san yung ulupong." sabi ko naman, "mae-enjoy mo doon." sabi ko pa ule.

"siguraduhin mo." sabi naman niya, "idlip muna ako." bulong niya pa.

naglalakad kami ngayon papunta sa ulupong,

"aray!" sabi ni Icarus dahil may bumangga sa kanya.

"MAGNANAKAW!" sigaw nung babae, nagulat ako kaya sinundan ko lang siya ng tingin.

agad nanlaki ang mata ko ng marealize na magnanakaw daw yon.

agad tumalon si Phobos at sinipa sa mukha yung magnanakaw, napadapa ito agad at sumubsob sa lupa.

agad ko namang tinuhod ang likod niya at hinawakan ang kamay niya.

"salamat mga iho, etong magnanakaw na to ay may kinuhang malaking halaga." sabi nung tanod.

"awts gege." sagot ni Phobos, tinayo ko na yung magnanakaw.

nagtagpo ang mata namin, ang talim ng tingin pre.

"haha gago hinuli mo kasi ayan ansama tuloy ng tingin." sabi ni Kol at naglakad na.

"kelan pa nagkaron ng kotse rito?" takang tanong ko, "oo nga." sabi naman ni Pavel.

andito kami sa bahay nung tropa naming isa,  si Rafael.

"rafaaaaaa??" sigaw ni Icarus, "mga iho, iha wala ng tao d'yan matagal na silang umalis. pumunta sa kamaynila-an." sabi nung matanda.

"e kanino pong kotse 'to?" tanong naman ni Phobos, "doon sa lalaki umalis saglit." sabi naman ni nanay.

"ambaho." sabi ni Phobos nung lumapit siya sa kotse.

"pamilyar yung amoy." sabi naman ni Kol, nagkatinginan silang tatlo.

"kuha kayo ng bato." sabi ni Phobos, agad kumuha si Paffie ng malaking bato at binigay kay Phobos.

"hoy anong gagawin mo?" tanong nung lalaki, "tulong may mga nantitrip!" sigaw niya pa.

lalapit na siya kay Phobos kaya agad ko siyang pinigilan.

"sige na Phobos!" sabi ko naman.

sinapak ako sa mukha nung lalaki, sinapak ko rin siya. nagsapakan kami.

agad akong nakarinig ng basag kaya napalingon ako kay Phobos.

nakatakip siya ng ilong at yung amoy mas kumalat.

"puta ano yon?" sabi naman nung lalaki naka-sapakan ko.

"ANONG GINAWA NIYO SA KOTSE KO?" sigaw nung isa pang lalaki.

agad kaming napalingon sa kanya.

agad siyang hinila ni Persaige at pina-luhod.

"tumawag na ba kayo ng pulis?" tanong ni Kol, "oo tumawag na ako." sabi naman ni Xash.

4:30 am nung dumating yung mga pulis, hiningi nila ang contact number namin at tatawagan nalang daw pag kinakailangan.

pumunta na kami sa ulupong falls.

"wow ang ganda." sabi ni Xash, "picture-an kita?" tanong ko.

"why not?" sabi niya at binigay sa'kin ang phone niya.

naka-ilang take kami at kung saan saan napunta.

pagkatapos nun ay naghubad agad ako ng damit.

"macho!" sigaw ni Ryhan na nasa ilog na.

inakyat ko ang 10 ft na talon at nag dive pababa sa basin na may 6 feet deep.

pagka ahon ko ng ulo ko ay nag thumbs up sa'kin si Xash.

"RURUUUUU!" sigaw ni Kol mula sa taas kaya napalangoy ako palayo don sa pinaglanding-an ko.

"putanginamo muntikan kana." sabi ni Persaige,

"oh? nagsasalita ka pala?" gulat na tanong ko.

Fear's POV

"nahuli na raw ba?" tanong ko kay Russell.

"hindi pa lods. pero may mga suspect na nakapila don." sagot naman niya, "bagal ng mga pulis 'no, lods?" sabi ko naman at naupo sa pwesto ko.

"oo nga e, mga bonak." sabi niya at naupo rin sa pwesto niya.

"ay nga pala may kaso ng murder dyan, witness pamangkin mo." sabi niya, "onis?"
takang tanong ko.

"Ruru tsaka Ryhan." agad naman akong napalingon sa kanya,

"bakit? pano? saan? kelan?" tanong ko, "ha? isa isa lang gago ka ba?" inis niyang sabi.

"feaaaarrr!" sigaw ni Kenzo mula sa labas, "oh?!" iritang tugon ko.

"mayy *sigh* cctv footage bago mangyari yung sunog." sabi niya habang hinihingal.

tumakbo ule siya at sumunod naman ako.

"gago." sabi ko habang pinapanood yung CCTV footage.

napa-paling ang ulo ko pakaliwa at napa kunot noo.

"lasing siya?" tanong ko at napalingon kay Kenzo.

"oo. kita rin dyan na nagulat siya sa ginawa niya." sabi ni Kenzo.

tinitigan ko pa ito ule.

"familiar talaga mukha ng potanginang to." bulong ko.

-

        🔽 pindutin mo 'to.

Sound of the Broken Soul (Rhythm Series #1)Where stories live. Discover now