Chapter 13

22 2 2
                                    

Ruru's POV

sabado ngayon at pauwi kami ngayon sa bahay.

sa batangas.

and guess what? i'm with Xash.

may sunog na naganap sa baranggay namin and naging dahilan yun ng pagkamatay ng
lolo ni Phobos at tita ni Xash.

"ano raw dahilan ng sunog?" tanong ni Icarus, "galit." sabi ko at tumango-tango.

"huh?" takang tanong ni Phobos. "mab—" naputol ang sasabihin ni phobos dahil pinatigil ko siya.

"diba former baranggay official lola mo? sabihin na nating mabait pero di siya mabait sa tingin ng iba." sabi ko, tinignan ko si Xash. "gano'n din sa'yo." sabi ko at ngumiwi.

napabuntong hininga sila pareho.

"magkaibang daan pala kay Xash at sa atin." sabi nung papa ni Icarus, napatingin kami sa kanya.

"sige po tito, hatid ko nalang si Xash." sabi ko, "paki-daan nalang po kami saglit sa bahay." sabi ko pa uli.

"sige." sagot niya at tumango.

pagkauwi sa bahay ay ibinaba ko ang bagahe ko, "anak!" sabi ni mama, "hi ma." sabi ko naman at nagbeso.

"oh?" gulat na reaction niya habang nakatingin kay Xash.

"isa sa kamag anak niya yung namatay sa sunog. ihahatid ko siya sa kanila." sabi ko, tumango naman si mama.

"sila ate reena?" tanong ko, "umalis nak. o ija, gawan ko muna kayo meryenda." sabi ni mama.

"ay wag na po mama— este tita." sabi ni Xash, nginisian naman siya ni mama.

"girlfriend mo Ru?" tanong ni mama, napalingon ako kay Xash bago tumingin kay mama.

"nililigawan." sabi ko at ngumiti, "sabi na e. wala ka namang ibang pinapasakay na babae sa motor mo bukod sa kapatid at pinsan mo." sabi ni mama at pumuntang kusina.

tinawanan ko lang siya at nahiga sa sofa, "aaaahh! nakakamiss ang bahay." sabi ko at pumikit.

"paupo ako mongoloid ka." sabi ni Xash, tumingin ako sa kanya at inirapan siya.

"hoy ruru ano bayan paupuin mo naman si Xash." sabi ni Ryhan na kakapasok lang, pano dumeretso kase sa barkada pagkababa ng sasakyan.

"oo nga!" sabi naman ni Xash.

"pinagtulungan pa 'ko awit." sabi ko at no choice kundi umupo.

umupo siya sa tabi ko, "umunan ka nalang sa legs ko." sabi niya, agad naman akong humiga at inunan ang legs niya.

pumikit ako at umidlip.

"ano oras na, o? ayos lang sa'yo hintayin si Ruru?" rinig kong tanong ni mama kay Xash, "ayos lang po naka idlip din naman po ako at di na namalayan ang oras." sabi ni Xash.

napa mulat ako ng mata at bumungad yung mukha ni Xash, "panget mo." sabi ko, napatingin siya sakin at hinampas ang noo ko, "a-aray!" sabi ko. napaupo ako.

humawak ako sa noo ko at masama ang tingin na nilingon siya.

"oh?" inosenteng tanong niya, "tara na nga!" sabi ko. tumayo ako at nag-unat.

"kumain muna kayo bago kayo umalis." sabi ni mama, "ano oras na ma, o." sabi ko naman.

"kasalanan mo yan, patulog-tulog ka!" sabi ni mama, napa-upo nalang ule ako at tumingin kay Xash, "ayos lang sa'yo?" tanong ko.

"oo kanina ko pa sinabi 'yan." sabi ni Xash.

"kaya pala." sabi ko at tumango tango.

"oy, Ruru!" tawag ni Ryhan, napalingon naman ako sa kanya. "ow?" tanong ko.

"may pa-liga raw sila tatang renato rito sa bakasyon!" sabi niya, "gago seryoso? pumayag si aling norma?" gulat na sabi ko.

"oo pre! nilista na nga kita e!" sabi niya at kinindatan ako, "eyyyyy!" sabay naming sabi at nag chest bump.

"ay pre yung tropa naten si Kael tsaka Maui?" sabi ni Ryhan, "oh?" tanong ko.

"buntis pala si Maui, babae yung dala" sabi niya, nanlaki agad mata ko.

"e kamusta naman trabaho ni Kael?" tanong ko, "naka ipon na raw kaya ayos lang." sabi niya. ngumiti naman ako, tularan niyo si Kael may patutunguhan siya sa buhay.

"mga anak, kain na!" sabi ni mama, napalingon ako kay Xash napatingin din naman siya sa'kin.

"tinitingin mo?" nakakunot noong tanong niya.

"baliw, tara na." sabi ko naman, tumayo siya at sumunod sa'kin.

"ryhan paki-tawag nga sila Reena." utos ni mama.

"HOY ATE ANO PABANG GINAGAWA MO DYAN SA TAAS HALIKA NA RITO!" sigaw ni Ryhan.

si Riri naman ay lumabas galing cr, "kuya!" sabi niya, niyakap ko naman siya. di niya kasi ako naabutang gising kanina.

nasabi ko na bang 7 pa lang si Riri? edi hindi.

agad kaming kumain, sarap ng ulam. tinolang manok.

tinitigan ko yung part na napunta sa'kin at tumingin kay Ryhan. nakatingin din siya sa'kin.

hinampas ko ang lamesa at tumayo, "ayan nanaman sila." bulong ni ate Reena.

"SABI KO LEG PART SAKEN!" sigaw ko, "ano ginagawa nila?" takang tanong ni Xash, "Noli Me Tangere." sagot ni ate Reena.

"ano ba nakuha mo?" tanong ni Ryhan, "neck!" inis na sigaw ko.

nagkatitigan kami, pagkatapos non ay nagtawanan agad.

"weh killjoy nila." sabi ko dahil di tumatawa sila mama, "hahaha." tawag ni mama. as in tatlo lang tapos peke pa.

"flush steak ka, tita." sabi ni ate Reena, "flush steak?" tanong ni mama, "plastik ka raw." sagot ni Red.

nagkwentuhan pa sila ng malala bago napagpasyahan na umuwi ni Xash.

"grabe saya ng family mo 'no." sabi ni Xash at ngumiti, "mas masaya pag naging part ka." sabi ko.

"ngii." sabi niya at ngumiti.

sinuot ko sa kanya yung helmet tas syempre nag suot din ako.

sumakay ako, "yakap ka sa'kin tapos wag mo na ako pakawalan pa." sabi ko, kinurot niya ako sa tagiliran at yumakap sa'kin. "wala naman ako balak pakawalan ka." bulong niya.

smooth.

"Xash, anak.." sabi ni Tito. yung papa niya.

agad yumakap si Xash sa papa niya, dumating naman ang mama niya tapos kuya niya tapos ate niya ah basta nagyakapan sila.

maglalakad na sana ako palabas kaso,

"ay pa, si Ruru pala." sabi ni Xash. agad akong napalingon. napakamot ako sa batok at ngumiti.

"Ruru? ikaw pala 'yan." sabi ni Tito, ninong ko siya actually.

"magkakilala kayo?" tanong ni Xash, "inaanak ko 'to pinakilala siya ni pareng Fear sa'kin." sabi niya, "ay nga pala ninong, may appointment pala bukas kasama si Tito Fear tsaka sila papa tungkol do'n sa incident. kayo-kayo lang daw." sabi ko naman.

"ah ganoon ba? sige anak, maraming salamat." sabi niya, "sige po alis na ako ninong. Xash, alis na ako." sabi ko, ngumiti siya at kumaway, "salamat sa pag-hatid!" pahabol niya pa.

abangan ang ganap ni Fear Suivaro.

           🔽 pindutin mo 'to

Sound of the Broken Soul (Rhythm Series #1)Where stories live. Discover now