Chapter 1

83 9 7
                                    

Ruru's POV

"hoy gising na!" sigaw ni Ryhan at hinampas ako ng unan sa mukha, "putanginamo naman Ryhan! aga aga nambubulabog ka potanginamo." inis kong tugon at bumangon.

"tanga! lagot ka kay tita! uminom ka nanaman daw banda ka ng banda! yan sabe ni tita." sabi ni Ryhan with matching actions pa ni mama.

"sabi niya pa, aynaku! alam mu ba yang pinsan mu!! napatigas ng ulo!! tumakas ba naman para mag banda kagabi aynaku talaga!!" acting nito, "HAHAHAHAHAHAHAHAJAJAHAHJAAJAH" sabay naming tawa.

"hoy kuya baba na raw." sabi ni Riri, bunso kong babae.

"si Red?" tanong ko kay Ryhan, nagkibit balikat siya at lumabas. lumabas na rin ako, "oh Ruru, ginawan kita ng pantanggal hang over." sabi ni ate Reena, kapatid ni Ryhan at parang ate ko na rin.

sa pamilya namin, puro R first name. dati sigurong pirata lolo namin? okay, corny.

"malapit na pasukan niyo, Ruru. anong plano mo sa banda banda niyo?" nakakunot noong tanong ni mama.

"ako na bahala dun, ma." sabi ko naman, "e yung paglipat mo? may boarding house ka na ba?" tanong ule nito. napakamot naman ako ng ulo.

"ma, ayos na. may kaibigan akong may boarding house." iritang tugon ko, dami kasing tanong.

"galet ka?" tanong niya at piningot ako, "a-aray maaaa!! di ako galitt!" sabi ko habang nakahawak sa kamay niya.

binitawan niya ang tenga ko at binatukan ako, "umayos ka sagot sagot ka na a" sabi pa nito.

niyakap ko naman siya, "ang aga kasi para sa tanong mo ma! patanggalin mo naman muna kalasingan ko." sabi ko, "aynaku kang bata ka." sabi lang nito, "osiya kumain ka na makiki-chismis lang ako sa labas, buntis daw yung anak ni aling nitay." sabi ni mama at lumabas.

"sino ba anak ni aling nitay?" tanong ko kila Ryhan, "si Sophia yung napasok sa catholic church" singit ni ate Reena.

"ba't mo alam? chismosa amp." singit ni Ryhan, "nagkakape kami ni tita sa umaga. mga tanghali na kasi kayo nagigising!" pagtataray ni ate Reena.

"away nanaman kayo." sabi ni Red na kakapasok lang ng pinto, "san ka nanaman galing?" nakakunot noong tanong ko.

"kila Trent lang." sagot niya sabay umupo sa tabi ni Riri, "kelan alis mo, kuya?" tanong ni Riri sa'kin.

"bukas na, maaga." sagot ko at tumayo, "mall tayo kuya!" yaya bigla ni Riri, tumango ako at pumuntang cr.

syempre nasa mall na kami. kasama namin si mama, buong angkan ata ng Privano andito. BAHAHAHAHAHAA.

hinayaan kami ni mama maglaro, minsan pa'y nakikisali siya.

"ay anak, Ruru. tara at mamili ng snacks mo para sa boarding house niyo." yaya ni mama, napangiwi ako at napatango. mukhang marami akong bibitbitin a.

"Ryhan susunod ka ba kay Ruru?" tanong ni ate Reena habang natingin kami ng chichirya.

"oo, pwede ba ako maki-boarding house sa inyo, Ruru?" tanong ni Ryhan, kinindatan ko naman siya.

"oo naman, ako nagbabayad sa boarding house na yon galing sa raket ko." sabi ko naman, "ano ba raket mo at napakalaki ata ng ipon mo?" takang taong niya.

"sa banda tapos alam mo yung bagong building dyan saten? nagtatrabaho din ako don." sagot ko, "buti tinanggap ka?" gulat na tanong ni Riri, nginisian ko siya. "babae interviewer e." sagot ko.

"yuck." sabay na sabi ni Riri at Ate Reena, nag-apir naman kami ni Ryhan at Red habang tumatawa.

- Kinabukasan -

maaga akong naligo dahil susunduin ako ni Icarus.

"ayaw mo sumabay ngayon Ryhan? sure ka na?" tanong ko sa kanya, "oo. sunduin mo nalang ako sa terminal pag susunod na ako." sabi niya. tinanguan ko lang siya.

"alis na 'ko." sabi ko at lumabas na may bitbit na bagahe.

"tangina andami niyan a? dun ka na ba titira?" tanong ni Pavel, "bobo malamang. ang layo kaya nito sa manila." singit naman ni Phobos. "bobo talaga yan si Pavel." singit naman ni Kol.

"tulungan niyo nalang si Ruru kesa mag bobohan kayo dyan." singit ni Persaige, "may regla nanaman si Persaige." sabi ko habang naglalagay ng bagahe. nagtawanan naman kami bukod kay Persaige.

pumasok na kami sa van.

"Icarus?" tawag ko, "present."

"Persaige?", "hmm."

"Phobos?", "aye aye aye!"

"Pavel?", "kausap mo na ako kanina."

"Kol?", "absent"

"Paffie?", "andito."

"nice ready na lahat." sabi naman ni Pavel.

agad namang nag drive ang papa ni Icarus, "pre diba may chix ka nung nakaraan?" tanong ni Pavel habang nakain ng Nerds.

"ah si Xash." nakangiting tugon ko.

"Xash?" tanong ni Icarus.

"Sy something apelyido." sagot ko.

"Sytania?" tanong ni Persaige.

"Xash Sytania?!" sabay na tanong ni Kol at Paffie.

    ⬇️ pindutin mo 'to.

Sound of the Broken Soul (Rhythm Series #1)Where stories live. Discover now