CHAPTER TWENTY

38 4 0
                                    

TATLONG araw nang walang malay si Amber at kasalukuyan itong ina-isolate sa isang isolation room sa bayan. Nasa ibang isolation room naman ang pamilya ni Christopher. On-close monitoring rin ang mga pasyente na nasa Divine Therapeutic Center at ina-isolate dahil baka nahawaan ito. Pero wala ni isa naman ang nakakaranas ng mga simptomas tulad ng lagnat, ubo, sipon at sakit sa katawan o ulo. So far, wala ring sintomas ang kanyang Kuya Benj na naka-isolate din katabi ng room ni Amber. Ang may malaking pinsala ay si Amber dahil ito ang may direct contact ng pamilya nila Christopher.

"Callister, pahinga ka muna. I'll give you a call once Amber wakes up. At ngayon din daw darating ang resulta ng mga laboratory test nila Amber, Doc Benj at ng kamag-anak at pamilya ni Christopher. Hoping everything is negative," basag ng katahimikan ng Lola ni Amber kay Callister.

"I'm fine, Doc Morales. I'll wait for her to wake up. Baka may masamang mangyari sa kanya kapag wala ako rito. Hihintayin ko na rin ang resulta ng tests nila from Manila." Kinakabahan siya para sa lahat. Sana negative ang resulta ng lahat. Lalo na si Amber dahil sa lahat ito lang ang walang malay at may mataas na lagnat. Kinakabahan siya para dito.

"Callister, tatlong araw ka nang nag-babantay kay Amber dito sa labas ng kuwarto niya simula nang dumating ka. Wala ka ring maayos na pahinga. Tanggalin mo 'yang PPE mo at kumain ka muna. You need to take good care of yourself, too."

Nahilamos niya ang kanyang kamay sa mukha niya. "Sana ako na lang ang nagkasakit at hindi si Amber, Doc Morales. I can't afford seeing her in pain..."

Nanginginig na siya sa takot at kaba. Paano kung positive si Amber? Paano kung hindi na ito magkamalay? Paano kung hindi na niya ito makakausap? Paano kung mawala ito? Kung kailan nandito na siya at handa na niya itong mahalin ng buong puso saka naman nangyari ang lahat-lahat.

"Callister, Amber is a strong woman. Maskin ako kinakabahan sa resulta ng apo ko. But I'm always praying to God na sana hindi mangyari ang kinatatakutan natin..."

"I can't afford to lose her..." Humagulhol na siya ng parang bata sa harapan ng Lola ni Amber. Pero wala siyang pakialam. Si Amber ang nagturo sa kanya na ilabas lahat ng hinanakit niya at wala siyang dapat na kinikimkim. Si Amber ang nagparamdam sa kanya na isa siyang taong may kahinaan at hindi mali na ipakita ang kahinaan niya sa iba. Si Amber rin ang nagturo sa kanya na pwede pa siyang makaramdam ng pagmamahal na buong akala niya ay hindi na niya maramdaman ulit. Mahal na mahal niya ito.

At sa dalawang buwan na pagti-therapy niya ay wala siyang ibang iniisip kundi madaling tapusin ang lahat na pagsubok para lang makita na ito. Akala niya isang buwan lang siya sa Amerika pero nadagdagan pa ng isang buwan ang therapy niya dahil iyon ang nakasaad sa kasunduang pinirmahan niya na hindi niya napansin. At inayos din niya ang lupain ng kanyang Lola sa America. Pagkatapos ng therapy niya at nang na-clear na siya ay kaagad siya nag-book ng ticket pauwi. Makikita na rin niya si Amber.

He is fully healed. And now that everything is okay with him, ito naman ang naghihirap ngayon. And he can't afford seeing Amber in that state. Nahihirapan sa sakit. Sana siya nalang ang nagkasakit.

"Gusto ko pa siyang pakasalan. Gusto kong bumuo ng pamilya kasama siya. Ayaw ko siyang mawala sa akin, Doc Morales. Mahal na mahal ko po ang apo niyo..." Niyakap siya ng butihing Lola ni Amber at lalo naman siyang umiyak nang nakita niya ang paghihirap sa mukha ni Amber.

"Nandito na ang resulta!"

ISANG mainit na yakap ang sumalubong kay Amber pagkabuka palang niya sa kanyang mga mata. Masakit ang buong katawan niya pero mas magaan at mabuti naman iyon kompara no'ng nasa airport siya. Bigla niyang naalala ang tagpo sa airport kaya malakas na tinulak niya ang lalaking yumakap sa kanya at alam na alam niya kung sino iyon basi na rin sa perfume nito.

CRUSH BACK SYNDROMEWhere stories live. Discover now