CHAPTER SIX

28 3 0
                                    

ANO BA ang nararamdaman mo ngayon?

Binigyan ni Amber ng isang sketch pad at isang kahon ng krayola ang pasyente niyang si Manong Alfredo na may alcohol issue at anger problem. Makailang beses na nitong nasaktan ang asawa at mga anak nito kapag ito ay nalalasing at nagagalit. Kaya in-admit na ng kamag-anak nito sa Therapeutic Center nang muntikan na nitong mapatay ang asawa sa bugbog.

Kumuha ng maitim na krayola si Manong Alfredo matapos gumuhit ng isang lalaki at isang ulap. Kinulayan nito ang drawing ng itim at hindi na nito namalayan na napuno na pala nito ang isang buong sketch pad na maitim na kulay. Hindi ito nagsalita bagkus ay nakatulala lang ito habang nagkukulay.

"Manong Alfredo, tignan niyo po ako." Umangat naman ang tingin nito kay Amber habang binaba ang hawak na krayola. "Hawak ko ang isang bottled water at ito naman isang inuming soda. Kapag inalog mo ang laman ng dalawa. Makikita mo ang diperensya." She shakes the two bottles with her hands. "Itong bottled water, matapos kong alugin nang makailang ulit nanatiling kalmado ang laman. Samantala itong can ng soda," inilayo niya ito mula rito at binuksan ang laman. "Sumasabog at hindi na naging kalmado ang laman nito. Kahit ilang ulit mo pa gustong ibalik sa dati ang laman, kapag sumabog na hindi mo na maibabalik sa dati. Para lamang 'yan sa buhay, nakakabitiw tayo ng masasakit na salita sa kapwa natin; nakakapanakit tayo dahil sa sobrang galit at puot na hindi natin namamalayan pero sa dulo sarili lang natin ang nasisira."

Nalingunan niyang umiiyak si Manong Alfredo. "Kaya sa susunod na magalit ka po, 'wag mong kalimutang pag-isipan nang mabuti ang aksyon na gagawin mo. Mas mainam na pahupain niyo po ang inyong galit sa pamamagitan ng pagbilang hanggang sampu. Kaysa gumawa po kayo ng mga bagay na pagsisihan niyo po sa huli. "

Tumatango ito. "Salamat, Amber."

"Walang anuman po, Manong Alfredo. Okay lang umiyak, sa paraan man lang 'yan mailalabas mo ang tunay mong nararamdaman. Mas maigi po na isipin niyo po ang magagandang alaala na kasama niyo po ang inyong pamilya para mabilis po kayong gumaling."

Ang ginawa nilang therapy kanina ay Autogenic Trainingkung saan t-in-train ang isipan ng mga positibong pag-iisip imbes na masasama at di-kanais-nais na pag-iisip. It is also a relaxation technique on promoting feelings of calm and relaxation in your body to help reduce stress and anxieties.

Nang tumigil na si Manong Alfredo sa pag-iyak ay tinanong niya ito sa nararamdaman nito. "Magaan na ang aking nararamdaman. Sana mapatawad ako ng pamilya ko."

"Basta magpagaling lang kayo, Manong. Sigurado akong mapapatawad ka po nila."

At natapos ang kanilang therapy. Hinatid na niya ito sa sarili nitong kuwarto. Pagkatapos ay naglakad pabalik si Amber sa garden at nag-after care.

"Ang galing mo kanina, Amber."

Hindi na kailangan pang lingunin ni Amber ang pinanggalingan ng boses dahil alam na alam na niya kung sino ang may-ari no'n.

"Uy, Calli, ikaw pala. Salamat."

"Alam mo ba na ikaw lang ang nakakapag-tame ni Manong Alfredo? Lahat kaming OT dito nakatikim na ng suntok at mabagsik niyang galit."

"Baka wala sa mood si Manong."

Tinulungan siya ni Calli na magligpit sa kagamitan na ginamit nila ni Manong kanina. "Nope. I think, napaamo mo siya sa maganda mong mukha."

Natigilan siya. "At anong ibig mong sabihin na por que maganda ako kaya napaamo ko siya hindi dahil sa kakayahan ko bilang isang magaling na Occupational Therapist?" Nagustuhan pa naman niya ang pagpuri nito sa kanya kanina.

Biglang nataranta ito, "No, no that's not what I meant. Sorry kung na-offend kita."

Pinamaywangan na niya ito. "Na-offend talaga ako."

CRUSH BACK SYNDROMEWhere stories live. Discover now