CHAPTER EIGHTEEN

23 3 0
                                    

NAABUTAN ni Amber si Calli sa isang bagong bahay. Sinundan niya si Calli na nasa loob na ng bahay. Sila lang ang tao doon.

"Calli," tawag niya sa lalaki nang makapasok din siya sa bahay. Nakaupo ito sa pangalawang baitang ng hagdan. Nabigla ito nang makita siya. Hindi siguro inakala nito na susundan niya ito.

"I'm sorry for what I acted there, Amber. Ilang taon ko ring hindi naramdaman ang ganitong klase ng damdamin na nararamdaman ko ngayon. Sa iyo. So, I tried to run away from this feelings from you. But it's futile."

Naguguluhan siya sa mga sinasabi nito sa kanya. "What do you mean, Calli?"

Nilapitan niya ito at para magkaharap sila. Tanging ilaw nalang sa labas ang nagbibigay liwanag sa loob ng bahay. Nakabalandra ang ilaw sa labas sa kabuuan ni Calli kaya klarong-klaro sa kanya ang pag-uyog ng mga balikat nito. Gusto niyang mas lapitan ito at aluin pero pinigilan niya ang kanyang sarili. Wala siyang karapatan na gawin iyon.

"Bata palang, alam ko na na anak lang ako sa labas. I was made by mistake. Dahil sa pagtataksil. That's the reason I didn't have my father's last name. Noong namatay ang mama ko when I was ten, kinuha ako ni papa sa Amerika at dinala dito sa probinsya para siya na ang mag-alaga sa akin. Mabait ang mama ni Kuya Benj pero si Kuya Benj ay hindi ako kaagad natanggap bilang bagong parte ng pamilya nila. I tried to contact my Lola in States. Mama ni mama para kunin ako dito. Kaya doon na ako lumaki sa Amerika at doon na rin nag-aral dahil ayaw ko masira ang buhay ni Kuya Benj sa pagrerebelde niya kay papa dahil hindi niya ako matanggap.

Pero binigyan ako ni Papa ng ultimatum na uuwi tuwing Christmas dito at papayagan niya ako na umuwi sa America para na rin may kasama si Lola dahil siya nalang ang mag-isa doon. Halos kada buwan ako bisitahin ni Papa at ng mama ni Kuya Benj sa America. Hanggang sa mamatay ang Lola ko when I was twenty. Gusto ni Papa na dito ko ipagpatuloy ang pag-aaral ko pero hindi ko magawa dahil nagluluksa pa ako at dahil na rin ikakasal na ako sa girlfriend kong two years ko na karelasyon pero hindi natuloy dahil hindi niya ako sinipot sa araw mismo ng civil wedding namin sa America..."

"And there comes, Dannah. He was my childhood friend and my best friend. Kapitbahay namin siya sa US. Ang matagal ko na itinatagong nararamdaman sa kanya at pilit na ibaon na lang sa limot ay umusbong ulit nang hindi ako siputin sa kasal namin ni Rhea. She was there to comfort me and I can't help falling for her each day she comforted me. Para bang madali kong nakalimutan si Rhea dahil nand'yan siya. Pero hindi kami pwede dahil in-love siya sa long-time boyfriend niya since high school. At isang araw bigla na lang... Nalaman ko na lang na patay na siya... She comitted suicide. Dahil hindi pinanindigan ng lalaki ang pinagbubuntis niya. I was wrecked during those times. Nawala lahat sa akin. Si mama, Lola, si Rhea at si Dannah..."

Narinig niya na umiyak si Callister. Nilapitan na niya ito at inalo. Lumuhod siya sa harapan ng lalaki para magkapantay sila. Natigagal siya sa lahat ng impormasyon na narinig niya mula dito. Kay sakit ng naranasan nito. Hindi siya makahanap ng tamang salita para aluin at maibsan ang nararamdaman nito ngayon. Naiiyak na rin siya sa kadahilanan nandoon nga siya sa tabi ni Calli pero hindi naman niya alam kung paano ito matulungan sa kabigatang dinadala nito. At sa mapait na nakaraan nito.

"I'm sorry, Calli... I wish I've known you before to comfort you of what you've been through."

Mas lalo itong humagulhol ng iyak at maskin siya rin ay hindi mapigilan sa pagkakarehan ang mga luha niya. God, she's willing to do anything just to ease the pain Calli is feeling right now. Kung pwede lang siya ang makadama ng sakit at lungkot na nararamdaman nito ngayon ay okay lang. Ganoon niya ito kamahal. Naramdaman niya ang mahigpit na yakap ni Calli sa kanya. Ginantihan rin niya iyon nang mas mahigpit na yakap. Para ipadama nito na hindi ito nag-iisa at nand'yan lang siya para damayan ito.

CRUSH BACK SYNDROMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon