CHAPTER ONE

81 4 0
                                    

"MAMAMATAY ka! Masusunog ang kaluluwa mo sa impiyerno! Sa ngalan ni Satanas, binabasbasan kitang mapunta sa impiyerno!"

Parang mababaliw na rin nang tuluyan si Amber sa paghuli ng isang pasyente niyang may diperensya sa utak. Sa kakahabol sa pasyente niya ay napunta sila sa isang hardin ng Mental Ward. Iwinasiwas pa nito ang dalang rattle toy sa ere at lumikha iyon nang di kanais-nais na ingay. May dala rin ang pasyente na isang bottled water at ginawa iyong ala holy water at sinaboy nang paunti-unti ang laman sa kanyang mukha.

Kundi lang sila tinuruan noon kung paano pakalmahin ang isang pasyente may diperensya sa pag-iisip ay baka naisipan na niyang dinidemonyo si Anabellou na pasyente niya. Binisita ito ng ina kasama ang nakakabatang kapatid nito. At dinala si Anabellou ng ina sa canteen ng ward at nasa isang sulok lamang siya habang binabantayan ito. Pero mukhang may nasabi ang ina nito na hindi maganda sa pasyente niya at bigla itong nagwala.

Siya pa naman ang naatasan magbantay nito dahil siya ang susunod na magti-therapy dito. Tatlong pasyente na niya ang nagwawala sa araw na iyon na hindi niya nakontrol. Ang isa hindi sinasadya na nabagok ang ulo sa semento nang-t-in-therapy niya ito. Buti na lang hindi malubha ang natamo nitong sugat. Nakalimutan kasi niyang tanungin ang nurse nito kung napainom na ba nito ng gamot ng seizure ang pasyente. Ang isa naman niyang pasyente kaninang umaga ay nagwala at nang habulin niya, nakarating sila sa waiting area ng ward kung saan naabutan at nakita nga sila ng direktor ng ospital na naghahabulan. Malalagot na naman siya kay Director Lim nito.

Si Anabellou ay may Schizoprenia. Uri ng sakit sa utak kung saan nakakarinig ito nang di kanais-nais na mga boses kahit hindi naman nito gustuhin. At na-iexperience ng pasyente ang hallucinatios at delusions tulad ngayon. Fifteen years old pa lamang ang pasyente niya para sapitin nito ang ganitong uri ng sakit kaya naaawa siya sa babae.

"Anabellou, 'diba gusto mong sumakay sa kotse ko? 'Diba type mo 'yong pink na kotse ko?" Nakatuntong na ang babae sa isang mesa sa hardin at medyo may kataasan iyon baka maaksidente ito. Lahat ng pagkain at laro na gusto nito ay nagamit na niyang pang-bribe kay Anabellou pero wa epek pa rin kaya ang kotse na lang niya na sobrang gusto nito nang makita nito iyon sa parking lot ng ward habang nag-wo-walking therapy silang dalawa minsan ang naisipan niyang pang-bribe sa babae para bumaba ito sa kinatungtungan nitong mesa.

Binitawan nito ang hawak na rattle toy na sa pagkakaalam niya na laruan ng nakakabata nitong kapatid. "Sure ka, teacher? Papasakayin mo ako sa pink car mo?" Bilang Occupational Therapist nito, teacher ang tawag sa kanya ni Anabellou.

Nakikita na niya na papalapit si Megz na isang nurse sa direksyon nila ni Anabellou at may dala itong syringe na kaagad itinago sa likuran nito nang mapalingon si Anabellou sa direksyon nito. May diperensya man sa pag-iisip karamihan sa mga pasyente nila sa ward pero matatalino naman ang mga ito kapag hindi tinutupak ng sakit.

"Yes. Pink is your favorite color, right? Teacher will let you ride her pink car if you go down from the table."

"Teach, I heard voices. Sakit na sa tainga ko. Ayaw ko na marinig iyon." Dahan-dahan na bumababa si Anabellou habang takip ng dalawang kamay ang mga tainga nito.

Nasa tabi na niya ang babae. Akmang lalapitan si Anabellou ng ina nito pero sinenyasan niya ang ginang na lumayo muna habang pinapakalma niya si Anabellou. "Good girl," Amber gently caressed her patient's hair assuring her that everything will be okay.

Dahan-dahan na rin lumalapit si Megz sa direksyon nilang dalawa. Akmang tuturukan nito si Anabellou na hawak na niya pero malakas na puwersang itinulak siya ng babae. "Demonyo ka! Masusunog ang kaluluwa mo! Layuan mo ako!" At handa na masubsub ang mukha niya sa isang snake plant sa hardin nang nasalo siya ni Mikeehead nurse ng ward nila.

Nang lingunin niya si Anabellou, bagsak ang katawan nito sa lupa at nakaalalay sa uluhan nito si Megz.

"Pinatawag ka pala ni Director Lim sa opisina niya, Amber." Malungkot na imporma ni Mikee sa kanya.

Pagkatapos mapasalamatan si Mikee sa pagsagip sa kanya ay nagtungo na siya sa opisina ng Head Doctor nila.

And she know, she's doomed.

CRUSH BACK SYNDROMEUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum