CHAPTER SEVENTEEN

22 3 0
                                    

"WHAT HAPPENED?"

Nasa isang tabi si Amber. Parang hindi niya magawang maging masaya. Nasa isang mesa siya. Habang ang mga kasamahan niya ay nagsasaya at nagsasayaw para sa Culmination. Medyo malayo ang hardin nila sa mga kuwarto ng kanilang pasyente kaya kampante silang hindi maiistorbo ang natutulog nilang pasyente. Mahina lang din naman ang tugtog na pumailanlang sa hardin. Pormal ang suot nilang lahat except kay Doc Benj na katabi niya ngayon dahil kakatapos lang nito i-check ang lahat ng pasyente. Kasama din nito si Yana na isang nurse na nakapagbihis na mula sa uniporme nito.

"Mali yata ang pag-a-analyze mo sa feelings ni Calli, Doc. Pampataboy lang ako sa mga pasyenteng umaaligid-aligid sa kanya."

"Hindi pa ako kailanman nagkakamali sa pag-aanalyze ng kolokoy kung kapatid na 'yan, Amber. He might be stubborn at times but I know him since we were young. Kahit na nagawan ko 'yan ng masama noon, mabait 'yan."

Hindi na siya nagsalita. Nagpatuloy naman ito. "Kita mo mukha ni Calli na nakatingin sa atin ngayon. Parang gusto na akong katayin. Ni wala pa nga dalawang minuto tayong nag-uusap, e."

"Nga pala, Doc. Bakit hindi niyo pinaalam na magkapatid kayo ni Calli sa mga kasamahan natin?"

"It's Calli's choice. 'Yong Lola mo lang ang nakakaalam at ang head nurse natin. Ibang kasamahan kasi natin dito ay mga baguhan lang. Wala kasing nagtatagal dito."

"Ops, papalapit na ang galit na si Callister. Sige batsi na ako."

"Hi, Amber!" bati ni Calli sa kanya nang makalapit ito sa mesa niya.

"Hey!" ganti niyang bati rito.

"Mind to dance?" Inilahad nito ang kamay sa kanya.

Her mind say "no" but her heart says "yes." At ano ba ang palaging nananaig?

She wholeheartedly accepted Calli's hand. He motioned her in front of the crowd and at the center of the garden.

Pumailanlang ang magandang boses ni Doc Benj sa ere. Nasa gitna na pala ito ng make-shift stage ng garden.

Calli wrapped around his hands to her waist and she encircled her hands around his neck. Buong suyo niyang tinignan ito sa mga mata. At gayon naman ang ginawa nito. He never blink even for a second. Nababasa niya sa mga mata nito ang takot at pangamba. Though his eyes were glowing but hesitancy was written in it.

Been running from these feelings for so long... Telling my heart I didn't need you... Pretending I was better off alone... But I know that it's just a lie... So afraid to take a chance again... So afraid of what I feel inside...

"Galit ka ba sa akin, Amber? Hindi mo na ako kinibo mula kanina."

"Hindi naman ako galit sa iyo. Medyo nagtatampo lang."

"And why is that?" Suko na siya. Dahil hindi niya kayang salubungin ang titig nito.

She laid her head to his broad chest. Ramdam niya ang mabilis na tibok ng puso nito. "You are too nice to all girls. Pwede ka naman tumutol at tumanggi sa tuwing hindi mo gusto ang ginagawa nila Belinda sa iyo. But you refused. Nagiging manipulative na nga sila sa iyo tapos hindi mo pa kayang ipagtanggol ang sarili mo. Nakakainis na minsan ang pagiging mabait mo."

"Sorry..."

"'Yan palagi ka nalang nagso-sorry. Pero ginagawa mo naman ulit."

"I don't want to hurt anyone's feelings."

"Pero okay lang na ikaw ang masaktan? Hindi iyon, okay sa akin. If you can't take good care of yourself, I will. If you can't protect yourself, I will..."

But I need to be next to you, oh I, oh I... I need to share every breath with you, oh I, oh I... I need to know I can see your smile each morning... Look into your eyes each night... For the rest of my life... Here with you, near with you... Oh I, I need to be next to you...

Ramdam niya ang pagtaas-baba ng dibdib ni Calli. Tumigil ito sa pagsayaw at hinawakan nito ang magkabilang balikat niya. Then he lifted her chin up. Sana hindi nito marinig ang sobrang lakas na tibok ng puso niya.

"Why are you willing to do that?"

I like you, Cal! "Because... I'm your barrier?"

"H-ha? Ang ingay naman ni Kuya. Bakit 'yan pa na kanta ang pinili niya. That's exactly how I feel for you."

Natigilan siya sa huling sinabi nito. "Come again, Cal?"

"No. Answer me, first. Why are you willing to do those for me?"

"Diba ako ang tagapagligtas mo? Tinulungan mo din naman ako kay Allen, so bilang kabayaran tutulungan kita itaboy ang mga pasyenteng nangungulit sa iyo."

Natatakot siya na sabihin dito ang totoong nararamdaman niya. Naduduwag siya. Baka pagkatapos niyang sabihin na gusto niya ito ay mag-iba ang pakikitungo nito sa kanya. And by the thoughts of it, really sucks. Dahil nasanay na siya na nand'yan lang lagi si Calli sa tabi niya na nagpapasaya sa kanya. Presesnya lang nito ay sapat na para mabuo ang araw niya. Knowing that after her confession to him will change everything between them, sucks. Ayaw niyang layuan siya nito. Dahil sa maikling panahon natutunan na niyang mahalin ito.

"So it's because of Allen. Kaya siguro nagbago ang pakikitungo mo sa akin dahil kay Allen? Bakit nagkabalikan na ba kayo?" matabang nitong tanong sa kanya.

Wala na ang siglang kanina nababasa niya sa mga mata nito. Napalitan iyon ng galit. Kung tama ang nababasa niya sa mga mata nito at basi na rin sa pagtagis ng bagang nito. But he's always mad with Allen ever since before. So what's new?

"No! You got it all wrong. Wala na kami ni Allen. Matagal na."

"Bakit palagi mo siyang binabanggit at bakit bigla na lang lumamig ang pakikitungo mo sa akin?"

"Are you jealous?" Lakas-loob niyang tanong.

"What if I am?" Diretsang sagot nito sa kanya.

"Amber."

Nalingunan ni Amber si Allen na nasa gate ng ospital. "Oh, you're here, Allen. Come in," bati ng Lola Juanita niya sa bagong dating. "I invited Allen here, Amber. Pwede mo ba siyang asikasuhin?"

"I'm sorry, Lola. Pero may kailangan lang akong ayusin. Mas importante."

At walang lingon-lingon na sinundan niya ang sasakyan ni Calli. Hindi man lang siya hinintay nito para makapaliwanag siya.

What's wrong with that guy?

CRUSH BACK SYNDROMEحيث تعيش القصص. اكتشف الآن