"Gulat na Gulat?" sabay na wika nina Trisha at Janelle

"Bakit kayo nandito?" tanong ko

"Dzuh! About sa case! Sa susunod na week na yun at yung kasal ni Ly ay malapit na" sambit ni trisha.

"Huh? Nex month pa yun ah?" taka ko

"Yeah pero pinaaga niya, miss na miss si jah ateng! Lantod!" Ngiwing wika ni jan

Agad naman akong natawa dahil namula si trisha.

Ang babae hindi nakayanan ang tatlong taon!

"Grabe makalantod ah?! Pag yan narinig ni jayjay!"

"ate what is lantod?"

Agad kaming napatingin sa batang kalalabas lang sa kwarto and yeah it's jayjay.

"uhm nothing, it's just uhmm... For adults honey" Pilit na ngiting sambit ni Jane

Agad namang naniwala ang bata at kumuha ng gatas sa ref. Pagkatapos ay agad siyang tumabi sa ate niya.

"How's your sleep?" Jan Asked

"I have a nightmare, Sinasaktan ako uli don ni daddy"

Nakaramdam naman ako ng lungkot dahil roon, sa batang edad ay naranasan na niya ang magulong buhay.

"Ate's here okay? Don't worry mawawala rin yan" Jan smile at him and give a peck of kiss to his cheeks.

"Btw ang company musta?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Ganun pa rin tumaas lalo" wika ni trisha

Tumango nalang ako at papasok na sana sa kwarto ng tawagin ako ni jayjay.

"Ate gin"

"Hmm?"

"I... I see you in social media uhmm It's currently trending eh"

Agad naman akong nagtaka roon, Ano nanaman nagawa ko at nagtrending nanaman ako?

"Huh?"

Kita ko sa gulat at pagtataka ang tatlo.

"Hindi mo knows? Alam kong magkasama kayo kanina ni ken and mukhang may kumuha sa inyo ng patago na picture" Wika ni Jan

"Huh? Wtf? Anong picture? Tagong tago kami sa suot namin! Imposibleng makilala kami!" Wika ko

Naka mask at naka sumbrero na kami amp, makikilala pa rin ba kami don?

"Alalahanin mo yung mga pinuntahan niyo sa loob ng Mall na tinanggal niyo ang sumbrero at face mask" Ngiwing sambit ni Trisha.

"No, hindi na nga kami nakapag-picture eh dahil baka may maka-kilala saamin" naiinis kong sambit

"Just do it" seryosong sambit nito

Kaya wala akong choice kundi gawin yung sinabi niya.

"Hmmm... Sa pagpasok namin ng mall naka face mask at nakasumbrero pa rin kami, Habang nag-iikot ganun pa rin--"

"Paano kayo makakahinga kung ganun?" Jan asked

"Don't worry bibig lang ang nakatakip" wika ko

Agad naman itong tumango-tango at sumenyas na magpatuloy.

"Sa pagbili ko ng damit ganun pa din, Sa paglalaro namin sa arcade ganun pa din eh, nagtataka ako dahil lahat naman ng yun ay tagong tago" Wika ko

"Hindi kayo nag-cr teh?" tanong ni trisha

"Nag-cr pero malabo yun ah kasi ganun pa din hindi namin tinanggal yun" ngusong sambit ko

"So sabay kayong umihi? Weh hindi ako naniniwalang ihi lang" ngising sambit ni Jan

"What?! No! My golly! May bata!" Gulat kong sambit

"Sus dinamay pa si jayjay" ngiwing sambit nito

"Fyi! Pag-sinabi kong wag niyang tanggalin hindi naman niya tinatanggal" taray kong sambit

"Naks sumusunod sa master, ano nga yung sa tiktok? Salamat master?" natatawang sambit nito.

"But seriously hindi ba kayo kumain? Puro paggala lang binanggit mo eh" Sabat ni Trisha

"May point ka shang, Ano yun gutuman?" Wika ni Jan

"Kumain kami sandali alalahanin ko"

Agad ko namang inalala yung pagkain namin aa Jollibee.

Napatakip agad ako ng bibig ng naalala ang nangyari.

"My Golly! Owemji! N-No!"

To be continued....

Thank you for keep supporting this series.

Don't forget to vote!

Comment if you want don't be shy! Hindi ako nangangain ng tao hehe.

++Your vote and comments are highly appreciated thank you so much!💙

OUR MEMORIES Onde histórias criam vida. Descubra agora