Chapter 13

221 21 3
                                    

Halos sampung minuto rin si Madam sa CR.

Ano kayang meron? Kilala niya ba si Alex? Bakit gano'n na lang siya mag-react noong mabanggit ko ang pangalan ng bata?

Noong makabalik siya, naisip kong magtanong, baka sakaling sagutin niya ako.

"Okay lang kayo?" panimula ko.

"Y-yes naman, Win sweety. I'm fine," sagot niya pero hindi man lang siya makatingin nang diretso.

"Kilala niyo po ba si –"

"May dala pala akong food. Here, kumain ka muna, I'll just go out to buy some drinks," putol niya sa 'kin at dali-daling lumabas ulit ng room.

Meron ngang mali dito. Pero dahil sa reaksiyon ni Madam, nag-decide akong hayaan na lang muna siya. Mukhang may sugat na namang bubuka kapag pinilit kong pag-usapan si Alex.

Pagbalik ni Madam, hindi na siya muling nagsalita pa. Tahimik lang siya at parang wala sa wisyo. Kapag kinakausap ko siya, sumasagot lang siya ng "Yes, sweety." kahit na hindi naman ako nagtatanong ng kahit ano.

Kahit noong ma-discharge ako ng ospital, gano'n pa rin si Madam. Haggang sa nagsimulang mag-trabaho sa amin si Alex. Minsan, nakikita ko siya sa labas ng store, pero hindi siya pumapasok. Kapag naman nasa apartment kami, gano'n pa rin siya. Nagdadala pa rin siya ng mga pagkain, pero hindi na siya sumisigaw at nagpapatugtog ng pang-zumbang music tuwing umaga.

Kinausap na nga rin ako ni Bright tungkol dito. Pero ano namang maisasagot ko sa kaniya. Eh, wala rin akong alam sa dahilan ng pagiging ganito ni Madam. I mean, may hula ako, pero hindi ko 'yon puwedeng sabihin sa iba not unless sigurado na ako.

Napatingin ako sa oras. Tanghali na naman. Kaya pala nararamdaman ko na naman ang paggalaw ng mga halimaw ko sa tiyan.

"Uy bakla, kamusta naman 'yong part timer mo?" biglang tanong sa 'kin ni Sisa. Opo, nandito na naman siya.

"Okay lang naman," maikli kong sagot.

"'Yon lang?"

"Oo. Masipag naman siyang bata. Lagi siyang on time pumapasok. At higit sa lahat, wala na siyang dine-dekwat na kahit ano." Pangatlong araw na ni Alex dito. At so far, masasabi kong disiplinado naman siyang bata.

Nagpa-alam na si Sisa na babalik lang daw siya sa main branch niya. At ako naman, naghanda na rin para lumabas at kumain. Pagkalabas ko ng opisina, nakita kong nandito na Alex. Wala ba siyang pasok? Tapos naalala ko, Sabado nga pala ngayon.

Nando'n lang siya sa sulok at parang may inaayos siya sa isang shelf. Pero nang makalapit ako, narinig kong humihikbi siya at pilit niya itong pinipigilan. Tuluyan na akong lumapit at kinalabit siya sa balikat.

Kahit nakatalikod siya, napansin ko ang mabilis niyang pagpupunas ng luha. Inayos muna niya ang sarili niya bago humarap sa 'kin.

"S-sir, ano pong kailangan niyo?" tanong niya sa 'kin.

"May problema ka ba?" balik ko ng tanong.

Namumugto na ang dalawa niyang mata, indikasyon na matagal na siyang umiiyak.

"W-wala po," iwas niya. At ilang pamimilit pa ang nangyari bago niya sinabi ang problema niya.

May sakit ang tatay niya. At hindi naman daw niya madala sa ospital kasi wala silang pera. Kagabi pa raw mataas ang lagnat nito at ngayon nga ay wala ng pambili ng gamot si Alex.

"Sige, hintayin mo 'ko dito," sabi ko at mabilis na lumabas ng store.

Tumawid ako ng kalsada at dire-diretsong pumunta sa direksiyon ng ospital nina Andres. Oo, ano pa at may kaibigan kaming doktor.

The Ex ValueWhere stories live. Discover now