Chapter 1

962 39 20
                                    

WIN

Shuta.

Kanina pa ako palakad-lakad dito sa compound na 'to pero wala akong mahanapang magandang apartment.

Tirik na tirik ang araw at wala pa akong dalang payong. Kung 'di rin kasi pakshet ang landlord ko at ngayon pa ako pinalayas sa tinitirhan kong bahay.

I mean, tatlong buwan lang naman akong delayed sa bayad. Sobra na ba 'yon? Sapat na ba 'yong rason para paalisin ako? Human beings are so cruel.

"Hoy gago tabe!" Nagulantang ako sa sigaw na nanggaling sa likuran ko.

May nagtutulak pala ng kariton at muntik na akong mabangga. Buti na lang nakaiwas ako agad.

Pakshet. Napakamalas.

Uhaw na uhaw na rin ako. Kaninang umaga pa ako palakad-lakad. Ilang conpound at apartment na ang napasok ko pero wala akong nakitang maganda. 'Yong isa, okay na sana. Maganda ang kusina. Maayos ang linya ng tubig at kuryente. Yon nga lang, sobrang mahal. Kahit yata ibenta ko katawan ko 'di ko yun mau-upahan. Tapos yung isa naman, okay ang presyo, pero kailangan ko raw maki-share ng banyo kasi wala silang sariling C.R. Eh sa kabilang kalye pa ang pakiki-share-an ko. Aba'y shuta. Paano pag taeng-tao na 'ko? Tatakbuhin ko pa ba hanggang sa kabilang bahay?

Sumasakit talaga ang dalawa kong ulo dahil sa apartment hunting na to.

"Kuya, bili po kayong palamig, mukhang uhaw na po kayo." Nilapitan ako ng isang batang nagbebenta ng inumin.

Tinignan ko ang bata. Sunog ang buhok nito dahil sa matagalang pagbibilad sa araw. Namumula ang mata niya dahil siguro sa usok na nagmumula sa mga sasakyang nadaraanan niya. Ngunit ang kaniyang mga labi, nakangiti siya sa kin.

Hindi ko alam pero parang kinurot ang puso ko. Kinuha ko ang wallet ko mula sa king bulsa at naghanap ng barya. Pero sa halip na limang piso, hinugot ko ang natitira kong isandaan at yon ang binigay sa bata. Bahala na. Maglalakad na lang ako pauwi mamaya.

"Oh heto, bibili akong isa. Sa yo na sukli. Ipambili mo ng masarap na tinapay," sabi ko sa kaniya. Abo't tenga ang binigay niyang ngiti at masaya akong binigyan ng isang supot ng palamig.

"Maraming salamat, kuya," sabi ng bata.

"Ano'ng pangalan mo?" tanong ko habang sumisipsip sa malamig na inumin. Pakshet, ang tabang.

"Alfred po."

"Naga-aral ka?"

"Hindi na po, tumigil na po ako. Sabi kasi ni Inay magtrabaho na lang daw ako para sa 'min."

Tangina?

"Hoy! Alfred! Kanina ka pa riyan, lika na at marami ka pang ibebenta!" Isang sigaw ang pumukaw sa atensiyon namin. Dali-daling sinukbit ni Alfred ang pera sa kaniyang shorts at nagtatakbo pabalik. Bago tuluyang makarating sa kaniyang ina (at least yun ang akala ko), tumalikod siya sa 'kin at binigyan ako ng napakatamis na ngiti.

Tinignan ko ang wallet ko.

Shuta. Isang bente at barya barya na lang ang natira.

Nagpatuloy na lang ako sa paghahanap ng apartment. Ilang minuto pa ang lumipas, pero gaya ng dati, wala akong nakitang maganda.

Hanggang sa may kumalabit sa 'kin.

"Kuya, naghahanap po kayo ng apartment?"

Si Alfred pala. Wala na siyang dalang palamig pero bakas ang pagod sa kaniyang mukha.

"Oo, bakit? May alam ka?"

"Opo. Sumunod po kayo sa 'kin."

Alam ko, alam ko. Nasa Maynila ako at hindi dapat ako basta-basta sumusunod sa mga di ko kakilala. Pero mga kaibigan, bibigay na ang mga tuhod ko sa pagod. Kailangan ko ng mahanap ngayon din.

The Ex ValueWhere stories live. Discover now