Chapter 3

348 25 19
                                    

"Let me sleep here."

Hindi ko alam kung tatawa ba ako o hahambalusin ko siya ng walis. Shutang gago 'to. Seryoso ba siya?

"Alam mo ikaw kung high ka please 'wag mo 'kong idamay. Umuwi ka na," sabi ko at ipinagtulakan siya sa pinto.

"Please, I have nowhere else to go."

"Hindi 'yan uubra sa 'kin."

"It's true." Nagulat ako sa pagka-seryoso bigla ng tono niya. "I left my house. That's why I'm currently looking for an apartment where I can temporarily stay."

"H-ha? Bakit ka naman aalis sa bahay niyo?" Hindi ko mapigilan ang kuryosidad ko.

"Can I get inside first? It's kinda chilly out here." Napansin ko, nasa labas na pala kami.

Nag-isip ako sandali. Ngayon lang 'to. Tumutulong lang ako sa nangangailangan. Walang ibang ibig-sabihin 'to.

"T-tara," aya ko at naunan nang pumasok. Umupo ako sa halos pasira ko ng sofa at hinintay ding maupo tong kasama ko.

"For how long have you been living like this?" bigla niyang tanong.

"Anong ibig mong sabihing 'like this'?" Medyo sensitive talaga ako.

"Don't get me wrong, haha."

Batukan kita riyan e.

"So ano nga, bakit ka lumayas sa bahay niyo?" Wala talaga akong maisip na posibleng dahilan. Halata naman siguro, pero oo may kaya ang pamilya ng ungas. May-ari ng isang sikat na akademya ang papa niya at doctor naman ang kaniyang mama. Balita ko ring resident na siya ngayon sa isang ospital. Kaya naman bakit?

"Nothing serious," sagot niya.

"Anong 'nothing serious' ka riyan. Bakit ka lalayas kung hindi naman seryoso. 'Tsaka ano ka, teen ager? May nalalaman ka pang palayas-layas?"

"Chill," tumawa siya. "Are you concerned for me right now?"

Shuta.

"Gago, kalimutan mo na nga. Wala kang sense kausap. Basta ngayong gabi lang to ha. Bukas na bukas din lumayas ka na." Kaurat talaga to.

"Aww?" At nag-puppy eyes na nga.

"Sasapakin kita."

"Okay."

"Lagay mo na lang diyan gamit mo. Manood ka muna ng TV kung gusto mo. Magluluto lang ako ro'n."

Iniwan ko na lang muna siya baka kung ano pa magawa ko. Kumukulo ang dugo ko sa bawat katagang lumalabas sa bunganga niya.

Nagsimula akong maghanap ng pwedeng lutuin sa may ref. May pork, beef, at mga gulay. Nang makita ko 'yong isang bundle ng mga gulay, may bigla akong naalala.

Pinakbet.

Yumuko akonat kinuha ang mga gulay. Pagkatapos, dinala ko silang lahat sa may sink at hinugasan isa-isa. Patapos na ako kaya naman sa paga-akalan walang tao sa likod ko, humakbang ako patalikod. Pero isang paa ang naapakan ko at sa gulat, muntik nakong matumba. Mabuti na lang (hindi pala mabuti to), nasalo niya ako agad.

"Careful." Naramdaman ko hininga niya sa may batok ko. Libo-libong sensasyon na akala ko nakalimutan ko na ang dumaloy sa buo kong sistema.

"Bitawan mo 'ko."

Madali naman siyang sumunod. Kinuha ko mga nahugasan kong gulay at nagsimula ng maghiwa.

"Are you cooking pinakbet? You know it's my fav–?

"Hindi ko 'to niluluto para sa 'yo. Itong mga gulay lang talaga ang available. No choice," madali kong pangontra sa sasabihin niya.

"Okay, if you say so."

The Ex ValueWhere stories live. Discover now