Chapter 11

222 17 5
                                    

WIN

"Hoy putangina Winnie, hindi ka nagsho-shoot ng music video uy, kanina ka pa nakatulala diyan!"

Nabalik ako reyalidad dahil sa biglang pagsigaw ni Sisa sa bandang tenga ko. Shuta. Malay ko bang nakatulala na pala ako dahil sa malalim na pagi-isip.

"Music video na sinasabi mo, may iniisip kasi ako," sabi ko at umayos ng upo. Nandito ako ngayon sa maliit na opisina ng convenience store ni Sisa. Oo, nagsimula na akong magtrabaho dito.

"Tungkol saan ba 'yan?" tanong niya at naglapag ng inumin sa mesa ko.

Nagpasalamat muna ako bago sumagot. "Wala wala. Bakit ka nga pala nandito? Sa pagkaka-alam ko, hindi naman ito ang main branch mo. Hindi ba dapat doon ka naglalagi?"

"Pakialam mo ba, ha? Ako boss kaya I can be anywhere I want. Tsaka amboring doon, puro matatanda mga staff. Dito na lang ako," sagot naman niya. Shuta talaga to.

"Wala ka bang gagawin? Eh parang araw-araw ka na dito a?"

Nakita kong parang nag-hesitate muna siya sandali, pero bumigay din siya agad. "Sasabihin ko na nga. Tangina naman kasi."

Natawa na lang  ako. Sabi ko na may problema to eh. Hindi naman niya ako bubulabugin araw-araw kung walang nangyayari sa main branch niya.

"Siguro napapansin mo these days na medyo nababawasan ang freshnness ko," sabi niya at pinandilatan ako nang makita niyang kokontrahin ko sana siya. "Ang dahilan, pine-peste na naman ako ng hayop kong ex. Lagi niya akong pinupuntahan sa opisina ko, lintek na 'yon. Every morning na papasok ako, nando'n siya. Kapag pauwi na ako, nando'n na naman siya. Punyeta, gusto ko na nga siyang i-hire bilang mascot!"

Hindi ko napigilan ang sarili ko at humgalpak ako ng tawa. "Hulaan ko, si Drew 'yan no?"

"Tinatanong pa ba 'yan? I mean, lahat naman ng naging jowa ko, na-obsess sakin, pero itong si Drew – tangina! Hindi na ako magtataka kung naka-print ang mukha ko sa underwear niya."

Lukot na lukot ang mukha ni Sisa at tawa naman ako nang tawa sa kaniya. Shuta. Kung contest lang din talaga ng paweird'an ng mga naging ex, panalo na si Sisa. 'Yong isa, nagpadala noon ng patay na daga dahil ayaw siyang kausapin. May isa pa na muntik na niyang ipa-blatter dahil ninakawan siya ng mga gamit noong naghiwalay sila. Naaawa na nga kami sa kaniya, sa dinami-dami ng naging boyfriend niya, wala pa yata ni isa ang nagtagal at masasabi mong "normal".

"Oh siya, may pupuntahan lang ako ah. Bahala ka na rito," sabi ni Sisa at iniwan na ako sa office.

Ininom ko ang binigay niyang soda at nilibot ang paningin sa bago kong workplace. Mas makipot ito kung ikukumpara sa dati kong opisina, pero mas homey naman itong tignan. May mga halaman sa bawat sulok, may malaking bintana sa may kaliwang pader, may maliit na sofa at lamesa sa harap ng desk ko, at maayos din ang pintura sa loob. Sa second floor nga pala ito, kasama ng storage room. Bale sa baba ang mismong store, at dito sa taas ang space ko.

Dalawang linggo na ako rito. At halos isang buwan na ako apartment. Okay lang naman ang lahat these past days. Sa bahay, gano'n pa rin ang set up. Maaga nagigising si Bright at pumupuntang trabaho. Sa gabi lang siya may oras na bwisitin ako. Paano niya ako binu-buwisit 'ka mo?

Binibilhan niya ako ng pagkain, inaaya niya akong lumabas, at minsan ipinagluluto niya ako ng hapunan. Mga ganiyan. Nakaka-bwisit, hindi ba?

Si Devin, hindi ko pa nakikita simula nong nadaanan ko siya sa labas ng apartment kasama si Bright. Gusto ko sana siyang kausapin. Gusto kong malaman kung totoo 'yong sinabi ng bugok. Pero hindi ko siya ma-tiyempuhan. Sabi ni Madam, baka umuwi raw sa bahay nila.

The Ex ValueWhere stories live. Discover now