Chapter 9

261 19 11
                                    

Win

Hapon na naman.

Tatlong kompanya, lahat bokya. Shuta talaga oo.

Kung tinatanong mo kung nasan ako ngayon, nandito na naman ako sa kalye ng Maynila at naglalakad nang walang direksiyong pupuntahan.

Pagod na ako pero at the same time, ayaw ko namang umuwi agad. Kailangan ngayong araw na 'to, may mahanapan na akong trabaho. Ayoko namang umabot sa puntong mangungutang na ako sa kasama ko sa apartment. Pakshet, gigilitan ko leeg ko bago mangyare 'yon.

Sa kakalakad ko, nakarating na pala ako sa convenience store ni Sisa. Madali akong pumasok at sakto, nando'n nga siya at kasalukuyan niyang sinesermonan ang isa niyang empleyado.

"'Di ba sabi kong unahin niyong i-display 'yong mga malapit na mag-expire? Oo, lahat lahat," rinig kong lintaya niya.

"Baka naman magkasakit kaming mga bibili niyan," sabi ko at lumapit sa kanila.

Mabilis na lumingon si Sisa at agad bumusangot pagkakita niya sa mukha ko.

"Ganito talaga ang business, Winnie. Parang 'di ka naman business ad graduate," sermon niya sa 'kin. "At ano namang masamang hangin ang nagdala sa 'yo dito? May nahanap ka ng trabaho?"

"Wala pa nga eh. Hindi ko na alam kung sa'n pa ako pupuntang sunod," sagot ko.

"Dito ka na lang. I just fired my branch manager."

"Baka naman isang araw ko pa lang, sibakin mo rin ako."

"Well, depende sa performance mo."

Natawa ako. "Huwag na. Hanap na lang ulit ako bukas."

"Don't be stubborn. Ilang araw ka na ring naghahanap in vain. Dito ka na. Mataas naman ako magpasahod."

Saglit akong nag-isip.

Hindi naman masama ang convenience store ni Sisa. Mas malaki at mas malawak pa nga ito kumpara sa mga 7/11 stores. Maganda rin ang position ng store. Nakatayo ito sa mismong dinaraanan ng mga tao. May paaralan sa kanang kalsada, may gym dito sa tabi, at may hospital sa harap. Maraming tao ang nakapalibot kaya hindi 'to mauubusan ng customer.

Pero teka, hospital?

"A-anong ospital ulit 'yang na sa tapat?" tanong ko kay Sisa.

"Ramos hostpital."

"Ramos hospital?!" Pakshet. Okay na sana eh. Bakit naman katapat pa namin ang hostpital nina Bright.

"Ano naman ngayon? Huwag mong sabihing ayaw mo na dito dahil na sa harap natin ang working place ng ex mo? Punyeta, Win. Kapag sinabi kong dito ka, dito ka na." At nagalit na nga siya.

"Pero Sisa–"

"Walang pero pero. Uwi na, magpahinga ka ng maaga at bukas na bukas din, magreport ka na."

Mukhang wala na nga akong choice.

"Minda!" tawag ni Sisa sa isa niyang emplaydo. Mabilis naman itong lumapit sa 'min. "Kunin mo nga do'n 'yong uniform ng manager natin, 'yong bago ha. Bilis na. Huwag babagal-bagal."

Natatawa na lang ako kay Sisa. Kaya naman pala takot lahat ng empleyado niya sa kaniya.

Wala pang limang minuto ay nakabalik ma agad ang empleyadong si Minda.

"Ngayong nandito ka na rin, ipapakilala ko na sa 'yo ang bago niyong manager. Minda, meet Win de Guzman. Win, ito si Minda, my most trusted employee," pakilala sa 'min ni Sisa.

"Hello po, sir," bati sa 'kin ni Minda. Sinuri ko siya. Sa tantiya ko, kaedaran lang 'to ni Devin. Working student panigurado.

"Kamusta naman, Minda? Hindi ka naman ba minamaltrato dito?" biro ko.

The Ex ValueWhere stories live. Discover now