P R O L O G U E

86 9 0
                                        

Sa aming mundo na nababalot ng misteryo at mahika, maraming mga bagay ang hanggang ngayon ay isang tanong pa rin sa aking isipan kahit na kasama na ito sa aking kinamulatan.

Kamatayan, digmaan, kasakiman, at marami pang iba.

At isa na rin sa mga ito ay ang tungkol sa Tadhana.

Nakatadhana na nga ba talaga ang lahat?

...

Elementus. Isang maliit na bansa mula sa kontinenteng Alizar na ang "Element" nangangahulang elemento at "tus" na hinango sa pangalan ni Aribatus na isang maalamat na hari noong kapanahunan na naghahawak ng pitong makapangyarihang elemento ng kalikasan. Ang Tubig, Hangin, Lupa, Yelo, Apoy, Liwanag at Dilim.

Ang bansang Elementus ay kilala bilang isa sa mga tanyag at popular na bansa. Naging kilala ang bansang Elemetus dahil isa ito sa kontinenteng Alizar na may malalakas na panig na mga bansa na kinakatakutan ng nakararami. Marami ding mga mahuhusay na magic users na matatagpuan dito kaya hindi kataka-takang maraming nakakaalam sa bansang ito.

Bibihira lamang ang mga taong taga ibang bansa ang nakakapasok at nakakadayo sa bansang Elementus dahil sa napaka higpit na seguridad at pamamahala ng mga nakatataas na opisyal dito. Ipinagmamalaki ko ang bansang ito dahil dito ang aking bayang sinilangan, ito ang bansa ko!

May iba't ibang elemento ang mahika sa amin, na kung saan iba't ibang lugar din ang pinagmumulan base sa ginagamit na elemento ng mahika.

Water Users na nagmula sa lugar ng Salohan Elementus. Sila ang gumagamit ng kapangyarihan ng Tubig. Sila'y Kilala sa pagiging kalmado, tahimik, malinis ngunit sa likod nito'y may makamandag at mabilis na pag atake. Nakatitiyak na hindi mo magugustuhan ang paraan nila dahil mahirap silang basahin.
Sa kabilang banda, bukod sa katangian nila'y mayroon din silang pinagmamalaking pagawaan sa bansa na isinusuot na mga pandigma, pakikipaglaban o kaya mga kasuotang ginagamit sa anumang kaganapan.

Wind Users, sila naman ang mga nagmula sa Arbara Elementus na sa kung saan sila ang gumagamit ng kapangyarihan ng hangin. Hindi nakikita, ngunit nararamdaman. Asahan mo na ang natatanging taglay ng mga wind user dahil sila'y gumagamit ng kakaibang taglay na nagmula sa kalikasan. Ako'y nabibilang sa Lugar na ito kung kaya naman at ipinagmamalaki ko ito dahil bukod sa maraming mahuhusay na magic users sa amin, mayroon din kaming pinagmamalaking mga iba't ibang uri ng mga magic potions. Ang mga produkto namin ay patok na patok sa Elementus at gayon din sa ibang bansa.

Ice users, ang gumagamit ng kapangyarihan ng yelo. Nanggaling sila sa Ayorma Elementus na kung saan ay napapalibutan ng yelo ang kanilang lugar, tamang tama para sa mga tulad nila. bali-balita, kakaiba ang galing ng mga magic users doon dahil bukod sa paggamit Ng kaoangyarihang Yelo ay may nakasanayan na silang gawi na pagsasanay sa kanilang mga sarili sa paggamit ng iba't ibang uri ng armas dahil naniniwala silang ang tunay na lakas ay matatagpuan sa kung gaano ka kahusay sa paghawak ng sandata.

Earth Users na nanggaling sa Ihru Elementus. Sila naman ang gumagamit ng kapangyarihan ng lupa. Malalakas at Napakahusay nila pagdating sa pakikipaglaban ng harapan o pisikal at kilala din silang may kakayahang makipag-usap sa mga hayop.

Fire users, sila ang may kakayahang makagamit ng kapangyarihan ng apoy. Nagmula naman sila sa Eturma Elementus. Malalakas ang awra nila magagaling at sobrang lakas ng mga fire users at nakakatakot kung makikipaglaban ka isa sa mga users doon.

Dark Users... sila naman ang may kakayahang gumamit ng itim na mahika. Sila ay nagmula sa Halor Elementus ngunit tinatawag na ngayong Black Gantrick. May sarili silang mundo at batas sa lugar na iyon . Mapanganib at makapangyarihan ang mga users doon. Kinikilala sila bilang isang kalaban o kaaway sa buong Elementus dahil sa kasamaan at pagtatraydor nila sa lahat at sa pagtangkang pananakop nila sa buong lugar ng Elementus. Kilala sila sa kahusayan sa pagkontrol at pagmamanipula ng mga tao.

Kung sino man ang may kakayahang makagamit ng dalawa o pataas ng kapangyarihan ng Mahika (Water,Wind,Earth,Fire,Dark) ay sila naman ang mga taong kinikilalang may dugong bughaw, sila ang mga tinatawag na espesiyal na tao na nanggaling sa lugar ng Pawari Elementus. Sila 'yung uri ng mga taong may matataas na ranggo at lumaki sa respetadong pamilya. Kahit lumaki ka sa hirap ngunit kung ipinanganak kang may kakayahang gumamit ng dalawa o pataas ng mahika, ikaw ay maaaring manirahan sa Pawari at magkaroon ng pagkakataong yumaman at magkaroon ng pagkakakilanlan sa buhay. Sa lugar din na iyon ay doon matatagpuan ang palasyo ng reyna't hari. Sila ang opisyal na tagapangalaga ng bansang Elementus na nagpapadala ng kautusan sa mga nasa posisyon upang manungkulan. Sa lahat ng naninirahan doon hindi na kailangang sabihing sobrang malalakas sila at makapangyarihan dahil sa unang tingin palang, alam mo na ang lakas na taglay nila.

Dahil sa pitong uri ng elementong kapangyarihang kaya pinangalanang Elementus ang aming bansa. Bagay na bagay dahil sa mga pangunahing elementong mayroon kami mula sa kalikasan.

Sa mga lugar na nabanggit ay matatagpuan naman mula sa gitnang bahagi ang isang akademya.

Ang ELEMENTUS ACADEMY!

Ang Elementus Academy ay isang paaralan para sa lahat ng mga magic users sa bansang Elementus, makakapasok ka lang sa akademyang ito kung maiipasa mo ang test na gaganapin. bali-balita uunti lang ang mga nakakapasa sa test kada taon dahil nga sobrang mapanganib at mahirap ang test na ito. Maraming nasasawi at nababalitaang hindi na natagpuan pang muli dahil sa test na iyon.

Ako nga pala si Alohana Haley, isa akong Wind user at ako ay nagmula sa Arbara Elementus. Ulila nako sa magulang mula pa noong bata ako at ang tanging natitira nalang saakin ay ang kuya ko at sila tito't tita, pati narin ang pangit kong pinsan.

Bata palang ako ay pinangarap ko nang makapasok sa Elementus Academy. Lahat naman siguro dito na nasa edad ko ay gustong makapasok sa akademyang iyon.

Ang Elementus Academy kasi ay hindi lamang basta paaralan na kung saan ay pag-aaral lamang ang aatupagin ninyo, dahil sa paaralang ito tuturuan ka ring mag-ensayo gumamit ng iyong mahika at tuluyan itong palakasin
at hindi lang 'yon, kaya marami din ang gustong pumasok sa paaralang ito ay dahil pag once na nakapagtapos ka ay kilkilalanin ka na bilang isang Elementus Mage. Dito sa buong lugar ng Elementus kapag isa kanang Elementus Mage ay magkakaroon ka ng pagkakataon na makakuha ng hindi mga ordinaryong misyon na magmumula pa sa mga nakatataas. Sinasabing kapag tagumpay na natapos mo ang isang misyon ay mas tataas pa ang iyong pagkakakilanlan at kikita ka pa ng maraming salapi kaya ganon nalang din ang pagkakaroon ng interes ng iba na makapasok sa paaralang iyon at makapagtapos.

Kung ako ang tatanungin, wala naman akong interes doon sa salapi. Ang gusto ko lamang ang maging isang ganap na Elementus Mage!

Dito sa Arbara Bilang palang ang mga magic users na naging Elementus Mage at ang masaklap pa ay ang iba ay retired na. kasama rin doon ang aking ama.

Noong kapanahunan pa ng aking ama ay napakalakas at kilalang mahuhusay sila. Isa rin sila sa mga nakipaglaban noong nagkaroon ng makasaysayang digmaan sa buong elementus laban sa Black Gantrick. Isa ang aking ama sa kinilalang bayani ng buong Elementus dahil naipagtanggol nila at natalo ang Black gantrick noong tinangka nilang sakupin ang buong lugar ng Elementus.

Gustong gusto kong maging katulad ang aking ama na naging isang malakas at napakahusay na Elementus Mage, nais ko rin ipagtanggol ang lugar namin mula sa masasamang magic users upang maipagpatuloy ko ang landas na tinatahak ng aking ama.

Ako si Alohana Haley na balang araw ay magiging isa ring ganap na Elementus Mage, Isang NAPAKAHUSAY na Elementus Mage!

..........

ALOHANA (ON GOING)Stories to obsess over. Discover now