Chapter 9 : Kapag imbyernes...

Magsimula sa umpisa
                                    

Nang magmulat siya ay nagniningning ang mata niya. Para siyang lumagok ng sandamakmak na energy drinks at kinuha uli ang manuals at textbooks niya. Mag-aaral siya! 'Di bale nang sumargo sa dugo ang ilong niya o makakita siya ng kulay pula sa sariling mata! Hangga't may dugo siya, may pag-asa!

Lunch time. Papatayo pa lang si Anne sa sariling mesa para kumain nang tumunog ang intercom.

"To my office."

Napatitig siya sa telepono. Tatlong malalamig na salita lang ang binitawan ng CEO para sa kanya. Kaunti na lang, tunog-robot na!

At ano na naman kayang kailangan e tanghalian na?

Pagpasok niya sa opisina ni Hunter ay nasulyapan niya agad na may nakahandang pagkain sa mesa sa couch. Na naman.

"Samahan mo akong mag-lunch," simpleng sabi ng lalaki. Tumayo ito mula sa office table nito at naghubad ng coat. Isinampay nito ang hinubad sa swivel chair. Pagkatapos ay nagrorolyo ng manggas ng polo na lumipat sa dati nitong pwesto sa couch.

Tahimik siyang naupo rin sa harap ng pagkain at pinagmasdan ang lalaki.

Kunot ang noo nito. Madilim ang mukha. In short, halimaw mode.

Paghinga niya nang malalim ay sumuot sa ilong niya ang amoy ng masasarap na pagkain na nakaplastik pa. Mabilis na gumana ang kahirapan at P.G. mode ni Anne. Nakapapagod at nakagugutom kasi ang masaktan, maimbyerna at maubusan ng dugo kaaaral.

Tahimik nilang pinagtulungang alisin sa plastic containers ang mga pagkain. Nagpunta si Anne sa kusina at kumuha ng kubyertos, mangkok, platito, pinggan at ang leche flan ni Hunter. Pagbalik ay walang imik niyang inilapag ang mga dala sa mesa. Tig-isang set sila.

Tahimik din sila nang magsimulang kumain.

After two minutes, pakiramdam ni Anne ay dalawang dekada na ang itinanda niya. Nararamdaman niya ang pagrupok ng buto sa katawan, ang pangangalay ng panga at pagkapanis ng laway kahit na panay ang subo niya sa pagkain.

"Time first, Sir!" aniya sa lalaki na tumingin lang sa kanya. "Biyernes Santo ba? Anong meron? Bakit ang tahimik natin?"

Nagkibit-balikat ito.

"Matagal na akong tahimik. Ikaw ang may problema."

Kumunot ang noo niya at inirapan ito.

"Okay, check! Ako nga pala 'yong maingay dapat!" sabi niya rito at nag-isip ng sasabihin. "Bakit may pa-lunch ka na naman? Anong meron?"

"Dalhan mo 'ko uli ng leche flan bukas."

Tumaas ang kilay niya.

"Aru! Ikaw, Sir a! Gusto mo lang pala ng leche flan e 'di sana umorder ka na lang! Sa mahal nitong pagkain natin, sandamakmak na leche flan ang maibebenta ko sa'yo!" masiglang sabi niya.

Ngumiti lang ito nang matipid.

"O baka naman... ayaw mo lang aminin pero gusto mo 'kong kasabay kumain? Ayi! 'Yan tayo e! Kaka-level one pa lang, level two agad? Excited ka, Sir!"

Waley. Hindi pa rin niya mahuli ang totoong ngiti ng halimaw.

"Ang daldal mo," anito.

Pumalatak siya. Umiling-iling.

"Three words lang? 'Yon lang ang keri mong isukli sa energy ko? Aru! Kapos ka na naman sa Enervon!"

Waley.

"Oy..." Ngumiti siya at sumeryoso. "Anong problema?"

Napabuntonghininga ito at napatitig sa kanya. Matagal. Na feeling niya, baka nami-mesmerize na ito sa kagandahan niya kaya ikinurap-kurap niya ang mata at ipinilantik ang pilik nang mga five times!

Anne-Bisyosa (dela Merced #1) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon