Wattpad Original
Mayroong 10 pang mga libreng parte

Chapter 3 : And the winner is..!

34K 1.2K 310
                                    

***

Anne's outfit for her first day of work as Hunter's secretary: high heels, patterned stocking, pencil-cut skirt, and cream-colored blouse with a matching small scarf. Bago rin ang leather handbag na bitbit niya. At dahil pang-office girl ang suot niya (at makipot ang palda) ay hindi siya nagpahatid sa motor ng mga kuya niya. Sa halip, nakisabay siya sa kotse ng kapitbahay na tinambangan niyang paalis. Kaya naman, mas maaga nang isang oras siyang nakarating sa gusali ng mga dela Merced.

Ang first stop niya ay sa lumang opisina para —

"So, what I really want to say to you all, my fellow workers and employees was that I really enjoy and don't forget my experiences and bondings with every one of you. Even the experience with all of you are just one month, I was happy. Wish me luck and beauty to the upper-upper floors to stay." Maluha-luha si Anne habang isa-isang sinusuri ang mukha ng iilang nakikinig sa kanya.

Mukhang bangag pa ang mga ito mula sa party na dinaluhan ng nagdaang gabi. Pulos nakanganga kasi.

"Thank you very much my fellow workers," pagtatapos niya na sinamahan ng isang maluwang na ngiti.

Iyon ang signal na tapos na ang speech niya. Nakatanga ang bawat isa. Kumurap-kurap na parang ipinoproseso ang nangyari. Maaga pa kaya wala pa ang halos karamihan ng empleyado sa departamento nila. Maging ang tatlong kaibigan ay wala. Pero hindi siya nag-aalala. Kagabi pa lang ay nabanggit na niya kina Gina, Ada at Trina ang tungkol sa promotion niya.

Nagbulungan ang mga naroon bago nagtanong si Boss Waldo na umiinom ng kape. Payat ito, matangkad at laging puyat. Mainstay sa mukha nito ang nangingitim na eyebags.

"What's that for, again, Miss Reyes?"

"Thank you speech ko, Sir, bago ako umakyat sa bago kong trabaho," nakangiting sabi niya sa lalaki. Pinapilantik niya nang dalawang beses ang pilikmata.

"Anong bagong trabaho?" tanong pa nitong gusot ang mukha.

"Nakers," napapailing niyang sabi sa lalaki. "Ikaw, Sir a! Not giving attention to me. I promoted as Mr. CEO's secretary! Started today!"

Nagkatinginan uli ang mga naroon bago nagtawanan at napailing-iling.

"Paano mangyayari 'yon, Miss Reyes? If you would be promoted, I would be the first one to know. Because I am your boss!" nangingiting sabi ni Waldo.

"E, Sir, biglaan nga lang po kasi 'yong nangyari kagabi. Hindi ko rin 'yon in-expect. As in!" paliwanag niya.

Umiiling pa rin ito.

"Team, let's get back to work!" anunsyo nito sa mga kasamahan nila bago bumaling sa kanya, "Miss Reyes, magtrabaho ka na rin. I'll forget that something like this happened, tutal ay maaga ka namang pumasok ngayon."

Tinapik pa siya ng lalaki sa balikat bago siya iwan. Napailing din siya. Hindi niya masisisi ang mga ito kung hindi maniwala sa kanya. Siya man ay nabigla sa promotion niya. Pero, ano pa nga bang magagawa nila?

Today is the day she will work for Mr. CEO! Kaya naman, nang magbalik sa loob ng silid nila ng mga kaibigan, kinuha niya sa bag niya ang foldable box na dala at sinimulang ligpitin ang mga gamit niya. Pagkatapos, naglagay siya nang tig-iisang naka-plastic container na leche flan sa pwesto nina Ada, Gina at Trina. Farewell food niya iyon para sa mga ito dahil hindi na sila madalas na magkakasama. Naiiyak tuloy siya. Mami-miss niyang katrabaho ang tatlo. Sa iisang buwan niyang kasama ang mga ito ay nakatagpo siya ng tunay na pagkakaibigan. Aysus.

Pero hindi niya pwedeng palampasin ang swerteng dumating sa buhay niya. Kasi... this is it! This is really is it!

Nang mailigpit ang mga gamit ay taas-noo siyang lumabas ng opisina bitbit ang kahon at mabining tumango sa mga kasamahan na nakatingin. Pinapilantik niya nang isang beses ang pilikmata at ngumiti na punumpuno ng kumpiyansa.

Anne-Bisyosa (dela Merced #1) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon