Wattpad Original
Mayroong 11 pang mga libreng parte

Chapter 2 : Daig ng intrimitida ang masipag

46.5K 1.2K 225
                                    

***

"Alam mo 'yon, girl?! Grabe! I heard na kaya sinisante si Miss Donabelle ay dahil nagkarelasyon sila ni Sir Hunter," chika ng isang babaeng naka-black na cocktail dress sa katabi nitong naka-blue habang nasa harap ng salamin ng restroom. Nagre-reapply ng lipstick ang mga ito.

Nagkatinginan sina Anne, Ada at Gina sa narinig. Ang Donabelle na sinasabi ng mga ito ay malamang na ang bagong sisanteng sekretarya sa upper-upper floor. Nabalita iyon kanina bago sila maagang mag-uwian at maghanda sa nagaganap na anniversary party ng dM Financing International. Ang Sir Hunter na tinutukoy ay sigurado silang walang iba kundi ang halimaw na CEO.

Naghihintay silang tatlo sa pag-alis ng dalawang daldalera sa salamin. Magre-reapply din kasi sana sila ng kolorete sa mukha bago bumalik sa Party. Time check: 11:32 ng gabi. Labinlimang minuto na ang dalawa sa malaking salamin.

"Oh? Hindi nga? 'Yon ang dahilan kaya siya nasisante? Grabe talaga si Sir Hunter! 'Di ba, 'yong secretary niya rin dati na si Miss Jessie, naging fling din niya?" pakikidaldal ng babaeng naka-blue. "I heard, Miss Katkat, too. 'Yong nauna kay Miss Jessie."

Hindi kilala ni Anne ang mga bagong pangalang pinagdadaldalan ng mga ito. Hindi niya inabutan ang mga tinutukoy nang matanggap siya sa kumpanya.

"Oo. Alam ko rin 'yan. Chika na 'yan sa floor namin e."

"So ngayon, wala uli siyang secretary?"

"Yes! Mismo! Naku... sino na naman kaya ang matitikman ni Sir?"

Umangat ang kilay ni Anne dahil una, overstaying na ang fifteen minutes para sa retouch lang ng make-up. Ikalawa, may mali sa usapan ng dalawang babae. Kasi naman, hindi lang sa floor ng mga ito (kung saanmang floor sila galing) naka-broadcast ang balita ng pakikipag-fling daw ni Mr. CEO sa mga nagiging sekretarya. Balita sa buong building iyon. Nagkukunwari lang na walang alam ang lahat pero pasimpleng nag-uusap-usap at naggugrupo kapag may pagkakataon. At kung sakali naman na nagiging 'fling' nga ni Mr. CEO ang mga nagiging sekretarya nito, hindi ba wagi rin doon ang mga babae? Sa guwapong iyon ni Sir? Mata pa lang ang tumingin at hindi pa ngumingiti, ang lakas na mag-push ng romance?

"Tapos ang balita —"

"Teka! Teka lang po!" singit ni Ada sa kasunod na naman sanang arangkada ng daldal ng dalawang babae. "Invisible ba kami rito? Kanina pa kami nakatayo at naghihintay na matapos 'yang usapan at retouch n'yo. Restroom ito. Hindi dressing room."

Tumango sina Anne at Gina sa sinabi ng kaibigan. Malaki ang punto nito.

Gusot ang mukha ng dalawang babae nang lumingon at hagurin sila ng tingin. Bahagya naman silang tumayo nang patagilid para mas maayos na makita ng dalawa ang design ng cocktail gowns sa kurbada ng katawan nila.

"Pinapaalis n'yo ba kami rito?" maanghang na tanong ng naka-blue.

"Naku, hindi! Gusto lang naming mag-retouch din," una ni Anne na nakangiti. Nakita niya kasing umangat na ang sulok ng labi ni Gina, tanda na maaari na itong mangagat o magsuka. Marami na itong nainom na margarita.

Masama pa ring makatingin ang dalawang babae. Pero walang pakialam si Anne. Gold ang suot niyang gown at pasadyang tinahi para maging diyosa siya ng buwan sa gabing ito. Gold din ang high heels na suot niya. At higit sa lahat, bagsak ang buhok niya! Tumalab ang pagha-hot oil niya ng buhok gamit ang gata ng niyog ng kapitbahay. Kaya naman, mas kalmado siya kaysa sa karaniwang mga araw.

"Pasensiya na talaga, mga sis! Alam n'yo na, medyo nakainom na kasi 'tong mga sisters ko. Pero bongga ang mga chika n'yo, ha? Eye-opening," sabi niya at pinasayaw ang pilikmata.

Umirap ang dalawa at nagkalabitan bago lumayas sa salamin. Nag-angilan naman sina Ada at Gina. Kinuha ni Gina ang blush-on nito. Si Ada naman ay ang lipstick. At si Anne, siyempre, ang mascarra. Hindi pwedeng mabawasan ang kapangyarihan ng eyelashes niya.

Anne-Bisyosa (dela Merced #1) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon