"Just like what he did, binalik sa kaniya ng diyos iyon. He erased his existence."

Hindi ako nakakibo sa sinabi niya. Napalunok ako nang malalim.

Bakit gano'n? Bakit pati kami nadamay sa kasalanan na ginawa niya? Bakit kailangan mabura rin ang sa amin na nakakuha ng gift niya?

Pasimpleng humigpit ang pagkasasara ng kamao ko nang makaramdam ako ng kirot sa puso ko. Natuyo bigla ang lalamunan ko at bumaba ang tingin ko sa damuhan.

Narinig ko ang pagtawa ni Scarlet.

"It's just a legend though. Panakot lang sa mga batang Gifteds kapag ginamit nila sa kasamaan ang gift nila. I mean, you're the evidence. I know you, I know that you exist. Kahit hindi ka nga lang tumatanda," natatawa niyang sambit.

Mapait akong napangiti sa sinabi niya.

Wala akong binanggit sa kaniya tungkol sa nakaraan ko.

Na isa akong dugong bughaw.

Na nabura ang mga alaala sa akin ng lahat ng taong kilala ko.

"Hindi ko nga alam kung bakit pa sa akin napunta 'to. Wala akong kaalam-alam sa ganitong bagay," sagot ko.

Muling nagbago ang ekspresyon ko. Bumalik na naman sa alaala ko ang araw na napunta sa akin ang gift na 'to.

Unlike any other gifts, ang gift ko ay hindi namamana sa mga magulang. Bagkus ay napapasa ito.

Kahit hindi mo kilala o walang koneksyon sa'yo, maari mong malipat ang gift na ito. But only if... you're about to die.

Because this gift erases your existence, stops your time and prevents you from aging.

But in exchange, you have a full control in time...

Pero anong silbi ng pagbalik mo ng oras kung 'yong taong gusto mong balikan ay hindi ka na maalala?

"Uy! Helena! Nakikinig ka ba?" Rinig kong sambit ni Scarlet.

Natauhan ako sa sinabi niya. "A-Ah, sorry. Ano nga ulit 'yong sinasabi mo?" pagpapaulit ko.

Scarlet pouted before answering. "Hays, ang sabi ko, sumali ka sa isang Guild! Para kumita ka!" sambit niya.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Guild?"

Itinaas sa aking ng babaeng kaharap ko ang sleeve niya. Doon bumungad sa akin ang isang bow na tattoo.

"I'm a member of Huntsman, an open Guild," muling sambit ni Scarlet.

"Sa Guild makakuha ng mga trabaho ang mga Gifted na katulad natin."

Nawala ang malalim na iniisip ko sa sinabi niya—sa bagay na binanggit niya napunta ang atensyon ko. Wala akong ideya na mayroon pa lang mga Guilds.

"Pero balita ko ay nagkalabuan ang mga Guilds eh. Kaya nahati sila sa dalawa. Ang open Guilds at dark Guilds." Kaswal na binaba ni Scarlet ang sleeve niya.

"Anyways, after I finish my mission here, do you want to go with me? Tara na Helena!" pag-aaya niya sa akin. Hindi mawala ang ngiti niya sa labi at ang nakangiti niya ring mga mata.

Nagtama ang mga tingin namin at hindi kaagad ako nakasagot. Now that I see her completley, she's the total opposite of me.

She always smile with a cheerful voice. Even if it's already sunset, she's still bright in my eyes... like the sun—solar.

Kumurba ang labi ko sa isang ngiti. Wala akong dahilan para hindi sumama. Wala naman akong maiiwan sa bayan na ito.

Natagpuan ko na lang ang sarili kong tumatango.

"Nice! You should smile more! Para hindi ka lagi mukhang bata na inagawan ng candy," natatawang sambit ng babaeng kaharap ko.

Nanatili akong nakangiti habang pinapanood siya...

If you're the sun... then I'm the moon.

₪₪₪₪₪₪₪₪

Nang matapos ang mission ni Scarlet sa bayan na tinutuluyan ko ay sinama niya 'ko sa Gaelathe town where the Guild is. Hindi ko maitatangging napakaganda ng tanawin.

Scarlet took me to her Guild and the members welcomed me warmly. Walang bakas ng paghuhusga sa mga mukha nila. After a long time, ngayon na lang ulit ako nakaramdam ng ganito.

"Celebrate natin ang pagdating ng bagong myembro!" masayang sambit ng isa sa mga Gifted sa Guild.

Napuno ng kasiyahan ang araw na dumating ako. I felt happy too. Ayoko ng matapos 'to. Gugustuhin ko na lang na ganito palagi.

"Oh Scarlet! Malapit na kasal ah!" natatawang sambit ng isang myembro.

Nakuha ng sinabi niya ang atensyon ko. Nabigla ako sa narinig. Hindi ako makapaniwalang napatingin kay Scarlet.

"I-Ikakasal ka?" namamanghang tanong ko. Umangat ang dalawa kong kilay at namilog ang dalawa kong mga mata.

Kumurba sa isang ngiti ang labi ng babaeng kaharap ko bago niya ipakita sa akin ang daliri niyang may singsing. Namumula ang pisngi ni Scarlet, at ibang klase ng ngiti ang pinakita niya sa akin.

"Nakalimutan kong sabihin sa'yo. Sa susunod na linggo ay ikakasal na 'ko."

May lalong nadagdagan ang saya ko sa sinabi niya. Sobrang saya ko nang malaman na ikakasal na pala siya. Napakaswerte ng taong pakakasalan ni Scarlet. Walang katumbas ang kabaitan niya.

Nagpatuloy ang kasiyahan hanggang sa biglang napunta ang lahat ng atensyon ng mga tao sa Guild sa bagong dating. Kagaya nila ay napunta rin ang tingin ko sa pinto.

Parang bumagal ang oras at hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. His red hair was the first thing that caught my attention. My expression slowly softened, and my smile faded.

When he entered the door with a smile on his face, I suddenly saw a small boy entering the gate in the palace... waiting for me.

Unti-unting umawang ang bibig ko at napako ang tingin ko sa kaniya.

Bago ko pa mabanggit ang pangalan niya ay nabigla ako nang tumayo ang babaeng katabi ko at sinalubong siya ng yakap.

"Evan!"

The Forgotten Queen: The Cursed GiftedWhere stories live. Discover now