"Oo naman! Eto nga oh! Invitation hehe kaso, yung nanay wala"

Agad ko naman iyon kinuha at nagtaka sa huli niyang sinabi.

"Huh?"

"Wala na siya, habang pinapanganak niya si Lian hindi niya nakayanan" lungkot nitong sambit.

Naaawa ako sa bata dahil sanggol pa lamang ay wala ng inang umalaga sa kaniya.

"Awts, Paano siya? Kayo?"

"Simula nun, yung magulang niya ay hindi kami tinulungan, kahit magulang ko ay ganun rin kaya heto ako kayod na kayod para lang sa anak ko! Heto nga eh kakaipon ko lang kaya may pampabinyag ako"

Kahit na niloko niya ko noon ay mabait ito, Niloko niya lang naman ako dahil inakit siya ni Lia at siya naman nagpa-akit amp!

"Pano kapag nasa trabaho ka sino nag-aalaga?" I asked

"Kasama ko siya hehe, walang wala kasi eh"

Nakaramdam lalo ako ng awa.

"I can help! Habang nasa trabaho ka iwan mo sakin ang bata! Ako na ang bahala sa kaniya! Hindi naman ako medyo hirap ngayon dahil mataas namam ang sahod ko at I can work at home" Ngiting sambit ko.

"Naku wag na! Nakakahiya!" tanggi nito

"Luh gage! Dali na! Mahilig rin naman ako sa bata at marunong naman ako mag-alaga" ngusong sambit ko.

"Ah sige hehe, uhm bukas ba pwede na? Iiwan ko siya sa bahay mo"

"Oo! Okay lang rin if dun na kayo tumira! Katabi ng bahay ko ay kwarto haha weird ba? Dun kasi dati nakastay ang parents ko pero nasa ibang bansa na sila, wag kang mag-alala kahit magkano okay lang"

Kahit dito lang makatulog ako I want to help him.

"Ang dami na ng tulong mo pero sige, hayaan mo pag naka ipon ako eh aalis agad kami! Pero pwede ngayon na? Unti lang ang gamit namin"

Natawa naman ako dahil sa kaniya "Nako kahit wag na kayo umalis okay lang! May mga gamit na rin doon, siguro ang dalhin mo nalang eh mga importanteng gamit niyo"

"Salamat talaga gin! Yung mga gamit lang naman namin ay damit at mga lalagyanan ng gatas ganun" nahihiyang sambit niya

Balak ko ring mag mall bukas para makabili ng ibang gamit ni baby! Hehe.

Naglakad na kami at sa kasamaang palad ay inabutan kami ng malakas na ulan buti ay may payong si lui kaya hindi kami ganong basang basa hehe.

"Sorry ha, malapit na ang bahay namin kaya unti nalang haha"

Natawa naman ako dahil roon at kumapit sa kaniya ng mahigpit.

"Uy nababasa na ko gin!" angal nito

"Tange ako rin naman eh! Ang liit kasi ng payong!" Depensa ko

"Malay ko bang makakasalubong kita?"

"Hmp"

Wala na eh wala na kong masabi tae!

Ang tawanan namin ay naglaho ng may naaninag akong dalawang rebulto, mukhang masaya sila kagaya namin.

"Ano ba ken!"

"Hala sorry naman abby hahahaha"

"Huy sila na?" Bulong sakin ni Lui

"Oo tara na bilis"

Agad ko naman siyang hinila ng mabilis.

"Uy dahan-dahan lang!"

Naalala ko nga pala na siya ang may hawak ng payong at dahil sa ginawa ko ay medyo nabasa kami.

"Sorry naman" ngusong sambit ko

"Wag ka lang titingin sa kaniya okay?"

Agad naman akong tumango pero sa kasamaang palad ay nagtama ang aming paningin...

Tila bumagal ang lahat at parang kami lang ang naroon na nakatitig sa isa't-isa.

I smiled at him and he did it too...

Pareho kaming Nag-iwas ng tingin at tila parang walang nangyari at nagpanggap na hindi nakita ang isa't-isa...

End of Flashback Chapter 6

AS ALWAYS DON'T FORGET TO VOTE!

YOUR VOTE, COMMENT AND SHARE ARE HIGHLY APPRECIATED THANK YOU SO MUCH!

OUR MEMORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon