FINAL EPILOGUE

68.6K 975 111
                                    

A BIG THANKYOU TO ALL OF YOU! THANKYOU FOR VOTING, FOR COMMENTING, FOR SUPPORTING THIS STORY! THANKYOU FOR NOT BEING AFRAID OF TRYING A DIFFERENT STORY LIKE THIS ONE! THANKYOU SO MUCH!

This is dedicated to all of you! I know you laughed, cried, yelled at your phone/computer, and said profanities at some jerkish character while reading this. I am very glad you enjoy the story so much you actually develop emotions towards it!

Thankyou so much again and again. And, sorry for the typos. Hahaha.

Till next time, buddies!

May :)

* * *

E P I L O G U E


8 years later...

"Mommy si Alexis may sinusulot na naman!" Sumbong ni Alexa sakin habang nakasimangot ito sa tabi ko.

Tiningnan ko si Alexis at nakita kong ngumisi lamang ito.

"Naku, mom. Huwag kang maniwala  diyan! Ang mga babae, 'di na kailangang sulutin 'yan. Dahil kusa silang lumalapit sakin. Bakit? Kasalanan ko bang Greek God ako sa mga mata nila?" Alexis said and I heard Alexa gasped. Napabunghalit naman ako ng tawa dahil sa sinabi niya.

"Aba! Sumusobra ka na ha! Mommy pigilan mo ako baka masapak ko pa yang kakambal ko!" Nanggagalaiting sabi ni Alexa sakin tapos hinawakan niya ang braso ko.

"Alexis, 15 years old ka pa lang tapos ang dami dami mo ng pinapaiyak na babae. Alam mo, ang babae dapat pinapahalagahan 'yan. Hindi dapat pinapaiyak." Sabi ko habang inaarrange ang mga bulaklak na dala-dala namin. Nasa sementeryo kami ngayon, kasalukuyang dinadalaw ang dalawang taong pinakaimportante sa buhay ko. Si Jeff at si Myrtle.

Death anniversary kasi ni Myrtle ngayon at birthday naman ni Lily. Nong araw kasi na nagpakamatay si Myrtle ay yun din yung araw kung saan nag 2 years old si Lily. Masakit, pero kailangang tanggapin. Sabi nga ni Alex sakin, ang nakaraan ay dapat hindi na binabalikan.

"Mom, hindi ko naman sila pinaiyak eh. Sila ang kusang umiyak. Wala naman akong ginawa sa kanila. Pasalamat nga sila at pinatulan ko pa sila." Pagyayabang na sagot ni Alexis.

Napailing na lang ako at napaupo sa gilid ng libingan ni Myrtle. "Hali nga kayo dito. Tabihan niyo ako." Sabi ko sa kanila at sabay naman silang naglakad palapit sakin. Si Alexa nakasimangot at si Alexis naman ay nakangiti na para bang inaasar ang kapatid niya. Tapos sabay silang umupo sa tabi ko.

"Alam niyo, kayong dalawa, mahal na mahal ko kayo. Mahal na mahal namin kayo ng daddy niyo. Huwag na huwag niyong kakalimutan na kapag nasaktan kayo, ay masasaktan din kami. Magmahalan kayo. Magbigayan kayo. At higit sa lahat, huwag kayong mawalan ng respeto sa isa't isa gaya ng pagbibigay niyo ng respeto sa kapwa niyo. Dahil magkapatid kayo, at higit sa lahat, kambal kayo. Ang magkapatid ay hindi dapat nag-aagawan, magparaya kayo kung kailangan. Kung gusto niyo talaga ang isang bagay, paghirapan niyo para makuha niyo yun. Pero ito ang tandaan niyo, habang pinaghihirapan niyong makuha ang isang bagay na gusto niyo, dapat din kayong mag-ingat na wala kayong masasagasaang tao." Sabi ko sa kanilang dalawa habang pinipigilan kong lumabas ang luha sa mga mata ko.

Kailangan nilang malaman kung gaano sila kaimportante sakin. Dahil ayokong maulit ang nangyari sa amin ni Myrtle noon. Ayokong magkaganun din ang mga anak ko. Gagawin ko ang lahat mapanatili ko lang ang pagmamahalan nila sa isa't isa. Mamahalin ko sila ng sobra sobra. Dahil sila ang buhay ko. Sila ang lakas ko. At sila ang nagsisilbing liwanag sa buhay ko.

Ilang oras din kaming nanatili sa ganoong sitwasyon. Wala ni isang umimik sa amin. Nagpakiramdaman lang kami, hanggang sa may matanaw kaming isang tao na naglalakad patungo sa direksyon namin. Sabay sabay naman kaming tumayo upang salubungin siya.  Nakita kong kumaway siya sa amin.

Mistaken Pleasure SPG (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon