Perfect Pleasure-4

43.6K 578 41
                                    

        Nagtataka ka siguro kung bakit pangalan niyong dalawa ni Alex ang inilagay ko no?

        Pangalan niyong dalawa ang inilagay ko kasi alam kong sabay niyong babasahin 'tong sulat ko.

Mas lalo pa akong naiyak dahil sa nabasa ko. Nasa pangalawang pahina na ako ngayon at patuloy parin ako sa pag-iyak. Parang hindi na yata titigil ang luha ko. Sanay na yata ang mga mata ko sa kakaiyak.

Naiyak ako kasi hindi kami magkasama ni Alex ngayon. Naiyak ako kasi akala ni Myrtle na sabay naming babasahin ang sulat na iniwan niya. Naiyak ako kasi sobrang sakit na. Sobrang sakit na ng nararamdaman ko ngayon at nahihirapan na akong huminga.

Pero kahit masakit ay ipinagpatuloy ko parin ang pagbabasa.

        Matapos nung nangyari sa amin ni Jeff ay hindi ko na siya nakita pa. Tuluyan na siyang umalis at iniwan na niya ako. Hindi lang pala ako. Tuluyan ka na rin pala niyang iniwan dahil sa kabaliwan ko. Inakit ko siya noon pero hindi ko pala kayang panindigan ang naging desisyon ko.

        Nang umalis si Jeff ay sobrang nalungkot ako. Ewan ko ba twin. Hindi ko alam kung anong nangyayari sakin. Nawala na yata ako sa sarili ko. Hindi ko na alam kung ano ang ginagawa ko nung mga panahong yun. Sumasama na ako kay Clarine at nakikipag-inuman na ako sa kanya.

        Hanggang isang gabi. Pauwi na ako noon nang bigla kong makita ang katawan nila mommy at daddy sa daan. Minumulto na naman nila ako twin. Ginugulo na naman nila ako kasi sinaktan ko ang pinakamamahal nilang anak. Ang unfair naman yata nila twin! Bakit ikaw lang ang mahal nila? Anak din naman nila ako ah! Sana pala hindi nalang ako pinanganak. Sana pala hindi nalang tayo nagkamukha. Para hindi ko nararanasan ang ganito ka sakit na sitwasyon. Nasasaktan na ako twin. Nasasaktan na ako noon pa man.

        Dali-dali kong iniwasan ang duguang katawan nila at tumawid ako sa daan pero nagulat ako nang biglang may sasakyang parating sa kinatatayuan ko. Hindi na ako nakagalaw hanggang sa mabunggo ako. Nagdilim ang paningin ko at nakikita ko na ang sarili kong naliligo sa sarili kong dugo.

Nanlaki ang mga mata ko at napatakip ako sa bibig ko. God. Bakit hindi ko alam na naaksidente pala si Myrtle noon? Bakit niya inilihim sakin ang lahat ng 'to?

        Akala ko katapusan ko na nung mga panahong yun. Pero may isang taong tumulong sakin twin. May isang taong nag-alaga sakin nong mga panahong nasa ospital ako. Akala ko pagbabayaran ko na ang mga kasalanan ko sa empyerno. Pero akala ko lang pala. Hindi ako namatay kasi iniligtas niya ako twin. Iniligtas ako ng lalaking pinag-aagawan natin. Iniligtas ako ni Alex, twin. Siya ang taong nag-alaga sakin nong panahong hindi niyo man lamang ako hinanap.

Napalunok ako sa nabasa ko. "Sorry, Myrtle. Sorry kasi si Jeff ang nasa utak ko noon." Bulong ko sa sarili ko hoping na sana ay marinig ni Myrtle ang sinasabi ko.

        Tinulungan niya ako hanggang sa gumaling ako, twin. Umuwi ako sa bahay after 2 months kung naalala mo pa yun. Yung time na pinagalitan ako ni mommy at daddy slash tita and tito. Akala ko mag-aalala sila sakin eh. Akala ko tatanungin nila kung saan ako galing at yayakapin nila ako ng mahigpit kasi namiss nila ako pero hindi yun ang natanggap ko, twin. Alam mo naman siguro kung ano ang natanggap ko nung gabing umuwi ako diba? Nasa likuran ka ni mommy at daddy noon. Nakatingin ka lang sakin nun. At alam kong kitang kita mo kung paano ako sinampal ni daddy. Tapos sinundan pa iyon ng sampal ni mommy.

        Dalawang sampal ang natamo ko nong gabing yun, twin. Dalawang masasakit na sampal. Okay lang naman sakin na sampalin nila ako e kung masama ang ginawa ko sa loob ng dalawang buwang nawala ako. Pero damn twin! Damn! Malapit na akong mamatay sa loob ng dalawang buwan na yun! Ni hindi niyo man lamang ako hinanap. Ni hindi niyo man lamang tinanong kung saan ako galing! Sana tinanong niyo man lamang ako, twin. Sana tinanong niyo man lamang kung ano ang nangyari sakin bago niyo ako husgahan at saktan! Tao lang din ako, twin! NASASAKTAN DIN AKO! AT PARA SA KAALAMAN MO, MATAGAL NA AKONG NASASAKTAN!

Mistaken Pleasure SPG (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon