Mistaken Pleasure-4

91.3K 1K 190
                                    

Myrtle's POV:

Flashback

6 years ago..

 

I was so fucked up nang pumunta ako sa acquaintance party namin. Nalaman kong minahal na talaga ni Jeff ang kakambal ko. Hindi ko mapigilan ang emosyong bumabalot sa buong pagkatao ko nang makita kong isinayaw ni Jeff si Amanda. Ang sakit sa puso at ang bigat sa pakiramdam. Alam kong kasalanan ko kung bakit napunta si Jeff kay Amanda, pero pinagsisihan ko na yon. 

 

Boyfriend ko si Jeff pero itinago namin ang relasyon namin. Kasi ayaw kong malaman ng parents ko na pumapasok na ako sa isang relationship kahit ang bata bata ko pa. Akala ko naiintindihan ni Jeff yon. Pero isang araw ay bigla nyang sinabi sa mga kaibigan nya na girlfriend nya ako. Natakot ako na baka malaman ng parents ko kaya sinumbatan ko siya. Pero laking gulat ko nang umiyak siya sa harapan ko at sinabi nyang hindi na nya kaya. Wala akong nagawa kundi ang hiwalayan siya. Masakit man para sakin yon pero kinaya ko. Ayaw kong mapahiya ang parents namin ni Amanda sa mga ginagawa ko.

 

Ilang months ang lumipas ay biglang may rumors na kumalat sa school. Nagulat ako nang malaman ko na si Jeff ay nililigawan ang kakambal ko. Para akong pinatay dahil sa sakit ng nararamdaman ko. Okay lang naman sakin na may ligawan siya eh. Pero hwag naman sa kakamabal ko. Kamukha ko yon eh at magkapatid kami.

 

Wala akong nagawa hanggang sa sagutin siya ni Amanda. Feeling ko pinagbagsakan ako ng langit at lupa sa nalaman ko. Amanda and Jeff are in a relationship. Shit! Kasalanan ko ito eh. Kung hindi sana ako natakot sa parents ko at kung pinaglaban ko lang sana si Jeff ay may pag-asa sana na kami pa hanggang ngayon. Pero huli na eh. Huling huli na. Minahal na nya ang kakambal ko. At hindi ko din masisisi si Amanda dahil hindi ko din naman sinabi sa kanya na naging kami ni Jeff noon. 

 

Nakaupo lang ako ngayon sa isang magarang silya habang tinitingnan ko ang lalaking pinakamamahal ko, kasayaw ang kakambal ko. This is bullshit! Hindi ko na napigilan ang emosyon ko at lumabas ang masasaganang luha sa mga mata ko. Ako sana ang kasayaw ni Jeff ngayon at ako rin sana ang pinakamasayang babae sa buong mundo. Pinahid ko ang luha ko nang biglang may tumapik sa balikat ko.Napalingon ako.

 

Tinaasan ko ng kilay ang babaeng tumapik sakin. "Close ba tayo? Umalis ka nga!" Sabi ko sa kanya sabay irap. 

 

Si Clarine ang tumapik sa balikat ko. Ang ex-bestfriend ko. Ang traydor kasi. Plastic at ang haliparot pa. Nakakaloka. Well known siya sa school. Yun nga lang, isa siyang nerd bitch.

 

"Ang mean mo parin Myrtle. Kung hindi ka naman kasi duwag, edi sana sayo parin si Jeff!" Napatingin ako sa kanya at ginamitan ko siya ng nakakapatay na tingin.

 

"Hindi ako duwag! Ginawa ko lang ang alam kong tama!" Mahina pero inis na inis kong sagot sa kanya.

 

She smirked at tiningnan nya si Amanda and Jeff habang nagsasayaw sa gitna. 

 

"Tama ba kamo? Saang banda? Tama bang igive up mo ang lalaking mahal mo para sa kapatid slash kakambal mo?" Napaisip ako sa sinabi nya. "Stupid, Myrtle. Stupid!" She added. 

Mistaken Pleasure SPG (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon