Perfect Pleasure-4.5

42.6K 580 28
                                    

Nanginginig ang kamay ko habang pinupulot ang papel na nahulog sa sahig.

Hindi ko maexplain kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Ewan ko. Bombarded na masyado ang utak ko dahil sa mga impormasyong nasagap ko. Kaba, takot, pag-aalala, sakit, at kung ano-ano pa.

Pero kahit sobrang nasaktan at nawindang ako sa mga impormasyong nalaman ko ay napagdesisyunan kong ipagpatuloy ang pagbabasa. Nasa huling pahina na ako. Ngayon pa ba ako susuko?

Kailangan kong malaman ang lahat tungkol sa nangyare noong nawala ako. Kailangan kong malaman ang lahat.

Sana pala hindi ako umalis noon. Sana pala hindi ko tinalikuran ang nakaraan. Sana hindi na lang ako pumunta sa Korea. At sana hindi na lang ako natakot noon. Nandito pa sana si Jeff ngayon.

        Pagkatapos kong gawin yun ay nagsisi ako, twin. Sising-sisi ako sa ginawa ko. Pagkatapos kong patayin ang controller ng makina ay dali-dali ko naman itong pinaandar ulit. Nataranta ako nang biglang may tumunog at wala pang ilang minuto ay may mga nurse na pumasok sa kwarto ni Jeff kasama na doon ang doctor. Pinalabas nila ako at  nang makalabas na ako sa kwarto ay biglang tumulo ang masasaganang luha sa mga mata ko.

        At doon ko lang napagtanto ang lahat ng ginawa ko. Gusto kong pumasok sa loob pero hindi nila ako pinayagan. Nataranta ako at hindi ko na alam ang gagawin ko. Natatakot ako, twin. Takot na takot ako sa panahong yun.

        Hanggang sa lumabas ang doctor at sabihing patay na si Jeff. Bigla na lang daw tumigil ang pagtibok ng puso nito. Ang sabi ng doctor ay hindi na daw nakayanan ng pasyente, pero ang totoo ay pinatay ko ang makina, twin. Ako. Ako ang dahilan kung bakit siya namatay.

        Sorry kasi pinatay ko si Jeff. Minsan naisip ko, paano kaya kung hindi ko pinatay ang controller nung gabing yun? Nabuhay kaya siya? Pero nangyare na ang lahat, twin. Hindi ko na maibabalik pa ang nakaraan.

        Makalipas ang tatlong araw simula nong mamatay si Jeff ay ineschedule naman ang eye operation ni Alex. Hindi niya alam na si Jeff ang donor niya. Hindi namin ipinaalam kasi baka hindi niya tanggapin ang mga matang ibinigay ni Jeff sa kanya. Baka sisihin pa niya ang sarili niya.

        Akala ko magiging masaya na kaming dalawa ni Alex kapag tapos na ang operation niya. Pero akala ko lang pala. Laking gulat ko kasi nalaman kong bumalik ang ala-ala niya matapos ang eye operation niya.

        Hindi na naman niya ako mahal, twin. Ikaw na naman ang hinahanap niya. Ang sakit, twin. Sobrang sakit.

        Makalipas ang isang buwan ay medyo magaling na si Alex, though hindi pa rin siya nakakalakad. Inaalalayan ko siya palagi pero hindi niya man lamang ako pinapansin. Nagpaalila ako sa pamilya niya pero hindi man lamang niya napansin ang effort ko.

        Sobra akong nasaktan, twin. Nung mga panahong yun, naisip ko na sana... sana hindi ko nalang pinatay ang controller ng makina na siyang nagpapatibok ng puso ni Jeff. Sana hindi na lang nakakita ulit si Alex, edi sana hindi bumalik ang ala-ala niya. Sana ako parin ang mahal niya. Pero kahit anong gawin ko ay hanggang 'sana' nalang ako, twin. Hindi ko na pwedeng ibalik ang dati.

        Hanggang sa dumating ang araw kung saan bigla akong kinausap ni Alex. Akala ko sasabihin niyang mahal na niya ulit ako. Pero again, akala ko lang pala. Sasaya narin lang ako, sa maling akala pa.

        Nagulat ako nang hilingin niyang huwag na daw akong magpakita sa kanya. Huwag ko na daw siyang kausapin. At huwag na huwag ko na daw siyang aalagaan pa. Dahil ayaw daw niyang nakikitang nasasaktan ako. Pero hindi niya man lamang naisip na matagal na akong nasasaktan. At sa pagkakataong iyon ay sobra sobra niya akong nasaktan. Kaya sinabi ko sa kanya na hindi ko kaya. Hindi ko kayang iwan siya. Hindi ko kayang mabuhay ng wala siya. Pero alam mo ba kung ano ang sinabi niya sakin, twin? Sabi niya hindi niya gustong nakikita ako araw-araw kasi baka mapagkamalan niya daw ako. Baka pagkamalan niya daw akong ikaw, twin. Ang sakit eh. Sobrang sakit.

Mistaken Pleasure SPG (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon