KME 153

659 23 13
                                    

I kissed her forehead pagpasok ko sa bahay nila. She was wearing a big smile when Ressie opened the door.

"Sabi ko kay Ressie, ako na magbubukas ng pinto pero ang kulit niya. Siya na daw," naiinis na sabi niya sa akin.

Pinatong ko ang mga pagkain na dala ko sa table at tumabi agad ako sa kanya.

"Okay lang 'yon, tinulungan ka lang naman niya ah," sabi ko at ngumiti.

"Pero, gusto ko pagbuksan man lang ang magiging asawa ko. Paano ko naman magagampanan iyon kung simpleng pagbukas lang ng pinto, hindi ko magawa?" pagmamaktol pa niya.

"You can still be a wife, bebi. Maraming bagay pa ang kaya mong gawin. Okay? Don't pity yourself," sagot ko naman sa kanya.

"Do you really believe I can be a wife to you? Iniisip ko pa lang, pinanghihinaan na ko," tumungo siya pagkatapos sabihin iyon.

Ngumiti ako sa kanya at kinuha ko ang shawarma at juice na nasa table. Binigay ko iyon sa kanya bago sumagot.

"Bakit ka ba nag-yes sa proposal ko? Wala lang? Trip mo lang?" sabi ko pagkatapos ay kumagat sa shawarma na hawak ko.

"I said yes dahil mahal kita. Iyon naman talaga 'yon di ba?" sabi niya.

Ngumiti ako. Iyon din naman kasi ang sagot ko. Mahal na mahal ko si Abbie na kaya kong samahan siya sa hirap na dadanasin niya sa buhay.

"Oh, iyon naman pala eh. You said yes because you love me. And I love you too, that's the answer," sagot ko at uminom naman ng juice.

"What if I can't give birth to a child?" she asked me and then I smiled.

"I already searched about it,  women with Cerebral Palsy can give birth. Mild lang naman saa'yo, so pwede ka. Ang hindi lang yata pwede ay yung mga severe cases."

"You searched about it? When?" nagtatakang tanong niya.

"Noong una palang tayo magkakilala, sinabi ko sa iyo noon na may different cases di ba? Hanggang sa napunta na ako doon sa topic na iyon sa Google kaya nalaman ko," sabi ko sabay ngiti.

"Talaga? Hindi ba bago ka magpo-propose sa akin?" naniniguradong tanong niya.

"Nope. When we broke up for a week, doon ko na-realize na kailangan kita at mahal kita. Hindi ako makatulog kasi alam kong hindi ka na sa akin," sabi niya.

"Hindi ako makakaluto, paano tayo kakain?" she asked.

"Hindi rin ako marunong eh, paano iyon? Naku, patay! Puro fast food tayo niyan," sabi ko sabay tawa.

"Ano nga? Hindi naman nakikipagbiruan eh. Kailangan pinag-uusapan na natin ito kasi papakasalan mo na ako," asar ang mukha niya noong sinabi niya iyon.

"Bebi, we can hire someone to take care of those things," sabi ko at hinawakan ang kamay niya.

"But I want to be a wife to you. Gusto kitang paglutuan ng masarap na ulam. Gusto kong busugin kita ng mga matututunan kong lutuin," malungkot na sabi niya.

"You can be a wife by making me happy. I don't care if you can't cook. Pagkain lang iyon, your love for me is more important."

"But-"

"No, I'm not an engineer for nothing. We can always solve problems, bebi. Don't make me feel na marami ka pang rason para hindi ituloy ang kasal natin. You already said yes."

"O-okay, I love you, Engr. Micolo Randler Paez."

"I love you too, Mrs. Abbiera Monique Maniago Paez."




Kiss Me, Engineer (TES #3) CompletedWhere stories live. Discover now