KME 110

762 25 3
                                    

Binisita ko ngayon si Abbie. Ilang araw din kasi akong busy sa work kaya need ko siya puntahan para mawala ang pagod ko kahit papaano. I like to see her smile everytime I go here. Iyon ang nagbibigay sa akin ng lakas to go to work.

"Bebi, pasensya ka na kung ngayon lang ako nakapunta dito ah? Busy po ako sa work, e." Nilapag ko ang mga pagkain na dala ko para sa kanya.

"Okay lang, ano ka ba? As long as you give me time, okay naman ako lagi eh." Ngumiti siya sa akin.

Kumain muna kami, pagkatapos noon ay naghugas na ko ng plato. Wala naman kaming ibang gagawin kundi manuod at kumain. As long as I'm with her, okay naman ako.

Ilang minuto pa ay may dumating na delivery man sa tapat ng bahay nila Abbie, dahil wala naman ang mommy at kapatid niyang si Ressie ay ako na ang nagbukas ng pinto para sa kanya.

"For Miss Abbiera Maniago po?" sabi nung delivery man sa aki. Nagulat na lang ako na bulaklak ang diniliver para sa kay Abbie. Kahit nagtataka ako ay tinanggap ko pa rin naman iyon.

I signed the form then he said thanks at umalis na rin siya. Kahit na inis ako dahil bulaklak iyon, dinala ko pa rin sa living room iyon at binigay kay Abbie.

"Ang sweet naman ng bebi ko ah, first time mo ko binigyan niyan ha?" bungad niya sa akin.

"Bebi, sorry pero hindi galing sa akin 'yan. May nag-deliver lang kanina. Hindi mo ba naring?" may inis n sa boses ko dahil nagse-selos na ko sa kung sino man ang nagpadala nito.

"Ah, baka galing lang sa fan. Hayaan mo na, ilagay mo na lang dyan sa table. " Kita kong nag-iba ang mukha niya, hindi na siya masaya.

"Kanino naman 'yon galing?" Napatanong tuloy ako dahil sa selos.

"Hindi ko kilala, alamin ko na lang mamaya. For sure, galing naman 'yan sa fan." Nagpatuloy na siyang manuod sa Netflix

I didn't push too hard kasi may tiwala naman ako sa kanya. Pagdating ng hapon ay sabay kaming nag-ayos ng mga ginagawa namin. Ako, sa work sa company then siya naman ay busy sa pagsusulat niya. At least, nagawa namin lahat nang magkasama. Okay na 'yon sa akin, ang imortante ay kita ko siya at nahahawakan.


Kiss Me, Engineer (TES #3) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon