KME 90

826 33 10
                                    

Ilang araw na akong nag-iisip. Kamusta na kaya siya? Naaalala pa rin ba niya ako? Hinahanap pa rin ba niya ako? Naalala ko tuloy yung una naming mga buwan, hindi ako open sa kanya dahil takot akong ibigay lahat sa kanya.

Ako kasi yung lalaki na gusto ko ay siya na ang babae na mamahalin ko hanggang dulo. Ayaw ko nang papalit-palit dahil naniniwala ako na kung sino ang una mo, siya na rin dapat ang huli. Kung papalit-palit kasi, bigay ka nang bigay sa tao at lagi kang nauubos.

Eh kung sa isang tao lang, doon ka lang mauubos. Pwede kang mapagod pero siya pa rin ang pipiliin mo kahit anong mangyari. And with Abbie, naramdaman ko na rin iyon. Alam kong marami siyang ex-boyfriends, pero siya ang gusto kong piliin lagi. Wala akong pakialam sa nakaraan niya, wala naman ako doon eh. Kung ano ang meron ngayon, iyon ang dapat hawakan at pangalagaan.

"Please? Sabihin mo na kay Abbie na kailangan ko siyang makausap." Pagmamakaawa ko kay Amira.

"Hindi nga pwede Micolo, ayaw niya ngang makipag-usap pa. Bigyan mo muna ng oras ang kaibigan ko. Hindi ka rin niya naman matitiis. Alam mo naman 'yan."

Hindi niya ako matitiis pero ilang linggo na akong blocked sa kanya? Hindi pa ba pagtitiis ang tawag niya doon? Ganun na ba ako kasama para hindi niya ako pansinin ng ganito katagal?

"Please, try mo lang paki-usapan si Abbie. Kung ayaw niya na talaga, titigilan ko na siya. Basta, last na try na. Thank you, Amira!" lumuhod na ako sa harapan niya habang hawak-hawak ang kamay ni Amira.

Inis na kinuha niya ang kanyang cellphone at nag-dial. Sa wakas ay naawa rin siya at bumigay. Sana talaga eh payagan na ako ni Abbie na makausap siya.

"Beshy, magbati na kayo please? Lumuluhod na sa harapan ko 'tong si Micolo. Hindi naman bato ang puso ko para hindi maramdaman ang sakit ano," sabi ni Amira sa naaawa na boses.

"Susunduin kita dyan, mag-usap na kayo para matapos na 'to."

Agad akong tumayo at kinuha ang cellphone ni Amira sa kanya, excited akong nagsalita.

"Hello. Sorry na, bebi. Alam kong nawala sa utak ko na kailangan ko rin pa lang magpaka-boyfriend sayo. Please bebi ko, babawi talaga ako sa iyo. Pagbigyan mo ko, kahit ngayon lang."

"Oo, pupunta na dito si Dane at mag-uusap na tayo. Pakibigay na sa kanya phone. Thank you."

Kahit narinig ko na ang matamis niyang boses, may lamig pa rin doon. Parang napilitan lang siya dahil makulit ako at wala talaga siyang balak na gawin iyon kung hindi pa ako nagmakaawa. Ganoon ba katigas ang puso ni Abbie? Bakit hindi ko alam?

"Sige, thank you. Hihintayin kita dito ah." May sigla na pero malungkot kong sagot. Umupo na ako sa sofa at kinalma ko na ang aking sarili. 

Ang importante naman ay makikipag-usap na siya sa akin. Kahit ganoon kalamig ang boses niya, alam ko kung paano palalambutin ang puso niya. The fact that she wants to talk to me, ibigsabihin noon eh may pagkakataon akong ayusin ang lahat. Abbie won't leave me, hindi ganoon ang bebi ko.

Kiss Me, Engineer (TES #3) CompletedWhere stories live. Discover now