"Mahirap nga", makahulugang saad ng kaibigan ni Alyssa habang nakatitig sa kaniya. Dahil doon ay napalingon ang babae.
"Bakit? Ano bang alam mo rito? Hindi ka pa nga nagkaka girlfriend. Dami mong sinasabi wala ka pa namang jowa", pagbibiro ni Alyssa.
Tila natauhan naman ang kaibigan niya at umiwas ng tingin. "Ganon talaga, coaches don't play", tawa pa nito.
"Ewan ko sayo", napangiti si Alyssa sa sinabi ng lalaki. "Hays, salamat seb ha? Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala".
Ngumiti yung lalaki. Pinunasan nya ang luha ni Alyssa. "Lagi lang naman akong nandito para sayo eh".
Natulala si Alyssa sa sinabi at ginawa ng kaibigan nya. Maging ang lalaki ay nabigla sa sarili nya.
"Ah- T-teka seb.. M-may tumatawag sakin", utal na sabi ng lalaki.
"Ha? Wala namang nagr ring ah?".
"A-ano.. N-nagvavibrate yung phone ko. Sagutin ko lang toh ah", sabi nya at dali daling umalis.
Tatayo na sana ako pero may humawak sakin. Etong mokong lang pala.
Nilakihan nya ko ng mata na parang tinatanong kung san ako pupunta. Sinenyasan ko naman sya na susundan ko ang lalaki at tignan nya si Alyssa.
Kahit pinigilan nya ako ay sinundan ko parin ang lalaki. Nakita kong nagtungo sya sa isang eskinita at nakasandal sa pader dito.
Pinaypayan ko ang sarili. Whoo! Alam kong iisipin nyang weird ako pero gora na toh!
"Gusto mo sya noh?", sabi ko at tumabi sa kanya.
Mukhang nagulat sya sa sinabi ko. Kahit naman siguro ako?
Napatingin at napausog sya.
"Gusto mo si Alyssa, diba?", pag uulit ko.
Nanlaki ang mga mata nya.
"Sorry, hindi ko sinasadyang marinig.. By the way, Chuchay", sabi ko at inilahad ang kamay.
Nag dalawang isip pa sya pero buti na lang at kinamayan nya rin ako. "Javy".
"Yung boyfriend nya, si Bobby, regular costumer namin yun. May flower shop kasi ako. Iba yung bulaklak na binibigay nya kay Alyssa, sa bulaklak na lagi nyang kinukuha samin", sabi ko naman.
Mukhang nabigla sya sa sunabi ko. "A-ano? Teka nga, bat mo ba sinasabi sakin toh?".
"Kasi gusto mo si Alyssa at ikaw ang lalaking para sa kanya".
Napangisi sya. "Pano ka naman nakasigurado?".
Buti na lang at napigilan ko ng sarili kong magsalita kung hindi baka kung ano na naman ang nasabi ko.
"Best friend ko si Alyssa simula High School. Nagkakilala kami sa Disco booth. Yung tropa nya, tropa din ng tropa ko. Tas ayon nagkayayaan sumayaw hanggang sa kaming dalawa na lang yung natirang walang kapartner. Unang beses ko palang syang nakita, tinamaan na ako. Pero sobrang torpe ko. Hindi ko kayang sabihin yun sa kanya. Alam ko din naman kasing nakikita nya lang ako as best friend, as kuya. Natatakot akong baka pag umamin ako, tuluyan na kong mawalan ng papel sa buhay nya", sabi nya.
YOU ARE READING
Green String
Fantasy"Minsan naisip ko, sana naging normal na lang din ako. Sana hindi ko na lang nakita yung berdeng sinulid dyan sa daliri mo. Edi sana hindi naging ganito kasakit. Kasi alam kong una palang, hindi na 'ko sayo lalapit", nakangiti kong sabi habang nakat...
3rd String
Start from the beginning
