Naglalakad ako papunta sa grocery. Naubusan na kasi ako ng stocks sa bahay. Iniwan ko muna ang shop sa mga tauhan ko don.
Matapos kong mabayaran ang lahat ng mga pinagbibibili ko, agad akong nagtungo sa parking lot. Naisakay ko na ang mga groceries ko sa kotse nang may marinig akong mga hikbi.
Huminto ako sa paggawa ng kung ano mang ingay para marinig ng maayos ang tunog na naririnig ko. Para itong batang umiiyak.
Hinanap ko kung san nanggagaling ang tunog hanggang sa makita ko ang isang batang nakaupo sa may gutter. Yakap yakap nya ang kanyang mga tuhod habang nakayukong umiiyak.
Patuloy lang sya sa pag iyak at paghagulgol. Umisip ako ng paraan kung paano sya patatahanin. Mabuti na lang ay may lollipop ako rito sa bulsa.
Tumikhim muna ako bago tumabi sa kinauupuan nya.
"Gusto mo ng lollipop?", tanong ko sabay abot ng hawak kong lollipop.
Tumingin lang sya sakin at bumalik sa pagkakayuko. Mugto na ang mga mata nya at pulang pula na rin ang ilong.
"Mmm.. Pwede ko bang malaman kung bakit umiiyak ang isang napaka cute na bata?", tanong ko.
Pinunasan nya ang luha nya gamit ang damit na suot nya.
"Sabi nina mama wag daw akong kakausap ng mga taong hindi ko kilala", sisinghot singhot nyang sabi.
"Ganon ba?", sabi ko. "Ako si Chuchay-- Ah, Mona Freya Patrice dela Torre, Chuchay for short".
Napatingin sya sakin. "Freya ang pangalan mo?".
"Oum.. Second name ko. Ang haba nga ng pangalan ko eh", bungisngis ko.
"Freya din ang name ko!", sabi naman nya.
"Talaga?", nakangiti kong sabi. "Tukayo pala kita eh".
"Tukayo?".
"Oum.. Kapareho ng name".
"Ahh.. So ikaw si Ate Freya. Ako si baby Freya".
"Hmm.. Sige na nga", sabi ko naman. Humagikgik kami pareho.
"Ayan, buti naman naka smile ka na. Pangit sa bata ang palaging umiiyak", sabi ko sa kanya.
She reminds me of the young Chuchay. Yung Chuchay na umiiyak sa gilid kapag binubully ng mga kaklase nya. Tapos pareho pa kami ng pangalan. Kaya siguro ang gaan ng loob ko sa kanya.
"Si mama at papa kasi, nag aaway na naman", sabi nya.
"Lagi ba silang nag aaway?", tanong ko.
Tumango sya ng dalawang beses. "Maraming beses na rin silang nagsasabi na maghihiwalay na sila. Buti na nga lang po hindi natutuloy eh".
"Ate Freya, natatakot akong maghiwalay sina mama at papa. Ayokong mawalan ng mama at papa", she sobbed.
"Hindi ka naman mawawalan ng mama at papa eh. Kung maghihiwalay man sila, mama at papa mo parin sila. Walang makakapagbago don".
"Pero hindi ko na sila kasama sa bahay. Ayoko pong mangyari yon", she said. "Ate Freya, please tulungan mo po akong mapagbati sina mama. Ayoko silang maghiwalay".
Napakamot ako sa batok ko. Pano ko naman tutulungan ang batang toh sa problema nya?
"Ayan na sina mama", sabi nya sabay turo sa dalawang paparating.
Mukhang nasa mid-thirties pa ang edad nila pareho. Malayo pa lang ay rinig na rinig na namin ang ngitngitan nilang dalawa. Mukhang iritable sila parehas sa isa't isa.
YOU ARE READING
Green String
Fantasy"Minsan naisip ko, sana naging normal na lang din ako. Sana hindi ko na lang nakita yung berdeng sinulid dyan sa daliri mo. Edi sana hindi naging ganito kasakit. Kasi alam kong una palang, hindi na 'ko sayo lalapit", nakangiti kong sabi habang nakat...
