8th String

8 1 0
                                        

"Oh ano, nasakay na ba lahat ng gamit?", tanong ko.

"Yes, maam!", sagot naman nila.

Ngayon ang alis namin papuntang Caniofle Island. Doon namin napagdesisyonang magbakasyon for 5 days.

2 vans ang nirentahan namin para sa bakasyon namin. 25 kaming lahat kaya 12 sa unang van at 13 sa pangalawang van.

Si Khalil ang driver sa isang van kung saan kami nakasakay nina Sammie, Paolo, Jea, Julius, Leith, Waldron, Beatriz, Dyan, Laylanie at Richmond.

Habang sa isang van naman sina Anjo
Bianca, Casper, Daine, Elias, Frainy, Estephanie, Gelvis, Hermaine, Icell, Jeris, Tuleshzka at Uriel.

"Oh sige, halikayo, magpray muna tayo", sabi ko.

Nanalangin muna kami para humingi ng gabay sa byahe namin ngayong madaling araw.

4am palang nagkita kita na kami sa shop. 5 hours kasi ang byahe at 10 am ang check in namin sa resort.

"Oh ano, tara na?", tanong ni Khalil.

Tumango na kami at nagsipasok sa van. Kami ang nauuna habang nakasunod samin sa likod ang isa pang van na minamaneho ni Uriel.

Wala pang 30 minutes ng byahe, tulog na agad ang mga kasama namin sa van syempre bukod kay Khalil na nagmamaneho at sa akin na nakaupo ngayon sa harapan sa tabi nya.

"Tulog na agad sila noh?", he chuckled.

"Oum", sagot ko naman.

"Eh bat ikaw, hindi ka pa natutulog?", he asked.

"Di naman ako inaantok. Tsaka maganda rin yun na may kasama kang gising habang nagddrive", I smiled.

"Sus ok lang ako. Matulog ka na. Alam kong pagod ka", he insisted.

I shook my head three times that made him smile.

"Sure?".

I answered with three nods.

He looked into my eyes with a genuine smile and so I did.

"Mabuti pa, magpatugtog tayo para hindi tayo mabored", sabi ko na sinang ayunan naman nya.

So lay now,
Hear me all through the night
There's no teardrop,
you can count on me tonight
Or I'll stay up with you

"Uh! Sleep Tonight!", sabay naming sabi.

Napabungisngis kami parehas.

"Alam mo yun?", sabay naming tanong.

"Oo, by December Avenue", sabay naming sagot. Pareho kaming natawa.

Baby it's alright
I'll be just by your side
I'll keep you on my sight
I'll never leave 'til you sleep tonight

Sabay kaming kumakanta habang tinatahak ang daan sa ilalim ng payapang langit at mga ilaw sa daan.

🍃🍃🍃

"Mabuhay! Maligayang Pagdating sa Caniofle Island!", the resort staffs gave us a warm welcome. Napangiti naman kami.

"Maraming salamat!", sabi ko naman. "Uh, gusto sana naming mag check in for 5 days and 4 nights".

"Ilan po kayong mag checheck in, Maam?", tanong ng isang staff.

Green StringWhere stories live. Discover now