"Salamat po sa pagbisita sa Caniofle Island! Sana naging masaya ang pagstay nyo dito! Hope to see you again, Maams and Sirs", ani ng mga empleyado ng resort.
Nakangiti naman kaming tumango. "Salamat din! Nag enjoy kami".
Kitang kita ko ang ngitian at tinginan nina Zhea at Nchz. Napatingin naman sila sakin at ngumiti na para bang nagpapasalamat. Tumango tango naman ako.
"Oh sige, mauuna na kami. Maraming salamat ulit", paalam ko at kukunin na sana ang dala-dala ko nang mahawakan ni Khalil ang kamay ko. Agad ko naman itong inalis.
"Ako na", aniya.
"Hindi, ako na", sabi ko naman at agad kinuha ang bag ko. Pinasok ko na ito sa likod ng van at agad umupo sa dulo sa tabi ni Sammie. Gulat naman silang napabaling sakin.
"Di pa kayo sasakay?", tanong ko dahil nakatuon ang mga mata nila sakin ngayon.
"B- S-", di nila matuloy tuloy ang sasabihin nila kaya nagsalita na ako.
"Sammie, pwede ba kong sumandal sayo? Napuyat kasi ako kagabi kaya kailangan kong magbawi ng tulog".
Nakatingin naman ito sakin habang tatango tango. "S-sige po".
Agad akong sumandal at pinikit ang aking mga mata kaya wala na silang nagawa kundi sumakay. Dahil dito ko nakaupo, si Paolo ang umupo sa harap sa tabi ni Khalil.
Nagdaan ang oras pero hindi naman ako makatulog. Nakasandal lang ako kay Sammie habang pilit kinukumbinsi ang sariling matulog. Samantalang halos lahat sila ay tulog na, maliban syempre kay Khalil na nagmamaneho.
Tell your goodnight to the light and close your eyes
There's a better place for you than to stay awake
You'll get closer to a paradise of dreamers in love
You'll get better like heaven has done something
Dahil sa kantang biglang nagplay sa radio, di ko maiwasang alalahanin yung papunta pa lang kaming Caniofle. Sabay kaming kumakanta ni Khalil. Napatingin tuloy ako sa rear-view mirror ng kotse.
Mukhang malungkot syang nagmamaneho. Napahinga ako ng malalim.
Pero agad akong napapikit nang tumingin din sya don para siguro silipin ako. Pinilit kong magmukhang tulog. Sana effective.
Titingin pa sana ko ulit pero naisip kong wag na lang. Umiiwas nga ko diba? Tas susulyap sulyap naman ako.
Inayos ko na lang ang pagkakasandal ko kay Sammie at nag concentrate sa pagtulog.
🍃🍃🍃
Lunch time na kaya nag stopover muna kami sa isang restaurant. Di naman masyadong mahal don at may promo din kaya yun na ang pinili namin.
Sabi kong ako na ang sasagot ng lunch namin pero nagpumilit silang sila naman daw ang magbabayad. Nag ambag ambag sila tsaka umorder.
Sina Sammie at Paolo ang umorder kaya naman kay Jea ako tumabi. Nagpaalam si Khalil na magccr kaya tatlo pa ang bakanteng seats, sa tabi ko, at dalawa sa tapat ko.
Maya maya pa ay papalapit na sa table si Khalil. Ayoko syang makatabi kaya di ako mapakali. Kahit di ko sya tignan alam kong sakin sya tatabi kaya naman agad kong tinawag si Sammie.
"Sammie, tabi tayo!". Buti na lang at pabalik na sya dito kasama si Paolo.
Wala naman syang nagawa at tumabi na lang sakin. Sa tapat ko umupo si Khalil at sa tabi naman nya si Paolo.
YOU ARE READING
Green String
Fantasy"Minsan naisip ko, sana naging normal na lang din ako. Sana hindi ko na lang nakita yung berdeng sinulid dyan sa daliri mo. Edi sana hindi naging ganito kasakit. Kasi alam kong una palang, hindi na 'ko sayo lalapit", nakangiti kong sabi habang nakat...
