7th String

7 1 0
                                        

Magpapalit na ng buwan sa susunod na bukas kaya naman dagsaan na ang bilang ng mga taong pumupunta sa shop para mag-alay ng mga bulaklak sa mga yumao nilang mahal sa buhay.

Tambak ang orders samin ngayong araw kaya busy talaga ang lahat. Sina Jea ang nakaassign sa pag-aarrange ng mga bulaklak at kami naman ni Khalil ang sa pagdedeliver nito.

Habang wala kami ay sina Sammie ang mangangasiwa sa mga costumers at sina Julius ang mangangalaga sa mga bulaklak.

Nandito kami ngayon ni Khalil sa isang kainan. Kakatapos lang namin magdeliver. Alas dos na pero ngayon lang kami kakain ng lunch.

"Oh ano, nabusog ka ba?", tanong ko sa kanya.

"Oo naman. Ikaw ba?", tanong nya naman sakin.

"Oum!", sabi ko habang tatango tango at nakangiti pa. "Ang sarap nung chicken nila. Tsaka nung sauce! Grabe! Sama mo na yung kanin. Ang lambot".

Bahagya syang natawa. "Ang cute mo naman pag busog. Ang dami mong sinasabi".

Napanguso at napairap na lang ako sa kanya. "Ewan ko sayo. Halika na nga".

"Oh teka, balak mo bang mag 1 2 3? Hindi pa tayo bayad", sabi nya.

"Ay, oo nga pala! Ano ba yan? Teka sandali", sabi ko at hinanap ang wallet ko.

"Ako na ang magbabayad", sabi ni Khalil.

"Hindi ako na", sabi ko habang patuloy na hinahanap ang wallet ko.

"Ako na nga", sabi nya ulit.

Argh! Kaines! Nasan na ba yun?

"Teka sandali. Naiwan ko ata yung wallet ko sa kotse. Kukunin ko muna. Dyan ka lang ah", sabi ko at tumayo na. Nakahakbang na ko pero bumalik ako ulet para paalalahanan sya. "Ako ang magbabayad ha".

Napailing sya at ngumiti pa. Ngumiti na lang din ako at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Ingat", sabi nya pero kinawayan ko na lang sya ng nakatalikod.

"San nga ba nakapark yung kotse?", sabi ko at inilibot ang paningin sa paligid. "Ah dun!".

Tatakbo na sana ako papunta roon nang may makabangga akong isang lalaki. Nahulog ang mga laman ng box na dala-dala nya.

Sa hitsura nya, mukha syang pinaalis ng boss o nag quit sa trabaho nya.

"I'm sorry".

Sabay naming banggit.

"Tulungan na kita", sabi ko naman at pinulot ang mga gamit nya.

"Pasensya ka na talaga ah. Hindi kita nakita. Papunta kasi ako ngayon sa--".

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa litratong nakita ko. Pinulot ko ito at pinagmasdan.

Isang batang babae at isang batang lalaki ang laman ng picture. Masaya silang nakasakay sa isang duyan na gawa sa gulong. Kitang kita sa picture ang ningning ng kanilang mga mata.

Napatingin ako sa lalaking nasa tapat ko ngayon at busy sa pagpupulot ng mga gamit nya. Malamang sya itong lalaki sa picture.

Halata naman sa nunal nya sa pisngi. Kung tutuusin ay napakagwapo ng lalaking ito. Kaya lang mukhang wala sya sa sarili. Bakit kaya?

Napabalik muli ang paningin ko sa litrato at napukaw ang atensyon ko sa babaeng kasama nya. May nakasabit na white daisy sa gilid ng tenga nya.

Hindi ko alam pero kahit hindi ko makita ang red string sa isang larawan, malakas ang kutob kong itinadhana sila sa isa't isa.

Green StringWhere stories live. Discover now